Stella's POV
Kasama ko ngayon si Jimin at ngayon, sure na ako na sya yung member ng sikat na kpop group na BTS.
Agad Kong binago ang mood ko kanina. Hindi ko agad sya namukhaan kaya nasigawan ko sya pero nang maalala ko sya, binago ko agad ang pakitungo ko sa kanya.
Nagulat ako dahil hinawakan nya ako sa braso at hinila papunta sa isang kainan.
"Ahjussi, kumusta po? Lugaw nga po dalawa." Sabi nya sa tindero.
"Aba, ang tagal mong Hindi pumasyal dito iho ah. At may kasama ka na ngayon. Girlfriend mo?" Tanong ng tindero habang magsasandok ng lugaw.
"Ah Hindi po." At kinuha na nya ang order nya. "Salamat po."
Hindi ba sya kilala ni manong tindero? Di ba sikat sya?
"Oh heto. Dapat Hindi cup Noddles ang kinakain mo baka magkasakit ka dun. Kain ka na." Sumubo na sya ng lugaw kaya kumain na rin ako pero Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Ah eh... May itatanong lang ako..." Biglang tanong ko...
"Hmmm? Ano yun?" Tumingin sya sa kin.
"I-ikaw ba si Jimin ng Bts?" Pabulong Kong tanong. Agad nyang tinabunan ang bibig ko ng kamay nya na ikinagulat ko.
"Shhhhhhh wag kang maingay baka may makarinig sa yo." Bulong nya. Tumango tango na lang ako. So sya nga yung Jimin ng Bts.
Kapalaran.... Bakit ko namimeet ang mga sikat na kpop idols? Parusa ba to o reward?
Nang matapos na kaming kumain, bumalik kami sa basketball court.
"Kilala mo naman pala ako, bakit Hindi ka kinilig o nasurpresa nung una mo akong nagkita?" Tanong nya.
"Kakakilala ko lang sayo nung sinearch ko ang name mo at kamukha mo yung Jimin ng Bts kaya kinomfirm ko kung ikaw nga." Sagot ko.
"Ah so Hindi mo pala talaga ako kilala." Pagkasabi nya nun, ngumiti lang sya. Cute sya ngumiti dahil lumiliit ang mata nya na parang guhit na lang.
"Wag ka na lang maingay na nakilala mo ako dito ha at sekreto mo na lang na pumupunta ako sa lugar na ito." Pakiusap nya.
"Ah oo. Promise!" Sabi ko with matching taas ng kanang kamay.
"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong nya.
"Ah Stella." Maikli kong sagot.
"Ano pala ang pinapanood mo kanina?" Tanong nya ulit.
"Ah eh yung music video ni Taeyeon unnie." Sagot ko.
"Ah oo, narinig ko nga na nag comeback na si Taeyeon. Panood nga ako." Iniabot ko ang cellphone ko sa kanya at pinanood Nya ang music video
Habang pinapanood nya, pinause nya bigla sa scene na nakita ako.
"I-ikaw ba to?" Tanong nya.
"Oo, back up dancer ako." Sagot ko.
"Wow, magaling ka pala sumayaw. Pwede kang maging idol." Puri nya sa kin.
Napangiti naman ako. Syempre natuwa ako dahil pinuri ng isang sikat na idol ang kakayahan ko.
"Ah salamat." Nahihiyang Kong sabi.
"Kung ganoon, kasama kayo sa performance ni Taeyeon sa Music Bank on Wednesday?" Tanong nya. "Nandoon din kami para magperform. Magkikita pala tayo dun."
Music Bank? Yung sa TV? Pero wala pang sinasabi sa min kaya Hindi pa sure yun.
......................
Kinabukasan.....
May meeting na naman kami. Pinatawag kaming Lima ni Ma'am Weng. Siguro sasabihin nya yung tungkol sa Music Bank sa Wednesday kagaya ng sinabi ni Jimin.
"Miss Taeyeon's comeback was very successful. Magpeperform sya sa Music Bank sa Wednesday at kasama kayo doon kaya practice lang kayo ng practice. Very helpful ito sa inyo para masanay kayong magperform sa harap ng maraming tao." Sabi ni Ma'am Weng.
Tama si Jimin. Magpeperform kami sa Music Bank tapos sabi pa nya, nandoon din sila so magkikita nga kami!
Hala! Baka pag pinansin ako ni Jimin, baka kung ano ang isipin ng ibang tao sa backstage.
Hindi ko na lang sya papansinin. Remember that Stella, wag mong papansinin si Jimin.
.............
(Wednesday)
Super dami ng audience na manonood. Nakasilip ako ngayon mula sa backstage.
"Stella, halika na. Mimi-make-up-an na daw tayo." Tawag sa kin ni Chunhua. "Wag kang kabahan dahil kinakabahan din kami." Ano daw? Di ko gets sinabi ni Chunhua.
Habang inaayusan kami, nagkwentuhan muna kami. Si Taeyeon unnie pala ay Nasa ibang room. Hiwalay kasi ang room ng mga idols sa back up dancers.
"Hindi na ako makapaghintay na mag debut tayo." Sabi ni So Eun.
"Oo nga. Imagine nyo, kilala tayo ng maraming tao at sinisigaw ang name ng grupo natin habang nagpeperform tayo. Di ba ang saya?" Sabi ko naman.
"Oo nga. Ang saya nun unnie." Sabi naman ni Mia.
................
Handa na kami para magperform. Nasa backstage na kami at naghihintay ng turn namin. Nang biglang siniko ako ni So Eun.
"Stella, tingnan mo oh nandito ang Bts!" Excited na bulong sa kin ni So Eun.
Lumingon ako sa tinuturo ni So Eun at nakita ko ang grupo ng Bts. Wow, Kay gagwapo naman ng mga lalakeng yun. Di mo makakailang sobrang daming fans na nababaliw dito.
Nagulat kami pareho ni So Eun nang tumingin sa min si Jimin at kumaway pa sa kin.
Remember Stella, wag mong papansinin!
"Hala, nakita mo yun Stella? Kinawayan ba tayo ni Jimin?" Kinikilig na sabi ni So Eun.
"Huh? Ah oo, bumabati lang siguro. Pumwesto na tayo
Next song na yung Kay Taeyeon unnie." Palusot ko. Mabilis kaming pumwesto sa dapat naming lugar kung saan kami papasok sa stage.At dumating na nga ang time na magpeperform kami.
..................
Jimin's POV
"Kilala mo ba yun hyung?" Tanong ni Jungkook sa kin nang mapansin nya na kinawayan ko si Stella.
"Ah oo. Nakilala ko sa basketball court na lagi Kong pinupuntahan." Sabi ko.
"Ah yung nagbigay sa yo ng mineral water?" Sabat naman ni Jin hyung. Tumango tango na lang ako.
"Dancer pala sya?" Sabi naman ni Taehyung.
"Oo, back up dancer ni Miss Taeyeon" sagot ko.
Magpeperform na yata sila kaya umalis na sila.
Nakaupo kami sa isang sofa at pinapanood ang performance ni Miss Taeyeon pero sa totoo lang, napupunta Kay Stella ang atensyon ko kapag nakikita ko sya sa screen....
Magaling ang babaeng yun na sumayaw. Magaling din kaya sya kumanta?.... I think I want to know her better.
END OF CHAPTER EIGHT

BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
AléatoireThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...