Stella's POV
(Korean to Tagalog/English)
"Yah... Yah... Stella! Wake up! Magsisimula na ang training." Gising sa kin ni Chunhua na friend ko.
"Tapos na agad ang break? Ang bilis naman ng oras." Sabi ko habang inuunat ang dalawa Kong braso.
"Wag ka nang magreklamo halika na!" Sabi naman ni So Eun.
Si Chunhua at So Eun ang mga naging close friends ko dito sa training. Chinese si Chunhua while So Eun is a Korean.
They know my story and they accepted for who I am. I'm blessed that I have friends like them.
By the way, ang grupo namin ay ang may pinaka mahabang training na. We are 4 years trainers na... Wow noh? Super tagal na naming naghirap sa training. We are 5 girls in the group and we also know na idedebut na kami after 5 years of training. So isang taon pa ng pagtitiis.
Ang pangalan nga pala ng company ay A.V. Entertainment. Only girls lang ang tinitraining nila.
After four hours of training this afternoon, nag bonding muna kami ng mga girl friends ko. Si Chunhua at So Eun.....
"Let's go muna sa dating restaurant na lagi nating pinupuntahan. Namiss ko ang pagkain doon." Yaya ko.
"Hmmm sure ka na doon tayo pupunta? What if mag gain tayo ng weight, malalagot tayo Kay ma'am." Sabi ni So Eun. Nag aalala sya na baka maparusahan na naman sya kapag nag gain sya ng weight kagaya dati. Alam nyo ba na whole day syang pinag jumping rope dahil nag gain sya ng 1 kg? Grabeh talaga ang strict ng mga trainers namin.
"Oo nga pala. Hmmm San tayo pupunta?" Tanong ko.
"What about punta tayo sa mall. Window shopping lang hehehe." Mahilig mag shopping itong si Chunhua. Rich kid ito eh. Window shopping? Naku, asahan nyo, maraming bags ang bitbit nyan pagkalabas ng mall.
"Call!!!" Sigaw ni So Eun.
Pumunta na kami ng mall at sa inaasahan, tatlong bags na agad ang dala dala ni Chunhua. Nagstop muna kami sa isang coffee shop para magpahinga.
"Grabeh ang sikat ng blackpink noh?" Sabi ni So Eun na nakatingin sa flat screen TV sa wall. Tumingin din naman ako.
Blackpink? Ah oo! Yung nagpasikat ng kantang boombayah at may miyembro na nagngangalang Jennie na sobrang sikat sa Solo album nya. Grabeh, hinahangaan ko sila sa sobrang sikat nila.
Binabalita kasi ngayon ang nangyaring concert ng blackpink sa Pilipinas. Grabeh ang dami ng tao at may mga artista pang umattend sa concert nila.
"They are so amazing!" Sabi ko. Sabi ko nga dati Hindi ako fans ng anumang kpop group, pero nang nag training kami kailangan Kong magresearch about kpop groups.
Ang nalaman Kong boy group na sobrang sikat ay Exo, Bts, Wanna One at Seventeen.... But I think wanna one has already disbanded.
Sa girl group naman, Blackpink, Twice, Redvelvet, Gfriend and Momoland...
Yan ang mga grupong Alam Kong sikat....
"Sana kapag na debut tayo maging successful din tayo noh?" sabi ni Chunhua.
"Magsusuccess tayo basta lets have a team work!" positibo kong sabi.
"Fighting?"
"Fighting!!!" sagot nung dalawa.
After namin magkape, umuwi na yung dalawa. Nagpaiwan muna ako dahil may bibilhin lang ako sa grocery store.
Namili na ako sa grocery store. Habang nag iikot, may narinig akong grupo ng mga estudyanteng babae.
"Nakakainis naman talaga ang Dispatch oh!" Inis na sabi nung isa.
"Oo nga dahil sa dispatch na yan nag break up sila Kai and Jennie!" sagot naman nung isa pa.
Jennie? Blackpink? Kai? Exo? bakit? Naging sila ba? Naku, Stella, maging active kasi sa social media minsan para updated ka rin.
"Bakit pa kasi inilantad ng Dispatch na yan ang relationship ni Kai at Jennie. Masaya na sana ang couple na yun eh naging complicated lang nang kumalat na." sabi ulit nung isang babae.
"Siguro pinapunta si Jennie sa 7th floor ng YG at pinagalitan."
"Kawawa naman ang couple na to hindi man lang tumagal."
"Tapos ang dami pang nagbabash tungkol sa relasyon nila. Mga immature fans nga oh, karaniwan sila ang dahilan kaya nagbebreak up ang couples dito sa Korea. Napaka sensitive."
Umalis na ako at dumiretso sa counter. Napaisip ako, aasahan ko na yung mga ganoong pangyayari kapag sikat ka na. Pero bakit sa Pilipinas, hindi ganoon. Pinaglalandakan pa nga ng mga artista ang relationship nila eh. Korean Culture, Stella, remember respect.
Habang naghihintay nung mga binili ko, napatingin ako sa monitor. Exo ba to? Endorser pala sila ng ice cream- Baskin Robbins? Hmmm... di nga makakaila na super sikat nila... lahat sila ang gagwapo eh.
"Wait lang po, kuya." Umalis muna ako at kumuha ng isang ice cream na inindorso ng exo. Wala lang trip ko lang hehe....
"Idagdag nyo na po ito." sabi ko kay kuyang nasa counter.
"Fan ka rin ba ng exo? Sobrang mabenta ang ice cream na ito dahil sa kanila." sabi ni kuya.
"Ha? ah eh hindi po. Parang gusto ko lang tikman nang mapanood ko yung endorsement." sagot ko.
"Sus, tinatanggi mo pa. Ito po lahat ng babayaran mo." si kuyang counter, pinaghihinalaan pa ako na fan ng exo. Porket bumili ako ng ice cream na ineindorso nila fan na agad? Baka gusto nya ibalik ko ang ice cream na to?
Pagkabayad ko, naglakad lakad na muna ako sa may park. Kukunti na ang tao dahil madilim na at mag i-eight na ng gabi. Medyo mabigat ang dala ko kaya naman huminto muna ako sa may bench at ibinaba ang mga pinamili ko.
Nang ibababa ko na ang mga dala ko, napatayo ang lalakeng nakaupo sa dulo ng bench. Good for 3 persons ang bench.
"Kkamjjagiya!" (common korean word when they are shocked or surprised) sabi pa nung lalake at malagong ang boses. Nakasuot sya ng black hood and mask.
Nagulat ko yata si kuya. Nagbow agad ako at humingi ng sorry.
"Sorry po kung nagulat ko kayo. Binaba ko lang po yung mga pinamili ko dahil mabigat. Pwede po ba akong umupo?" Magalang kong sabi.
Tinitigan muna ako nung lalake ng medyo matagal bago sya nagresponse.
"O-Oh" sabi nya sabay tango. Umupo na din sya at pinagpatuloy ang pagpipindot sa cellphone nya.
Hindi ko maiwasan na sumulyap sulyap sa lalakeng katabi ko. Parang pamilyar ang mga mata nya (Yun lang kasing mga mata nya ang nakikita ko).
Bakit ganoon ang outfit nya? hindi naman ganoon kalamig ngayon ah... balot na balot sya ng jacket nya na may hood at ng mask nya.... hmmmm
isip...........
isip.........
woah..... hindi kaya artista to????
Napalaki ang mata ko sa naisip ko....
END OF CHAPTER ONE
BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
De TodoThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...
