Chapter 10

56 10 10
                                        

Chanyeol's POV

Galing ako sa training room ng super junior. Pagkalabas ko ng pinto, nakita ko si Baekhyun na nakatago at may tinatanaw sa may training room ng Girls generation. Inaabangan ba nya na lumabas si Taeyeon unnie?

"Hoy!" Gulat ko Kay Baekhyun.

"Kkamjagiya!!!" Sigaw ni Baekhyun.

"Anong ginagawa mo dito ha?" Tanong ko.

"Chanyeol, nakita ko yung Babae na nakilala mo. Pumasok sa training room ng girls generation." Mabilis na sabi ni Baekhyun.

"Ha? Sigurado ka?" Pagtataka Kong sabi.

"Oo, siguradong sigurado ako. Mukhang sya nga yung back up dancer ni Taeyeon." Sagot pa nya.

Bumalik na kami ni Baekhyun sa 3rd floor kung saan nandoon ang training room namin.

Palihim kaming nagkukwentohan habang ang iba ay kumakain ng binili ni Baekhyun.

"Tumigil pa nga sya sa harap ng picture mo sa 1st floor. Sigurado ka ba Chanyeol na Hindi ka nya kilala?" Tanong ni Baekhyun.

"Oo, sigurado akong Hindi nya ako kilala. Saka Hindi pa nya nakikita ang mukha ko. Siguro nagwapuhan lang sa kin yun kaya napahinto sa picture ko." Proud Kong sagot.

"Tssskkk lumalakas yata ang hangin dito ah." Pang aasar ni Baekhyun.

....................

Stella's POV

"Good day po!" Bati ko pagkapasok ko sa room ng Girls generation.

"Oh! Stella! Nandito ka na pala!" Salubong ni Taeyeon sa kin.

"Ah eh opo." Gosh kasama ni Taeyeon unnie si Sunny at si Hyoyeon unnie ang kasama nya... (Yehey kilala ko na ang ibang kpop idols)

Pagkabigay ko ng wallet, may konting kwentohan tapos lumabas na ako ng training room.

Naisipan ko na dumaan na lang sa hagdan kasi parang gusto Kong makita ang ibang floor.

NASA 3rd floor na ako at ang nabasa Kong training rooms ay Red velvet at Exo...

Nasa tapat ako ng pinto ng training room ng Exo nang bigla na lang itong bumukas. Lumaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat ko. At ganoon din yung gwapong lalake na nagbukas ng pinto, lumaki din ang bilugang mata nya.

"D-D.O.?" Bulong ko. Oo yan nga si D.O. ng Exo.

"May kailangan ka ba Miss?" Tanong nya sa kin. Napasilip ako sa loob at nakita Kong kumakain yung iba at si Chanyeol naman ay may kakwentohan. Nagulat ako nang mapatingin sa kin si Chanyeol.

"Ah eh wala, sige bye. Sorry." Sabi ko Kay D.O. Sabay alis.

............

Chanyeol's POV

Napatingin ako sa may pinto dahil napahinto si D.O. sa paglabas. At nakita ko yung Babae. Umalis agad sya kaya naman, tumayo agad ako at sinundan sya.

"Teka, Chanyeol. San ka pupunta?" Sigaw ni Baekhyun pero Hindi ko yun pinansin.

"Aray! Dahan dahan naman sa paglabas." Sabi ni D.O. dahil nabanggaan ko sya nang hindi ko sinasadya dahil nagmamadali ako.

"Sorry kyungsoo. Batukan mo na lang ako mamaya." Dali dali Kong sinundan yung Babae. Sya nga yun! Yung nakilala ko sa park pero Hindi ko alam ang pangalan.

"Ang bilis naman nya maglakad." Bulong ko. Pero nakita ko syang pababa sa hagdan kaya sinundan ko.

"Sandali lang! Miss!" Sigaw ko. Napahinto naman sya pero Hindi sya lumingon.

Nilapitan ko sya at hinawakan ko sya sa balikat.

"Kilala mo na ako?" Tanong ko. Umiling iling sya na ibig sabihin Hindi.

"Kung Hindi, bakit ganoon ang expression ng mukha mo nang makita mo ako? Bakit mo ako tinatakasan?" Tanong ko.

...............

Stella's POV

Kailangan Kong iwasan tong artistang to. Kagaya ng pag iwas ko Kay Jimin. Pero ibang klase ang lalakeng matangkad na to, sinundan pa ako.

"Kilala mo na ako?" Tanong nya. Halata ba talaga na nakilala ko sya?

Umiling iling ako.........

"Kung Hindi, bakit ganoon ang expression ng mukha mo nang makita mo ako? Bakit mo ako tinatakasan?" Aisshhh sige na nga papansinin ko na.....

Humarap ako sa kanya.....

Tumingin ako sa mukha nya at...........................

Niyakap ko sya tapos nagkatitigan kaming dalawa tapos palapit nang palapit ang mukha namin tapos pumikit ako tapos..............

"Hoy!!!!!!!!!" Sigaw nang malagong na Boses. Napaigtad ako ng konti sa gulat...

Hala ano yung iniisip ko????

"Okay ka lang ba?" Tanong nya ulit.

"Ah eh oo.... Oo... Okay lang ako... hehe." Pangiti ngiti Kong sabi.

"Kailan mo pa ako nakilala?" Tanong nya ulit.

"Ah eh nung nasearch ko sa internet yung Exo. Yung Boses mo din nakilala ko." Sabi ko na Hindi tumitingin sa mga mata nya. Syetttt nahihiya talaga ako sa sarili ko dahil sa naisip ko kanina.

"Nung una mo akong nakita sa park, kilala mo na ba ako nun?" Tanong nya ulit.

"Hindi. Pero nung sa stuff toy machine nakilala na kita nun pero Hindi ko pinahalata..."

"Kilala mo na pala ako nun, pero hindi pa rin kita kilala hanggang ngayon."

"Stella, Stella ang name ko..... Sorry! Sorry talaga!" Sabi ko Sabay bow at kiskis ng dalawang kamay sa isat isa.

"Bakit ka naman mag so sorry?" Pagtatakang tanong nya.

"Kasi nagkunwari ako na Hindi kita kilala... H-hindi ka ba nagagalit sa kin?" Napatingin ako sa kanya.

Syettt ngumiti sya. Ang gwapo nya ngumiti.

"Nakakatuwa ka. Okay lang yun. Mabuti nga nagkunwari ka na Hindi mo ako kilala, Hindi ako kinabahan." Sabi nya. "Oo nga pala. Naalala ko, may bracelet ka ba na kulay sky blue?"

Napaisip ako.... Oo meron nga. Regalo ni So Eun sa kin yun pero saan ko nga pala nailagay yun?

"Meron..." Maikli Kong sabi.

"Ah sa iyo nga ito." May kinuha sya sa bulsa ng jacket nya (yun yung jacket na suot nya sa park) at yun nga yung bracelet ko.

"Sa susunod ingatan mo na yan baka mawala mo na naman yan. Sige ingat ka na lang pag uwi!" Sabi nya Sabay takbo paakyat ng hagdan.

...................

Nasa park ulit ako ngayon. Nakauposa bench kung saan ko unang nakilala si Chanyeol.

"Stella, ano yung inisip mo kanina? Bakit mo naisip yun ha? Bakit?" Tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa braso ko na suot ang bracelet. May bigla akong naalala kaya naman napatayo ako....

"Sabi ni So Eun, Love Catcher daw ang bracelet na to. Ang unang lalakeng nakahawak nito ay ang destiny ko. Omo.... Imposible yun. Si Chanyeol? Destiny ko? No way..... Isang sikat, gwapo, talented, perfect na lalake ang makakatuluyan ko?!!!!"

END OF CHAPTER TEN

I am in love with an idol!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon