Chanyeol's POV
Heto na nga ang chismosong baek.... Tanong nang tanong...
"Chanyeol, sino yung Babae kanina?" Curious na tanong ni Baekhyun.
"Hindi ko alam ang pangalan eh." Sagot ko.
"Nagkita na kayo dati?" Tanong nya ulit.
"Oo, unang kita namin ay sa park." Sagot ko ulit.
"Una? So nagkita ulit kayo?" Tanong ulit ni Baekhyun.
"Pangalawa, sa tanong kalsada. Naglalaro sya sa stuff toy machine."
"Tapos?....." Titig na titig si Baekhyun sa kin. Curious na curious ang mokong na to.
"Tapos kanina" maikli Kong sagot.
"One... Two... Three.... No way!" Biglang sabi nya...
"Oh bakit?" Pagtataka Kong tanong.
"Coincidence lahat ng pagkikita nyo?" Tanong nya ulit. Kulit naman nito.
"Oo." Nagulat ako nang biglang harangan nya ako sa paglalakad. "Bakit?"
"Chanyeol, sya na!" Weirdong sabi ni Baekhyun.
"Anong sya na?" Tanong ko ulit.
"Sabi ng Lola ko, kapag daw nagkita kayo ng isang babae ng tatlong beses at Hindi inaasahan, sya na ang destiny mo."
"W-what?!" Gulat Kong sabi. "Imposible yun Baekhyun. Hindi ko nga kilala ang babaeng yun. At Hindi nya rin tayo kilala." Sabi ko pa at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hindi nya tayo kilala? Eh sobrang sikat kaya tayo." Sabi ni Baekhyun
"Yun nga rin inisip ko dati pero talagang Hindi nya tayo kilala. Tingnan mo kanina, sobrang lapit na nya sa tin at narinig pa nya ang boses natin pero wala syang reaksyon."
"Oo nga noh? Kung ibang Babae yun, magwawala na siguro yun."
"Pero mas okay na yung Hindi nya tayo kilala, Hindi tayo mapapahamak." Tanging nasabi ko....
..................
Stella's POV
Today is the first day of filming for Taeyeon unnie's Music video.
"Wow! Super pinaghandaan ang venue!" Sabi ko nang puno ng paghanga. Totoo naman kasi. Super laki siguro ng ginastos dito.
"Kailangan talagang paghandaan dahil malulupit din ang mga grupong magkacomeback ngayong taon." Sabi naman ni So Eun.
Malupit talaga ang kpop industry, gagawin ang lahat para maging perpekto ang comeback.
Wow I'm so proud to myself, natututo na ako about kpop industry.
Nagstart na kami sa pagfifilm at marami kaming natutunan dito lalo na sa expression ng mukha sa harap ng camera.
....................
(Fast Forward)
Naging matagumpay ang three days filming ng music video ni Taeyeon Unnie. At nandito kami ngayon sa isang sosyaling restaurant kasama si Taeyeon unnie para magcelebrate sa successful na filming ng music video nya.
"Para sa successful music video ni Taeyeon unnie!" Masiglang sabi ni Na Run unnie habang itinaas ang basong may lamang alak.
"Yes! Cheers!" Sabay Sabay naming sabi.
"Thank you sa inyong hardwork guys." Sabi ni Taeyeon unnie.
"Its nothing unnie. We are honored na makasama kami sa music video mo. Its a dream by many." Sabi ni So Eun.
Biglang nagring ang phone ko. Its a message from the charity na sponsor ko sa training. Nagpadala sila ng allowance ko.
"Ang cute naman ng girl panda mo." Sabi ni Taeyeon unnie. Napansin nya yung panda na nakasabit sa bag ko.
"Ah oo nga. Favorite ko yan." Masaya Kong sabi.
"Nasa boyfriend mo ba ang kapartner na panda nyan?" Tanong nya.
"Huh?" Tanging nasabi ko.
"Di ba couple panda yan? Nasan yung boy na panda?" Ulit na tanong ni unnie.
"Couple panda?" Ulit ko.
"Oo. Popular yan sa mga lovers di ba?" Alam Kong mahilig ang mga Korean na iexpose ang relationship nila through couple shirts, bracelets, jackets, stuff toys etc. Pero Hindi ko alam na may kapartner ito. Yung boy na panda kala ko sadyang girl at boy lang talaga yung panda... Hindi ko alam na couple yun....
At yung lalakeng panda ay na Kay Chanyeol!!!!!!
"Ah eh Hindi ko alam unnie kung nakanino ang kapartner nya. Nakuha ko lang to sa stuff toy machine." Pagsisinungaling ko.
...........................
Lumipas ang ilang linggo ay nailabas na ang music video ni Taeyeon unnie. Hindi ko na rin nakikita si Chanyeol. Ayun sa update, nasa Japan daw ngayon ang Exo.
Oh di ba, updated na ako ngayon.
Maganda ang naging resulta ng comeback ni Taeyeon unnie dahil naka 15,000,000 views na agad sa youtube sa loob ng tatlong araw.
Nandito ulit ako sa basketball court at kumakain ng Noddles habang pinapanood ang music video. Syempre gusto ko panoorin sarili ko na sumasayaw sa likod ni Taeyeon unnie. So proud of my self hehehe....
"Oh... Nandito ka na naman." Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko na lalake at sa pagkagulat ko ay natapon ang kinakain ko na Noddles.
.............
Jimin's POV
10:00 pm na at time na para makapag exercise at makapag basketball. Tinatanong nyo ba kung bakit malapit sa may Parke na basketball court ako naglalaro? Kasi presko ang hangin at kapag nagutom ako, may masasarap na street foods sa paligid. Mga ganitong oras ako pumupunta dahil konti na ang tao doon.
Papunta na ako sa basketball court nang matanaw ko ang isang Babae na nakaupo at kumakain ng cup Noddles habang may pinapanood sa cellphone nya.
Inayos ko ang hood ko para Hindi ako makilala. Nang palapit na ako, namumukhaan ko ang babaeng nakaupo. Parang sya yung mineral water girl. Oo nga! Sya yun! Lumapit ako sa kanya.
"Oh.... Nandito ka na naman." Sabi ko pero mukhang nagulat ko yata sya ng sobra kasi natapon yung kinakain nya.
"Yaaahhh!!!!" Galit na sigaw nya. Naku po, nagalit sya. "Sino ka ba? Bakit ka ba nanggugulat? Kilala ba kita? Close ba tayo?!" Sunod synod na inis na tanong nya sa kin.
"Hindi ko naman sinadyang gulatin ka. Hindi mo ba ako natatandaan?" Sabi ko.
Kumunot ang noo ng babae. Parang kinikilala nya ako at pilit inaalala kung kilala nya ako.
Hindi sya Army kasi Hindi nya ako kilala eh kaya safe ako.
"Oh!!!!! I remember you!!!" Biglang umokay ang mukha nya nang sinabi nya yun. "Jimin ba pangalan mo? nakasulat sa bracelet mo."
Kahit alam nya ang name ko, mukhang Hindi nya talaga ako kilala....
"Natapon ang kinakain mo, halika ililibre kita ng pagkain." Yaya ko. Kasalanan ko naman kung bakit natapon ang pagkain nya.
"Ah eh..... Sige...." Nahihiyang sabi nya. Kanina lang sobrang galit nya tapos ngayon nahihiya na.
Kinuha ko ang mask ko sa bulsa ng jacket ko at sinuot tapos hinila ko na sya para bumili ng pagkain.
END OF CHAPTER SEVEN

BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
De TodoThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...