So Eun's POV
Nag text sa kin si Stella na nasa park daw sya kaya naman naisipan din namin ni Chunhua na pumunta sa park para mamasyal din. Hindi na namin sinabi sa kanya na pupunta kami.
"Girl, parang di ko naman nakikita si Stella." Sabi ni Chunhua.
"Hmmm nasan naman kaya yun?" Tanong ko.
Napatingin kami pareho sa isang tindahan ng noodles. Namukhaan namin si Stella.
"Si Stella yun di ba?" Sabi ko.
Tumango naman si Chunhua. "Sundan natin sya." Sabi nya.
Sinundan namin sya at patungo sya sa basketball court.
"Woah... May katagpuan si Stella, girl" sabi ni Chunhua.
"Yun kaya yung guy na sinabi nya na in love sya?" Tanong ko.
Patago namin silang inobserbahan.
"So Eun, sinusubuan nya yung guy!" Excited na kinikilig na sabi ni Chunhua.
"Oo nga. Ang sweet naman nila. Pero Hindi kaya sila makilala?" Pag aalala ko. Pareho kami ni Chunhua na tiningnan ang paligid baka may kumukuha ng picture o nakikilala sa kanila pero mukhang wala naman.
"Curious ako sino yung lalake?" Tanong ko.
"Oo nga sino kaya yun?" Todo silip kami para makita namin yung guy at nang tumayo na si Stella at tinapon ang basura, pareho kaming nagulat at nasurpresa ni Chunhua.
"S-si Jimin ng Bts yun di ba?" Sabi ni Chunhua.
"Oo, for sure! Sa mukha pa lang nya, sya nga yun!" Sabi ko.
"Si Jimin kaya yung tinutukoy nya, So Eun?" Tanong ni Chunhua.
"Parang.. Kasi ang sweet nila....di ba?" Sabi ko din.
..................
Stella's POV
"Mauna na ako, Jimin-ssi. Baka hinihintay na ako ng mga kagrupo ko." Paalam ko Kay Jimin.
"Ihahatid na kita." Offer nya.
"Naku, wag na. Mabuti pang umuwi ka na rin para magpahinga. May sugat ka pa." Sabi ko.
"Sure ka?" Ulit nyang tanong.
"Oo nga. Wag nang makulit." Sabi ko sabay tawa.
Lumakad na ako pauwi. Nagiging okay naman ang relasyon namin ni Jimin as friends. Nagiging komportable ako sa kanya.
Pag dating ko sa dorm, nagulat ako dahil gising pa si So Eun at Chunhua at halatang hinihintay talaga ako.
Omo.... Galit na naman ba sila sa kin?
"San ka galing?" Tanong ni Chunhua. Wow parang nanay ha. Pero never Kong Na experience pagalitan ng nanay dahil late na umuwi dahil nga wala akong parents.
"Sa park, bakit?" Tanong ko habang kinakabahan.
"Sino kasama mo?" Tanong ni So Eun.
"Wala akong kasama papunta dun pero nakita ko yung friend ko kaya nagkwentuhan muna kami." Sabi ko.
"Si Jimin ba yun girl?" Nagulat ako sa tanong ni Chunhua.
"Oo sya nga. Bakit nyo alam?" Tanong ko.
"Nakita namin. Sure ka bang kwentuhan lang? Parang nakita namin na sinusubuan mo pa sya." Pang aasar ni So Eun.
"Ah oo sinubuan ko sya kasi may sugat ang kamay nya." Sabi ko.
"Girl, si Jimin ba yung tinutukoy mo na lalake na in love ka?" Seryosong tanong ni Chunhua.
"Hindi." Mabilis Kong sagot.
"Hindi?" Sabay na sabi nung dalawa. "Eh sino? Ang sweet nyo kaya kanina." Sabi ni So Eun.
"Hmmm basta hindi sya. Matulog na tayo." Pumunta na ako sa kwarto at humiga.
....................
Today, may emergency meeting daw kami sa KBS building. Hindi lang kami ang sinabihan kundiay iba pang kpop groups.
Nandito na kami sa conference room, with red velvet, got7, Bts and exo. Oo, nandito na naman yung dalawa...
"Hello everyone. Thank you for coming. Ininvite namin kayo dito para sa gagawing KBS Music Festival. Kayo lang ang batch today, bukas naman yung iba." Explained ng magiging director ng festival.
"Red velvet, high5, exo, Bts and got7. All present. By the way, High5 congratulations for your successful debut. Guys they are the new girl group." Pakilala ng director sa min.
Nagbatian naman kami. Lumabas muna ang director ng room.
"Youre stella right? Di ba friends kayo ni Jimin. JimElla!" Sigaw ni Jackson ng Got7. "Just like RapSon!"
Hindi ko alam, pero parang namula ako sa JimElla na yun. Ayokong naririnig yun.
"Close ba talaga kayo ni Stella Jimin?" Tanong ni Jhope.
"Hmm yeah." Sabi ni Jimin sabay ngiti sa kin. "Di ba Stella?"
"Ah eh oo." Sabi ko.. Bakit sa tuwing kasama ko ang grupong exo at Bts, ako ang tinatopic nila.
"We're friends too." Biglang sabi ni Chanyeol with matching taas ng isang kamay.
Napatingin naman ang lahat sa kanya.
Ano ba to meeting o sharing?
"Really? Woah, totoo pala na friendly ka talaga, Stella. Sino pa ba ang friends dito ni Stella?" Tanong ni Jackson. Tumaas ng kamay ang mga kagrupo ko, Chanyeol, Jimin, Kai, Sehun at Baekhyun. "Woah... Can I be your friend too Stella?" Tanong sa kin ni Jackson. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o Hindi.
"Help unnie." Bulong ko Kay Na Eun. Meaning nun, ichange topic naman.
"Ano gagawin ko?" Bulong nya.
"May collaboration ang exo at High5 sa MMA. Nung start ng practice naging friends kami ni Stella." Sabi ni Kai.
"Wow! Collaboration? Kaabang abang hyung!" Sabi ni V.
"During nung sa inkigayo mukhang friendly na talaga sya." Sabi ni Irene.
"Kung mararapatin mong sagutin, ano sa tingin mo ang masasabi mo sa JimElla na nagtetrending sa social media, Stella?" Tanong ni V.
"Ha? Mga pauso lang yun ng fans. Parang ChanBaek, KaiSoo, Vkook, RapSon etc. Normal lang naman yata yun." Sabi ko na lang.
"Pero girl ka at boy sya." Sabi ni Joy ng Red Velvet.
"Hindi ko na lang pinapansin yun." Sabi ko na lang ulit.
"Patrending din kaya natin ang ChanElla he hehehe." Biglang sabi ni Chanyeol. Mas namula ako at nahalata yun ni Baekhyun.
"Uy uy uy namumula si Stella." Asar nya sa kin.
Lupa!!!!!! Nananawagan ulit ako!!!! Kainin mo na ako right now!!!!!!!!!!
"Eheeemmm excuse lang po. May idea po ba kayo sa gagawin natin sa festival?" Hayyyy salamat Na Eun unnie.... Change topic na.
Dumating na yung director at shinare na nya ang gagawin namin.
Pinili nya ako, si Chanyeol, si Jin at Irene ang magiging MC.
Si Chunhua ay makikipag collaboration with Yugyeom and Jimin sa intro dance. While Na Eun, Mia and So Eun ay magpeperform with red velvet. Magpeperform naman si Baekhyun, Sehun at Chanyeol with Suga, Jungkook at V .... Tapos after nun, may performance din ang bawat grupo.
Haaaayyyy daming pagpapapraktisan nito...
END OF CHAPTER TWENTY-THREE
BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
AléatoireThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...