Chapter 21

37 7 8
                                    

Stella's POV

Malungkot akong dumating sa dorm at naabutan ko na kumakain na sila ng hapunan.

"Unnie! Dumating ka na. Nag aalala kami ang tagal mong umuwi." Salubong sa kin ni Mia. Tumingin ako Kay So Eun pero dedma lang nya ako.

"Halika na, Stella. Kumain ka na rin. " yaya sa kin ni Na Eun unnie.

"Ah sige salamat. Busog pa ako unnie eh." Sagot ko na lang.
Tumayo si So Eun at lumapit sa kin. Hinila nya ako papunta sa table at pinaupo. Nagulat ako sa ginawa nya.

"Alam mo bang tinawagan ng another BOY FRIEND mo yan si Chunhua?" Sabi nya na seryoso ang mukha.

"Another Boy friend?" Mahina Kong sabi.

"Si Chanyeol po, besh." Sabi ni Chunhua.

"Paano nya nakuha number mo?" Tanong ko Kay Chunhua.

"Tinanong ko rin yan sa kanya. Ang sabi nya, sa phone mo daw." Sabi ni Chunhua. "Sinabi nya na todo iyak ka daw  kanina sa kanya dahil nagtampo si So Eun sa yo. Sinabi din nya na Hindi mo sinasadya na maglihim sa min dahil natatakot ka daw na madawit kami kung magka issue ka sa kanila." Kwento ni Chunhua.

Nakuha agad ni Chanyeol ang number ni Chunhua at nakausap na din nila si Chanyeol? Sya na din ang nag explain sa kanila.... Oooooppppsss puso.... Wag muna ngayon okay???

"Hindi ko naman kasi talaga balak ilihim sa inyo. Coincidence lang talaga nang makilala ko si Jimin at Chanyeol. Hindi ko pa nga sila kilala nang una ko silang makita. Kaya nung gabing magdamagan akong nagresearch dun ko lang sila namukhaan. At nang marealize ko na members sila ng mha biggest kpop groups, pinilit kong iwasan sila, pero sila yung pumapansin sa kin eh. Kaya gusto ko sana personally na mag sorry sa inyo especially Kay So Eun at Chunhua. Sorry sana mapatawad nyo ako." Seryoso Kong sabi. Sinimulan na ni Chanyeol, tatapusin ko na.

Narinig Kong bumuntong hininga si So Eun at tumingin sa kin tapos ngumiti. "Well then, umamin ka din. Honestly, I was just pretending na sobrang nagtampo ako. Kunting tampo lang naman yun Hindi sobra. Gusto ko lang talaga na maging open tayo sa isat isa kasi iisang group na tayo.. Tayo tayo din ang magdadamayan at magtutulungan okay?" Napangiti naman ako dahil ngumiti na sa kin si So Eun. Nag group hug na rin kami.

Habang kumakain, nagsalita ulit ako.

"May aaminin ulit ako sa inyo girls. Pero sana sa atin lang ito.. Hihingi na rin ako ng advice nyo." Sabi ko.

"Okay no problem." Sabi ni Chunhua.

"I.... I... I think.... I'm... I'm in love." Mahina at nahihiya Kong pag amin.

Nabulunan ng si So Eun sa sinabi ko. Napatingin naman sa kin si Na Eun unnie at Mia at si Chunhua naman ay natigilan sa pagsubo ng pagkain.

"Anong sabi mo?" Tanong ni So Eun.

"I-I'm in love.. But I'm not sure kung love nga yun." Sabi ko..

"Sino? Kanino?" Curious na tanong ni Chunhua.

"Pwedeng Hindi ko muna sabihin kung sino?" Sabi ko.

"Hmmm okay, kung Hindi ka pa ready na sabihin kung sino yang lucky guy na yan." Sabi ni Na Eun unnie.

"Unnie, Bts or Exo?" Curious namang tanong ni Mia. Haaaiiisssttttt nagbigay naman ng clue itong bunsong ito.

"Mia, wag muna nating madaliin si Stella. Simpleng tanong muna tayo." Paalala ni Na Eun unnie.

"Kapag ba nakikita mo si guy, bumibilis ang tibok ng puso mo girl?" Tanong ni Chunhua.

Tumango ako...

"Kapag ba may ginawang mabuti sayo si guy, kinikilig ka?" Tanong naman ni So Eun.

Tumango ulit ako.

"Lagi mo ba syang naiisip?" Tanong naman ni Na Eun.

Tango ulit ako.

"May naiimagine ka bang something romantic with him unnie?" Tanong ni Mia.

Tango ulit ako...

"Positive! You are really in love girl! Congratulations!" Sabi ni Chunhua.

"First time mo main love noh? May itatanong ako sa yo mamaya Stella after dinner." Sabi ni So Eun.

Okay... Inaamin ko na I'm in love with him!

After dinner, pumunta kami ni So Eun sa may terrace.

"Stella, I remember nung may tinanong ka about sa bracelet sa kin. Is that guy is the guy you are in love with?" Tanong nya.

"Oo, So Eun. Sya nga." Amin ko.

"Sabi na eh, effective ang bracelet na yan. But do you think that guy is also in love with you?" Tanong ulit nya.

"I.... I don't know.... But I think its impossible. I think he only sees me as his friend." Malungkot Kong sabi.

"I'm so curious who's that guy. Ang naiisip ko si Jimin or si Chanyeol? Pero sige okay lang kung Hindi mo muna sabihin. Alam Kong magulo pa ang isip mo." Sabi ni So Eun. "But remember pa rin girl, we are still a rookie group. Ingat ingat na lang muna tayo sa issues and scandals okay? But if you need me, I'll be here to give advice and to listen." Hinug ko si So Eun. Masaya ako dahil bati na kami. Salamat Kay Chanyeol for his help.

Humiga ako sa kama at nag open ng Instagram. Nakita ko na nag update si Chanyeol. Nagpost sya ng video na nagpipiano sya ng kantang ang title ay Baby don't cry.... With a caption If you want to cry, listen to my voice to make you smile

Napangiti ako. Is this message for me? Or assuming lang ako?

Pero kanina lang din nya pinost ito nang maghiwalay kami sa pag uwi.

Bakit Chanyeol ang bait bait mo sa kin? Kahit minsan ginagalit kita, pinapatawad mo pa rin ako agad agad... Nagpadala ka pa ng bulaklak nung Na debut kami.... Are you aware na kinukuha mo na ang loob ng taong ginagawa mo ng sweet things like that? Kasi successful ka na eh, nakuha mo na ang puso ko.... Pero tama ba tong nararamdaman ko? Hindi ba to ikakasira ng buhay mo o buhay ng kagrupo ko?

Napakaraming tanong na pumapasok sa isip ko....

May nagprivate message sa kin.... Si Jimin... Oo nga pala Hindi ko pa sya finofollow sa instagram... Kaya naman finollow ko sya...

Message: Good evening Stella! Bakit gising ka pa? Mag tutwelve na ah. Matulog ka na. Good night!

Isa pa tong lalakeng to... Pero okay sige friends kami.. Sadyang friendly lang talaga si Jimin. Napakadali nyang makuha din ang trust ng isang tao. Kaso, nagtetrending din yung hashtag na JimElla na yun. Ginagawa ba nila kaming couple? Nakakailang naman yun....

END OF CHAPTER TWENTY-ONE

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon