Chapter 14

45 11 18
                                    

Chanyeol's POV

NASA loob na ako ng kotse ko, nang natanawan ko na tumayo si Stella at Jimin at naglakad.

"Teka, parang ang sama naman kung iiwan ko na lang si Stella Kay Jimin. Ako yung nagyaya eh baka magalit sa kin si Stella." Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ko si Suho hyung.

Hyung, bukas na lang ako pupunta sa Building. Busy pa ako ngayon saka gabi na.

Pagkasend ko, dahan dahan Kong sinusundan yung dalawa. Mukhang nag eenjoy yung dalawa kasi tawa ng tawa habang nagkukwentohan at naglalakad.

Lumiko sila sa isang kanto at Hindi na kaya ang kotse ko kaya naman bumaba ako ng kotse at sinundan sila.

Saan ba sila pupunta? Mukhang close at matagal nang magkakilala sila ah sa kinikilos nila.

Patago akong sumusunod sa kanila. Curious ako eh.... Yun lang yun....

Huminto sila sa may kanto at mukhang nagpapaalam na sila sa isat isa.. Dito ba nakatira si Stella? Ang lapit lang naman pala sa park eh...

Nang padaan na sa may pwesto ko si Jimin, agad akong tumago para Hindi nya ako mapansin o makita.

Pero Maya Maya pa nagulat ako sa sigaw na.... "Yaaaaaahhhhhhh!!!!!" Humarap ako kung saan nang galing yung sigaw at puuuggggsssssshhhhhh.....

Ouch!!!!!!!!!!!!!!

Sinipa ako nang pagkalakas lakas sa sikmura ko. Napahiga ako sa lupa at namilipit sa sakit hawak hawak ang sikmura ko. Sinilip ko kung sino yung baliw na sumipa sa kin..

At mas nagulat ako nang makita ko na si Stella ang sumipa sa kin...

"Yaaaahhhhhhh Stella!!!!!! Bakit mo naman ginawa yun???? Arayyyyyyy!!!!"  Sigaw ko. Nagagalit na ako sa mga oras na ito.

"Chanyeol, sorry... Sorry talaga.. Hindi ko sinasadya...." Sabi nya habang inaalalayan ako... "Akala ko kasi masamang tao ka, sorry... Bakit ka ba nandito? Akala ko ba umalis ka na?" Ang dami namang tanong nito.

"Arraaayyy... Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo.... Ihatid mo na Muna ako sa kotse ko.. Hindi ako makalakad ng maayos aaaarrrrayyy..." Sabi ko kita naman nya na nahihirapan ako eh...

Inalalayan nya akong maglalakad papunta sa kotse ko. Nagtaka ako dahil sa passenger's seat nya ako pinaupo at sya ay pumwesto sa driver's seat.

"Teka, marunong ka bang magdrive?" Tanong ko nang may pag aalala baka maaksidente pa kami.

"Oo. Nag aral ako ng driving at may license din ako." Sabi nya. Sige magtitiwala Muna ako sa kanya sa pagdadrive talagang Hindi ko kakayanin magdrive nito eh.

Nang dumating na kami sa dorm namin, nakita ko pa kung paano sya namangha nang makita nya ang dorm. Tinulungan nya akong pumasok sa loob at pinaupo sa sofa. Napapapikit na lang ako sa sakit. Kunting kilos ko lang, sumasakit na.

"Sobrang lakas ba talaga ng sipa ko?" Tanong pa nya.

"Oo, kita mo naman di ba?" Medyo inis na sabi ko. Tinatanong pa ba yun?

Narinig ko na may pumipindot na ng passcode ibig sabihin may dumating na sa mga brothers ko.

Napatayo pa itong si Stella nang nakita nya ang CBX......

..................

Stella's POV

"Omo! Bakit may Babae dito?" Gulat na tanong ni Xiumin.

"Teka! Kilala kita ah! Ikaw si Stella!" Sabi ni Baekhyun. Nang makita nya si Chanyeol agad syang lumapit dito.

"Chanyeol-ssi, bati na tayo di ba? Hindi ka na galit?" Sabi pa ni Baekhyun. Parang bata.

"Oo na! Oo na! Wag ka munang lumapit." Sabi ni Chanyeol.

"Bakit Chanyeol-ssi, may masakit ba sa yo?" Tanong ni Chen. Lumapit din Kay Chanyeol si Chen at Xiumin. "Saka bisita mo ba sya?" Sabay turo sa kin.

Masama ang tingin sa kin ni Chanyeol. Malamang galit sa kin yan. Tanga tanga ko kasi.... Naku, paano kung ibalita to? Malalagot ako! Makacancel ang debut ko!!!! Hindi!!!!!!

"Kakilala ko sya kaya wag kayong mag alala." Yun lang ang sabi ni Chanyeol.

"Stella ba name mo? Ano bang nangyari at nimimilipit sa sakit tong si Chanyeol?" Tanong ni Xiumin.

"Ah eh kasi......" Hindi ko na natapos ang sa sabihin ko nang biglang nagsalita si Chanyeol.

"Nadulas ako at napatama sa matulis na bagay ang sikmura ko kaya masakit. Nagpahatid ako sa kanya." Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Bakit Hindi nya sabihin na ako ang may kasalanan?

"Ah ganoon ba. Salamat sa paghatid Kay Chanyeol pero gabing gabi na... Ay umaga na pala... 1 am na... Dito ka na muna magpalipas ng dilim baka mapahamak ka pa." Sabi ni Chen. Ang bait naman nito.

"Hindi ka ba nagangalay sa pag tayo? Upo ka muna." Sabi ni Chanyeol. Alam Kong galit yan. Nagpipigil lang. "Doon ka na muna sa kwarto ko matulog. Dito na lang ako." Dagdag pa nya. "Total bisita naman kita." Kinakabahan ako. Siguro kapag kami na lang dalawa ang magkausap dun nya siguro ako pagagalitan.

"Hindi, okay lang sa kin na dito na lang ako sa sofa." Sabi ko.

"Doon ka na lang sa kwarto." Tinitigan ako ni Chanyeol. Kinilabutan naman ako kaya tumayo ako at pupunta na sa kwarto nya.

"Ihahatid na kita sa kwarto ni Chanyeol." Sabi ni Xiumin.

Hinatid na ako ni Xiumin sa kwarto ni Chanyeol.

"Wag kang mag alala, safe ka naman dito. Saka seryoso lang yun si Chanyeol ngayon bukas, magiging baliw na ulit yun. Sige good night!" Sabi ni Xiumin tapos sinara na nya ang pinto.

Hiwahiwalay na sila ng kwarto. Ang alam ko dati, partner partner sila sa kwarto, ngayon tig iisa na.....

Tinitigan ko ang malaking picture ni Chanyeol sa wall.

"Woah, nakakatakot ka pala Chanyeol kapag seryoso ang mukha mo. Sana Hindi ka galit o sobrang galit sa kin." Yun ang huli Kong sinabi at humiga na ako.

.............................

Unti unti Kong minulat ang mata ko. Wow!!!! Ang sarap ng tulog ko!!! Ang lambor nang higaan ko!!!!

Napamulat ako nang pagkalaki laki..... Teka.... Oo nga pala, wala ako sa dorm namin ngayon.... NASA dorm ako ng exo!!!!!!!

Baka nag alala na ng sobra sila So Eun at Chunhua. Hinanap ko ang phone ko... Naku naman, low bat!!!!!!

Agad akong bumangon at inayos ko ang sarili ko. Niligpit ko na rin ang higaan.

Dahan dahan Kong binuksan ang pinto nang kwarto at sumilip. Walang tao....

Lumabas ako.... Bumaba papuntang salas at nang lumingon ako. Nadatnan ko na kumakain na ang exo sa dining room nila... Lahat sila nakatingin sa kin

OMG!!!!

END OF CHAPTER FOURTEEN

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon