So Eun's POV
Nasa loob ng kwarto ko si Stella at nakaupo sa kama ko habang tulala.
"Anong problema mo girl?" Tanong ko Kay Stella.
"So Eun, pahamak tong bracelet na binigay mo sa kin." Sabi nya pero tulala pa rin sya.
"Huh? Bakit? Naaksidente ka ba?" Pag aalala Kong tanong.
"Hindi." Maikling sagot nya.
"Eh bakit?"
"May lalakeng nakahawak nito at Simula nun, lagi ko na syang nakikita nang Hindi inaasahan." Sabi nya nang wala man lang reaksyon.
"Woah? Talaga?! Sino yun?" Curious Kong tanong.
Biglang tumayo si Stella at maglakad palabas ng kwarto.
Ano bang nangyayari dun?
.....................
Stella's POV
Humiga ako sa kama ko. At nang tumingin ako sa kesame, bigla Kong nakita ang mukha ni Chanyeol na nakangiti sa kin...
Iniling iling ko ang ulo ko... Ano ba yan, naiimagine ko na ang mukha nya.
Bumangon ako bigla.....
Hindi to maaari, nagkakaganito ako dahil iniisip ko na totoo yung power nitong bracelet..... Naku, Stella, mahilig lang talaga ang mga Korean at intsik sa mga ganyan.... Wag kang maniwala dun....
Ordinaryong bracelet lang yan ha... Tandaan mo yan....
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa naisip ko.
At mas umokay pa ang pakiramdam ko nang naging busy na kami sa kakavideo ng cover namin na iuupload sa youtube channel ng company.
Tama lang tong maging busy para makalimutan ko na yung nangyari at ang bracelet.
Nagvivideo kami ngayon at kami ni Na Eun unnie at Chunhua ang magcocover ng solo by Jennie of blackpink.
Actually, sasayaw lang naman kami pero ako yung mag a act as the center or yung mismong si Jennie.
Nang matapos na ang video, inedit ito ng editor at inupload na.....
"Wow Stella unnie, ang galing nyo!" Sabi ni Mia. Next namang nag video ay kaming lahat ..... Sinayaw naman namin yung RBB by Red velvet.
Nung kinagabihan, busy kaming lahat na magbasa ng comments sa video...
- wow! This girls are amazing.
-who are they? Are they new girl group?
-I love the girl wearing black hat.
-they deserve to be debuted.
-what's the name of the group?
At marami pang ibang compliments. Ang sarap sa pakiramdam na hinahangaan ka ng mga tao.
Marami pa kaming mga inupload na video at ilang buwan na rin ang lumipas. Masaya ako dahil nakakalimutan ko na yung issue ko sa bracelet. At Hindi ko na rin nakikita yung mga sikat na idols....
..................
"Okay girls. We will start recording your songs tomorrow. Your debut will be on May. Congratulations." Sabi ni Ma'am Weng.
Ito na yata ang pinakamagandang words na narinig ko sa ilang taon ng pagtitraining.
Kasama ko si So Eun ngayon at kumakain kami ng street foods. Nandito pala kami sa park ngayon.
"Excited na ako tomorrow girl. May limang kanta na agad tayo." Sabi ni So Eun.
"Oo nga eh. Nakakaproud di ba?" Sagot ko.
Biglang nagring ang phone ko. Number lang ito pero sinagot ko pa rin baka kasi importante eh.
"Hello?"
"Hello, Stella?" Nagulat ako sa boses ng tumawag.
"P-paano mo nalaman ang number ko?" Agad Kong tanong.
"Bakit Stella may problema ba?" Pag aalala ni So Eun.
"Ha? Ah eh wala naman So Eun. Sandali lang ha." Lumayo Muna ako Kay So Eun baka kasi nya marinig ang usapan namin nitong tumawag.
"Hello? Paano mo po nalaman ang number ko?" Tanong ko ulit.
"Hiningi ko Kay Taeyeon unnie." Sagot nya.
"Chanyeol, bakit mo hiningi? May kailangan ka ba sa kin?" Kimakabahan Kong tanong.
"Shhhhh..... Wag mong banggitin pangalan ko baka may makarinig." Saway pa sa kin.
"Ano po ba kasi kailangan mo?" Tanong ko ulit.
"Hmmm gusto ko lang sabihin na ang galing mo pala sumayaw at kumanta. Napanood ko mga video nyo." Ramdam ko na nag init ang pisngi ko. Nagbablush ako sa sinabi nya.
"Ah eh salamat." Tanging nasabi ko.
"Pwede mo ba ako samahan mamayang gabi sa park? Dun sa lugar na una tanong nagkita. Stress ako ngayon eh. Gusto ko sana magrelax." Yaya nya... Natigilan ako sa sinabi nya. Niyayaya ba nya ako ng date? Or magpapasama lang sya?
"S-sige." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Okay, see you later Stella. Bye!" Naghang up na sya. Naglakad naman ako papalapit Kay So Eun.
"Okay na ba? Sino ba yun?" Tanong ni So Eun.
"So Eun, may itatanong lang ako." Sabi ko.
"Ano yun?"
"Kapag ba nagpapasama ang isang lalake sa Babae para mamasyal, anong ibig sabihin nun dito sa Korea? Date na ba kung tawagin yun?" Tanong ko.
"Bakit Stella? May nagyayaya na ba sa yo?" Curious na tanong ni So Eun.
"Ah eh nagpapasama lang mamasyal mamayang gabi." Sabi ko.
"Wow Stella. May tinatago ka pala sa min ha. Sasagutin ko Muna ang tanong mo. Kapag kaibigan mo yung lalake, normal lang yun pero kung kilala mo lang yung lalake at Hindi mo kaibigan tapos niyaya ka mamasyal, date na yun." Explain ni So Eun.
Hmmm Hindi naman kami mag kaibigan ni Chanyeol so date yung mangyayari mamaya?
"Sino ba yang lalakeng yan?" Tanong ni So Eun
"Ah wala. Nakilala ko lang kung saan." sagot ko.
"Ano?! baka bad guy yan ha Stella. Kung saan mo lang pala nakilala" sabi naman ni So Eun.
"Mukhang hindi naman sya bad guy eh." defend ko kay Chanyeol.
"Pero paalala lang Stella, malapit na tayong idebut. Dating is forbidden pa. Baka magka issue ka nyan." paalala ni So Eun.
Oo nga noh? malapit na kaming idebut tapos makikipagkita pa ako sa isang sikat na sikat na idol. Naku baka masira ko pangalan nya at ganoon na rin ng grupo namin. Kabago bago pa lang eh.
"Hmm sige. Iiwasan ko na yung lalake pero pupuntahan ko muna sya mamaya para magkaroon naman ng maayos na paalam." sabi ko. Tumango tango na lang si So Eun.
Mag teten na ng gabi at nandito na ako sa bench kung saan kami unang nagkita ni Chanyeol. Sasabihin ko sa kanya na isa akong trainee at malapit nang idebut kaya kailangan ko syang iwasan para walang magiging issue.
Maya maya pa ay may lumapit na na lalake sa kin at may inaabot na hot coffee sa kin.
Nandito na sya....................
END OF CHAPTER ELEVEN
BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
RandomThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...
