Chapter 13

45 12 14
                                    

Stella's POV

Namilog ang aking mga mata..... Kasing bilog ng mga mata ni D.O. (hehehe)..... Dahil sa gulat..... Oh shit, bakit nakasalubong ko pa si Jimin dito ngayong  kasama ko si Chanyeol???? Anong gagawin ko? Dalawang hot at gwapong kpop idols ang kasama ko??? Hihimatayin na po ba ako???

"Jimin?" Gulat din si Chanyeol nang makita nya si Jimin. Mas nagulat pa siguro sya dahil kilala ako ni Jimin...

Gosh..... Bakit kailangang makilala ko pa itong dalawa? Kung kailan ko dapat iwasan sila, saka naman kami magkikita kita.... Lupa kainin mo na ako! Ngayon din!!! Inuutusan kita!!!! Huhuhuhu.....

"Chanyeol hyung? Magkakilala kayo ni Stella?" Tanong ni Jimin na nagulat din nang mapansin nya na si Chanyeol pala ang kasama ko.

"Ah eh... Medyo lang? Kayo? Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Chanyeol Kay Jimin.

"Hmmm... Medyo din?" Sagot ni Jimin.

Bumuntong hininga ako.....

"Okay.... Chanyeol, Jimin.... Nakilala ko kayo nang di inaasahan pareho sa magkaibang lugar at oras pero, magiging honest lang ako ha... Kinakabahan talaga ako....  Hindi ba ako mapapahamak nito? Balita ko malulupit ang fandom nyo, baka pag may nakakita sa tin ngayon, matatagpuan na lang akong nakahandusay dyan sa tabing kalsada kinabukasan. Grabeh, marami pa akong pangarap at magsisimula pa lang yun...." Natataranta Kong sabi. Tumahimik ang dalawa tapos Maya Maya pa ay tumawa pareho yung dalawa....

"Hahahahahaha wag kang mag aalala, sagot ko libing mo." Biro pa ni Chanyeol habang tumatawa.

"Hahahahahaha Hindi mangyayari yun, Stella. Wala na masyadong tao saka mukhang wala namang pakialam yung iilang naglalakad eh." Sabi naman ni Jimin. " Pero kapag nangyari yun, magpapadasal ako para sayo hahahahahaha. "

Kumunot ang noo ko sa mga Biro nila... Hindi ako natatawa....

"Ikaw naman, Hindi na mabiro. Ano kaya kung umupo Muna tayo. Mangalay tumayo eh." Sabi ni Chanyeol.

Umupo kami sa malapit na upuan na may table at binigyan kami ni Jimin ng sandwich at canned beer na baon nya.

"Oo nga pala, nagdidate ba kayo? Bakit mag kasama kayong namamasyal kanina? Lihim na relasyon ba to? Wag kayong mag alala, Hindi ko ipagkakalat ang relasyon nyo." Sabi ni Jimin.

"Wala kaming relasyon ni Stella. Nagpasama lang ako maglakad lakad kasi wala akong kasama sa dorm. Mga busy ang brothers ko." Sabi naman ni Chanyeol. Ewan ko pero parang nadisappoint ako. Sabi ni So Eun, kapag nagyaya ang isang lalake na Hindi mo kaibigan, date na ang tawag dun.

"Oh Stella bakit Hindi ka nagsasalita?" Tanong ni Jimin.

"Ha? Ah eh, ano ba sasabihin ko?" Yun na lang ang sinabi ko.

Biglang nagring ang phone ni Chanyeol. Kinuha nya ito at sinagot.

"Hello? Suho hyung?" Sabi nya. Si Suho pala ang tumawag. "Ngayon na? Ah okay sige. Pupunta na ako." Binaba na nya ang phone nya.

"Jimin-ssi, Stella, kailangan ko na umalis. Pinapapunta ako ni Suho hyung sa SM building." Paalam nya.

"Ah sige mag iingat ka hyung." Sabi ni Jimin.

"Ingat ka." Maikli Kong sabi. Nalungkot ako dahil sya yung nagyaya sa kin dito tapos iiwan nya lang ako. Pero di ba nag desisyon ka na ,Stella na iwasan tong dalawang park na to.

"Malalim yata iniisip mo ah." Biglang sabi ni Jimin.

"Ha? Hindi naman." Sabi ko.

"Hmmm okay. Lumalalim na ang gabi, gusto mo ba ihatid na kita sa tinutuluyan mo?" Wow gentleman naman ni jimin.

"Ha? Wag na baka may makakita pa eh, maissue ka pa." Sabi ko.

"Matagal na akong pumupunta dito pero walang nakakakilala sa kin kaya okay lang yun." Nakangiting sabi nya. Natutuwa ako dito Kay Jimin ang bait bait nya at caring pa.

Habang naglalakad kami ay nagkukwentohan kami at nagbibiruan. Masayang kasama si Jimin, Hindi ka maboboring.

"Dito na lang ako. Malapit na dito ang dorm namin." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko.

"Okay sige... See you next time!" Sabi nya.

"Okay ingat ka!" Sabi ko naman at umalis na sya.

Habang naglalakad si Jimin, may napansin ako sa isang kanto na may nakasilip na tao at nang dumaan si Jimin ay tumago ito. Sinamantala ko na nakatago sya at dahan dahan akong lumapit sa pwesto nya. Baka journalist o paparazzi yun, kailangan Kong maihinto ang balak ng taong yun bago pa mapahamak si Jimin sa social media. O kaya naman ay masamang tao yun... Naku!!!!! Kailangan ko talagang kumilos....

NASA likod na ako ng pader at NASA kabila naman yung taong tinutukoy ko.

Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili.

"Okay kaya mo to, Stella. 1..... 2.... 3... Yahhhhh!!!!!!!!!!" Sigaw ko nang harapan ko ang nakakapang hinila na taong yun. Sabay high kick ko......

Natamaan sa sikmura ang lalake, oo lalake ang sya.... Natumba sya sa lupa at namilipit sa sakit...... Pero...... Parang pamilyar sya....... Ganoon din ang jacket ni Chanyeol na suot kanina eh.... Saka yung ungol nya dahil sa sakit... Parang Boses ni Chanyeol...

Napatabon ako ng bibig gamit ang dalawang kamay ko dahil sa gulat dahil si Chanyeol nga sya!!!!

"Yaaaahhhhhhh Stella!!!!!! Bakit mo naman ginawa yun???? Arayyyyyyy!!!!" Puno ng sakit ang boses  nya... Naku po.... Anong ginawa ko???? Lagot ako....

"Chanyeol, sorry... Sorry talaga.. Hindi ko sinasadya...." Sabi ko habang inaalalayan sya.... "Akala ko kasi masamang tao ka, sorry... Bakit ka ba nandito? Akala ko ba umalis ka na?" Sabi ko....

"Arraaayyy... Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo.... Ihatid mo na Muna ako sa kotse ko.. Hindi ako makalakad ng maayos aaaarrrrayyy..." Sabi nya...

Inalalayan ko sya papunta sa kotse nya... Mukhang Hindi makakapagdrive ng maayos to, ako na lang Magda drive.. Pinasakay ko sya sa passenger's seat at pumwesto ako sa driver's seat.

"Teka, marunong ka bang magdrive?" Tanong nya.. Halos bulong na lang ang boses  nya. Naku, sobrang lakas ng sipa ko.

"Oo. Nag aral ako ng driving at may license din ako." Sabi ko.

Ilang minuto din nang dumating na kami sa dorm nila... Wow! Ang ganda ng dorm nila kesa sa min.

Inalalayan ko sya maglakad papasok sa dorm nila at pinaupo sa sofa....

Nakikita ko pa rin ang pamimilipit nya sa sakit ng sikmura....

"Sobrang lakas ba talaga ng sipa ko?" Tanong ko na may halong pagkahiya.

"Oo, kita mo naman di ba?" Medyo inis na sabi ni Chanyeol.

Katahimikan...... Katahimikan.....

Mayamaya pa, narinig ko na may pumipindot ng passcode ng dorm nila mula sa labas...

Napatayo ako nang magpasukan ang tatlong lalake na exo member din at alam ko na ang mga pangalan nila.....

Baekhyun.....

Chen........

At Xiumin......

At ang mukha ko (0o0)

END OF CHAPTER THIRTEEN

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon