Jimin's POV
Nauna na kami kina Chanyeol at NASA dorm na ng High5. Binaba na namin ni So Eun ang dalawa nyang kasama.
"Uhmmm... Jimin-ssi salamat sa paghatid sa min." Sabi sa kin ni So Eun.
"Wala yun." Sagot ko at ngumiti ako ng konti. Hindi ko ipapahalata na nasaktan ako sa nakita ko kanina....
May relasyon ba ang dalawa? O sadyang lasing lang Stella? Pero NASA katinuan naman si Chanyeol, bakit nya hahalikan si Stella?
"Are you okay Jimin-ssi?" Tanong bigla ni So Eun.
"Oo naman. Hindi naman ako lasing eh." Sabi ko.
"No, i-i mean... Napansin ko kasi ang reaksyon mo sa nakita natin kanina.... Do you want some accompany?" Napatingin ako sa mata ni So Eun. Nahalata ba nya ako kanina?
"No, I'm o-okay. Nabigla lang ako kanina hahaha." Tumawa ako ng konti.
"Its okay Jimin-ssi. Expert ako sa ganyan. At sigurado ako sa nakita Kong expression mo. You're hurt and jealous. Do you like Stella?" Seryoso ang mukha ni So Eun nang itanong nya yun.
"Hahahahahaha no... Mali ka....." Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni So Eun.
"Please, please, don't do fake laughter. Alam ko ang nararamdaman mo dahil nararamdaman ko din yun." Natahimik ako sa sinabi nya. Oo, totoo naman talaga na nasaktan ako kanina pero ayokong ipakita ito dahil lalake ako at dapat manatili akong matibay.
Pero sa ngayon parang nanghihina ako.
Siguro mga 5 minutes din syang nanatiling nakayakap sa kin nang biglang bumukas ang pinto ng dorm nila.
..................
Chanyeol's POV
Hindi ko namalayan na tumutugon na ako sa halik ni Stella pero Maya Maya pa ay tumigil sya at biglang nakatulog.
"Anong ginawa mo Chanyeol? Sinamantala mo ang paghalik ni Stella dahil tumugon ka. Ano ka ba, lasing lang sya." Saway ko sa sarili ko. "Pero sabi nya gusto nya raw ako."
Lasing lang sya.... Lasing..... Wala sa katinuan... Tandaan mo yan Chanyeol.
Dumating na kami sa dorm nila at piniggy back ko muna si Stella babalikan ko na lang Si Mia.
Napansin ko na NASA harapan na ng dorm ang kotse ni Jimin. Nauna na pala sila sa min.
Pag bukas ko nang pinto, naabutan ko na nakayakap Kay Jimin si So Eun.
Ano bang nangyayari dito?
"Sorry, walang ibig sabihin yung nakita mo." Biglang sabi ni So Eun sabay Alis sa pagkayakap Kay Jimin.
"Sabi mo eh. Alam ko naman na NASA katinuan pa kayo. San pala ang kwarto ni Stella?" Tanong ko.
"Ah doon sa pangalawa." Sagot ni So Eun.
Inihatid ko sa kwarto si Stella at binalikan si Mia sa kotse.
Pagkatapos Kong dalhin sa kanya ka nyang kwarto ay nagkausap kami ni Jimin sa lavas.
"Jimin-ssi salamat sa tulong." Sabi ko.
"Wala yun bro." Sagot nya. "Ah Chanyeol-ssi, may relasyon ba kayo ni Stella?" Biglang tanong nya.
"Huh? W-wala, bakit mo natanong?"
"Nakita ko kayo." Alam ko na ang ibig nyang sabihin. Yung kanina....
"Ah, h-hindi yun intentionally. Si Stella kasi ang humalik sa kin. Lasing lang sya." Kinakabahan Kong sabi. Baka kasi iba ang isipin ni Jimin eh.
"Si Stella ang humalik sa yo?" Ulit nya.
"Oo, sabi pa nga nya bago nya ako halikan na gusto nya ako. Nabigla ako at Hindi nakagalaw nang halikan nya ako." Sabi ko.
"Lumalabas ang totoong nararamdaman kapag lasing ang isang tao. Maswerte ka Chanyeol Kay Stella." Sabi ni Jimin. May kung ano akong naramdaman sa pagkasabi ni Jimin nun. Umalis na sya at sumakay sa kotse nya.
"Totoong nararamdaman? Totoong may gusto sa kin si Stella?" Bulong ko sa sarili ko.
.....................
Jimin POV
Masakit marinig na sinabi ni Stella na gusto nya si Chanyeol. Si Chanyeol ang gusto nya at Hindi ako. Pero ako yung tipo ng lalake na mas pipiliin pang masaktan kesa ipagpilitan ang sarili sa taong Hindi naman ako gusto. Mas masaya ako na nakikitang masaya ang taong mahal ko sa piling ng taong mahal nya.
"Kailangan mo talaga ngayon ng karamay." Napahinto ako sa pagmamaneho dahil sa gulat nang may babaeng nagsalita.
"Omo!" Sabi ko. "So Eun! Paano ka na papunta dito?" NASA passenger's seat si So Eun.
"Pumasok ako sa kotse mo habang nagkukwentohan kayo ni Chanyeol kanina." Sabi nya. "Gusto mo ba maglibang ngayon?"
Napatingin ako Kay So Eun. Sige mukhang kailangan ko nga....
...............
So Eun's POV
Dinala ko si Jimin sa isang perya. I mean yung may mga rides....
Syempre nakadisguise kami pero dahil malalim na ang gabi medyo konti na ang tao....
Sumakay kami sa ibat ibang rides at mukhang nag eenjoy naman sya. He is so cute when he laughs. Nakakaflutter ng heart.
Ang huling sinakyan namin ay ferris wheel.
"Jimin-ssi nag eenjoy ka ba?" Tanong ko.
"Oo sobra. Salamat ha. Ang tagal ko nang Hindi nag eenjoy ng ganito." Nakangiti nyang sabi at Hindi yun fake. Totoo ng smile yun.
"Buti naman kung ganoon. Masaya ako at nag eenjoy ka." Sabi ko at ngumiti din ko sa kanya.
"So Eun-ssi, gusto ba talaga ni Stella si Chanyeol?" Biglang seryoso ni Jimin. Ayoko naman na umasa si Jimin at mas lalong masaktan.
"Oo, sinabi sa kin ni Stella yun." Sabi ko. "Jimin-ssi, do you like Stella?"
"Hmm yes I like her." Naging honest na si Jimin at ito na nga ako rin ay nasaktan. Pero mas kailangan ako ni Jimin ngayon.
"Alam mo Jimin-ssi, marami pa namang Babae dyan na pwede ka ring mahalin." Medyo mahina ang pagkasabi ko nun.
"Oo alam ko." Ang Tanging sabi nya. "Tanggap ko naman na Hindi ako ang gusto ni Stella. Pero Sana alagaan sya ni Chanyeol."
Hmmm binago ko ang topic tapos nag patuloy kami sa pag enjoy. Feeling ko nagdidate kami ni Jimin. Masaya ako na masaya sya....
END OF CHAPTER TWENTY-SEVEN
BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
عشوائيThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...