Chapter 04

53 11 10
                                        

Stella's POV

Knock...... knock...... knock......

"Stella! Gising na! Anong oras ka pa ba gigising?" sigaw ni So Eun mula sa labas ng pintuan ng room ko. 

"A-a-aray!" hinawakan ko ang batok ko. Ang sakit.... Nakatulog pala ako sa table ko..... Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan at mag wa one na ng tanghali... wow... hindi na ako nakakain ng almusal.

"Gising ka na ba? Halika na kain na tayo ng tanghalian." tawag naman ni Chunhua.

"Oo nandyan na!" Sagot ko.

Nag ayos ako ng itsura ko at lumabas na ng kwarto.

"Wag mo na kasing ilock ang pinto ng kwarto mo para makapasok kami." sabi ni So Eun.

"Sorry. eh sanay kasi ako maglock ng pinto." sagot ko.

"Wow girl! ganda ng eyebags mo ah." pang aasar ni Chunhua.

"Ginawa ko lang naman yung sinabi nyo." sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Kineri mo naman ng isang magdamagan." sabi ni So Eun.

"Okay lang at least updated na ako." nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko na muna sinabi sa kanila na nakausap ko ng personal si Jimin ng Exo.... ai mali .......ng Bts pala.... kagabi.... Baka kasi assuming lang ako.

.......................... 

Dahil weekend ngayon, umuwi muna sila Chunhua at So Eun sa family nila. Well, niyayaya nila ako pero sabi ko wag na... Mas gusto ko mag isa ngayong weekend.

Pumunta ako sa Play World.... Naglaro ng kung ano anong laro dun para malibang ako.... hindi ko namalayan ang oras at mag seseven na ng gabi.

Pauwi na ako ngayon at habang naglalakad, may napansin ako na Stuff Toy Machine. Napangiti naman ako. Gusto ko makuha yung stuff toy na panda na nakadress kaya naman naglaro ako.....

"Ngayong gabing ito, mapapasakin ka na Panda." sabi ko sa sarili ko.

Nakailang barya na ako pero hindi ko pa rin nakukuha yung panda. Kukuha pa sana ako sa bulsa ko pero wala na akong barya.

"Haisst... bakit ba ayaw mong magpakuha?" ang nasabi ko na lang.

Nagulat naman ako nang may isang lalakeng nakahood at nakamask?

Teka!!! si kuya sa park ba ito?????

Sya ang naglaro sa Stuff Toy machine at ang galing nya nakuha nya ang pandang nakadress!!!.

"Wow kuya ang galing mo naman!!! yehey!!! salamat ha ang tagal ko nang gustong makuha to". masigla kong sabi.

Nagtaka naman ako dahil naghulog ulit sya ng barya at naglaro ulit. Kinuha naman nya yung pandang nakatuxedo.

"Oh" inaabot nya sa kin yung lalakeng panda.

"Ah eh ito lang ang gusto kong makuha." sabi ko.

"Mas maganda na magkasama silang dalawa." sabi ni kuya na may mababang boses.

"Hmmm alam ko na, sayo na lang yang lalakeng panda at sa kin naman itong babaeng panda para naman meron ka rin kasi ikaw yung naglaro eh di ba?" sabi ko sabay ngiti. Yung mga mata ni kuyang nakamask, pamilyar talaga sya eh..... yung boses nya......

"Omo........" napatabon ako ng bibig dahil sa naisip ko. Yung boses nya.... kagaya nung boses ni Chanyeol ng EXO........

"Bakit? May problema ba?" pagtatakang sabi ni kuya.

Oo sigurado ako.... kagayang kagaya nung boses ni Chanyeol yung boses ni kuya... pero teka dapat hindi ako magpahalata na nakilala ko sya baka bawiin itong dream stuff toy ko eh....

"Ah eh w-wala naman Cha..... ah kuya... hehehe" pautal utal kong sabi....

"Okay sigurado ka ha.... umuwi ka na... lumalalim na ang gabi.... dilekado sa babaeng katulad mo ang maglakad lakad ng mag isa tuwing gabi." sabi nya bago sya umalis.

Pinanood ko syang umalis... Oo sure na sure ako ngayon... yung tangkad nya... boses... at mata.... sya yun I'm sure......

Chanyeol's POV

Naisipan ko ulit maglakad lakad ngayong gabi dahil sobrang busy namin namimiss ko ang mamasyal at maglakad lakad. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang babae na busing busy sa paglalaro sa Stuff Toy Machine. Pamilyar ang mukha nya....

Ah oo!! yung babaeng hindi ako kilala.... sya nga yun!... Pinanood ko syang maglaro... Nakailang hulog na sya sa machine pero hindi nya makuha yung panda na nakadress at mukha ring naubusan na sya ng pera.

Lumapit ako para tulungan sya. Nagulat pa sya nang dumating ako at naglaro. Kinuha ko yung stuff toy na pilit nyang kunin at sobra naman syang natuwa.

 "Wow kuya ang galing mo naman!!! yehey!!! salamat ha ang tagal ko nang gustong makuha to". masigla nyang sabi. Napangiti ako dahil parang bata ang reaksyon nya. Naglaro ulit ako at kinuha ko naman yung panda na naka tuxedo.

"Oh" inaabot ko ang panda sa kanya pero hindi nya kinuha.

"Ah eh ito lang ang gusto kong makuha." sabi pa nya. Ha? ayaw nya? eh magpartner ang pandang ito at yung hawak nya.

  "Mas maganda na magkasama silang dalawa." Sabi ko.

 "Hmmm alam ko na, sayo na lang yang lalakeng panda at sa kin naman itong babaeng panda para naman meron ka rin kasi ikaw yung naglaro eh di ba?" masiglang sabi nya. Mukhang ayaw nya talagang kunin sayang naman kung itatapon lang kaya sige akin na lang ito.

Maya maya pa ay bigla na lang syang nag react....

"Omo......" sabi nya at napatakip pa ng bibig na mukhang nagulat. Anong nangyari dito?

  "Bakit? May problema ba?" pagtataka kong tanong sa kanya.  

"Ah eh w-wala naman Cha..... ah kuya... hehehe" sabi nya na mukhang kinakabahan.

  "Okay sigurado ka ha.... umuwi ka na... lumalalim na ang gabi.... dilekado sa babaeng katulad mo ang maglakad lakad ng mag isa tuwing gabi." sabi ko bago ako umalis.  

Kung ano man ang problema ng babaeng yun, bahala sya... gusto ko pang mamamasyal eh sayang yung oras kung mananatili ako dito.

Stella's POV

"Ano bang nangyayari sa kin? Bakit nakikita ko ang mga sikat na idols ngayon nang personal? Ito ba ay senyales na kailangan ko na talaga maging aware sa buhay showbiz? na kailangan ko na talagang makilala ang mga artista at mga sikat ngayon? Grabeh naman, nag i start na akong maging updated diba? bakit kailangan ko pa silang makilala ng personal? Baka ako mapahamak nito." sabi ko sa sarili ko.

Si Chanyeol..... sure ako na sya yung lalakeng nakamask at nakahood pero yung nagbabasketball na lalake, si Jimin ba talaga yun?????

Ano ka ba Stella, kung sino pang nakita mo ang mukha ay hindi mo sure kung sya yun? samantalang si kuyang nakahood at nakamask ay sure na sure ka na si Chanyeol yun.

END OF CHAPTER FOUR

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon