Chapter 03

68 12 17
                                        

Stella's POV

Nandito na naman kami sa Training room at ngayon, kaming lima ay tinipon ni Ma'am Weng (Ang trainor namin) dahil may sasabihin daw sya sa amin.

"Good morning girls." Seryosong bati nya.

"Good morning Ma'am" sagot namin.

"Today, i have a good news to you. All of you will participate on Taeyeon's comeback." Nagpalakpakan ang lahat so nakipalakpak na rin ako. Mukhang masaya sila ah.

"Sino si Taeyeon?" bulong ko kay So Eun.

"Ano ka ba Stella. Don't call her on her name only. Call her her Taeyeon Sunbaenim for respect. Alam mo, you really need to upgrade Stella. Si Taeyeon sunbaenim ay ang leader ng sikat na grupo na Girl's Generation. Super galing nya sa pagkanta at pagsayaw." Explain ni So Eun.

"Girl's Generation? Pero wala sa listahan ng mga sikat na kpop group na nabasa ko ang grupo na yun." mahinang sabi ko.

"No, Girl's Generation is one of the Queens of Kpop. You must search them on the internet". Sabi naman ni Chunhua.

Okay sige, simula mamayang gabi, magsesearch ako nang magsesearch.... manonood nang manonood para aware naman ako sa paligid ko. Total bukas ay free day namin.

"Magiging back up dancer kayo ni Miss Taeyeon. Thats a big opportunity para matuto pa kayo at masanay sa harap ng camera. On Monday, a choreographer will come to teach you the choreo of the song so be ready. That's all! Lets go back on our training."

Nagstart na kaming magtraining hanggang sa matapos ang araw.

...........................................

Nagkulong ako sa kwarto ko. Nakaupo ako ngayon sa harap ng laptop ko. Alam nila So Eun at Chunhua na pag-aaralan ko ang iba-t ibang kpop groups ngayon kaya hindi nila ako iniistorbo.

Girl Groups muna ang sinearch ko....

"Wow sobrang sikat din pala dati ng Girl's Generation. Sayang naman lima na lang sila ngayon sa grupo." bulong ko.

"Kim Taeyeon, wow ang talented pala nya. Naku, ang swerte naman namin makakasama namin sya.. ay hindi pala makakasama kami sa comeback nya."

Then... Blackpink.... Twice..... Redvelvet..... Mamamoo..... Gfriend...... Momoland.... Apink..... etc.

Pinanood ko ang ilang mga videos ng mga idols na yan at heto.... nagsimula ako ng 5:30 pm hanggang 11:00 pm.... inabutan ako ng gutom kaya naman lumabas muna ako para bumili ng mainit na noddles.

"Isang spicy noddles nga po." sabi ko sa isang tindero. 

Lumakad ako papunta sa isang basketball court. May isang lalake na naglalaro. Maghahating gabi na ah naglalaro pa rin sya? at mag isa lang sya. Umupo ako at kumain ng spicy noddles.

Malapit ko nang maubos ang kinakain ko nang napapunta sa kin ang bola nung nagbabasketball. Napatingin sya sa kin at biglang tumungo. Inayos nya ang sumbrero nya para matabunan ang mukha nya. Binalewala ko na lang iyon at lumapit sa kanya daladala ang bola.

"Kuya, bola nyo po." sabay abot ng bola sa lalake.

Tumingin sa kin ang lalake at sinabi, "Hindi mo ba ako kilala?" 

May pagtataka sa mukha ko. Inobserbahan ko ang mukha nya. Red lips, Fair skin, and his eyes.. its so beautiful....

"Hmmm hindi kita kilala eh." Mabilis kong sagot.

Ngumiti naman ang lalake. May itsura si kuya. Lalong pumogi nang ngumiti sya. Lumiit ang mata nya.

"Ah ganoon ba. Akala ko kasi kilala mo ako kaya tinago ko mukha ko kanina." sabi nya. 

"Hating gabi na kuya pero nagbabasketball ka pa rin dapat natutulog ka na." sabi ko. Ichusera naman ako hehehe.

"Ito lang ang time ko para makapaglaro nito" sagot nya.

Hmmm bakit kaya? masyado ba syang busy?

"Heto oh mineral water baka masyado ka na pong napagod sa paglalaro. Ano po pala kuya ang pangalan mo?" walang hiya kong tanong (hehehe). Kinuha naman nya ang binibigay kong mineral water.

"Makikilala mo rin siguro ako. Salamat sa pag-abot ng bola at dito sa tubig." at bumalik na sa paglalaro.

Mabait si kuya pero teka, napapansin ko bakit may mga tao akong nakikilala na mahilig magtago ng mukha? hmmm bakit kaya?

Umuwi na ako para ipagpatuloy ang research ko.

12:30 am... wow ha... magdamagan talaga ito.... walang tulog....

Nagstart na ulit akong magsearch at manood ng videos. Unang pinanood ko at niresearch ko ang Exo.

Nanonood ako ngayon ng Exo Showtime. Finoforward ko para mabilis. Pero yung lalakeng matangkad at mahilig tumawa, yung Chanyeol ang name. Kilala ko na sya dahil sa ice cream rapper. Rapper pala talaga sya (hehehe i mean yung position sa group). Yung boses nya parang narinig ko dati pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Si Kai ang kilala ko na sa kanila. At dahil fast learner ako, kilala ko na ang lahat ng members ng exo. Nalungkot naman ako dahil umalis na yung tatlo nilang kamembers. Crush ko pa naman yung matangkad na lalake na medyo bad guy ang dating.. si Kris... hehehehe

Next group is Bts? Yun ba yung kumanta ng DNA na naririnig minsan sa labas? 

"Bts.... Bts.... oh 7 members? okay tingnan natin kung mga sino sila." bulong ko.....

Inisa isa ko ang mga pictures nila....

Rapmonster....... Jin......... V....... Jhope....... Suga....... Jungkook....... at..... Jimin?

"Jimin?" napahinto ako sa picture nitong Jimin ang name. Parang kamukha nya si kuyang nagbabasketball kanina. Tingin ulit ako ng mga pictures nung Jimin.... Observe dito observe doon..... Oo nga sya nga yun? Kaya ba nagtatabon ng mukha sya kanina? kasi nag aalala sya na baka makilala ko sya? at kaya ba gabi na sya nagbabasketball dahil sobrang busy nila?

"Oh my god! Nameet ko ang isang miyembro ng isang sikat na grupo?" sabi ko sa sarili ko habang napatabon ako ng bibig sa pagkasurpresa.

"Ayan Stella, tama lang ang ginagawa mo dapat kang magresearch para makilala mo ang mga nakikilala mo." advice ko sa sarili ko.

Bigla ko na lang naalala yung lalake sa park? Sino naman kaya yun? Kpop idol din kaya sya dahil tinatago nya ang mukha nya? Saan grupo? Anong grupo? Nacucurious na tuloy ako.....

"aisshhhh... saka muna isipin yun Stella. Continue mo nalang ang ginagawa mo nang makatulog ka na"....

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. 

Got7........... Wanna One.............. Seventeen................ NCT................... etc.

Nakakapagod..... huhuhuhuhu ito ang parusa mo Stella dahil hindi ka updated sa paligid mo... Tiningnan ko ang oras 7:00 na ng umaga...... Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa table ko... sobra na akong inaantok.... pagkagising ko na lang ako kakain ng almusal ko....

END OF CHAPTER THREE

I am in love with an idol!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon