Chapter 15

36 11 16
                                    

Stella's POV

I was frozen.... Nakatingin lahat sila sa kin with serious face. Ano gagawin ko? Ano sa sabihin ko?

"Hyung, sya ba yung babaeng kinuwento mo?" Tanong ng pinakabunso nila, si Sehun, Kay Chanyeol na pinagpatuloy ang pagkain.

Tumango tango naman si Chanyeol.

Kinuwento? Ibig sabihin, alam na nila ang malaking kasalanan ko Kay Chanyeol? Naku po.... Lupa kainin mo na ako sabi eh.... Huhuhuhu....

Pumikit na lang ako at lumuhod at nagbow....

"Woah!!!!!" Sabay sabay nilang sabi. Nagulat sila sa ginawa ko.

"Yah!!!! Stella, anong ginagawa mo?" Tanong ni Chanyeol.

"Sorry!!! Sorry talaga sorry!!!! Chanyeol sorry sa ginawa ko... Exo sorry sa ginawa ko Kay Chanyeol!!!" Paulit ulit Kong sabi habang nanatili sa ganoon posisyon.

Lumapit sa kin si Suho, ang gwapong leader nila....

"Anong pinagsasabi mo? Bakit ka nagsosorry?" Tanong ni Suho.

"Stella, ano bang ginawa mo Kay Chanyeol?" Curious na tanong ni Baekhyun.

Ha? Hindi nila alam? Hindi ba kinuwento ni Chanyeol sa kanila?

Napatingin ako sa kanila. Puro pagtataka ang NASA expression ng mukha nila.

Tumingin ako Kay Chanyeol na nagtataka din. Tinulungan akong tumayo ni Suho.

"Nananaginip ka pa ba Stella?" Tanong ni D.O.

"Umupo ka na muna, sumabay ka sa min na kumain ng lunch." Sabi ni Chen.

Lunch??? Lunch????

Hala!!!!! Ang recording namin ng songs for our first album!!!!!!!!! Omg!!!!! Lagot ako Kay ma'am Weng!!!!!!!!!!

"Lunch na??? Hala, sorry kailangan ko nang umalis.... May importante pa akong pupuntahan. Sige salamat at ..... Sorry na ulit!" Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Chanyeol.

"Sandali, Stella." Tawag ni Chanyeol.

Kumuha sya ng coat at sumbrero.

"Heto, suotin mo para walang makakilala sa  yo pagkalabas mo." Sabi nya at sinuot nya sa kin yung coat at sumbrero. "Ibalik mo sa kin yan ng maayos ha." Sabi nya tapos lumapit sya sa tenga ko at bumulong... "Kalimutan mo na yung ginawa mo. Pinapatawad na kita." Sabay ngiti sa kin.

Sheeeetttt bakit parang kinuryente ako sa bulong nya..... Dahil ba sa lapit ng mukha nya? O dahil ba sa ngiti nya?

"Ah eh salamat. Sige po aalis na po ako. Sorry kung medyo weird ang kinikilos ko. Bye!" At umalis na ako na lutang ang utak.

...............

Chanyeol's POV

"Ano yun hyung? Linawin mo sa min yung nangyari kanina." Sabi ni Kai na Hindi maintindihan ang mukha.

"Wala yun. Akala nya kasi galit ako sa kanya kaya todo sorry sya." Sabi ko.

"Ano bang ginawa nun sayo? Bakit nagsosorry sya sa yo?" Tanong ulit ni Sehun.

"Sinipa nya kasi ako sa sikmura kagabi dahil akala nya masamang tao ako." Sige na nga sa sabihin ko na sa kanila.

"Ha? Kaya ba kagabi nimimilipit ka sa sakit" si Baekhyun naman ang nag tanong.

"Nung hinatid ko sya sa kwarto mo, mukhang sobrang nag naalala sya dahil sa yo Chanyeol. Sinabi ko na lang na seryoso ka lang kagabi at kinabukasan babalik ka na naman sa pagiging baliw." Sabi ni Xiumin.

"Baliw talaga hyung?" Ulit ko.

"Gusto ko sya." Maikling sabi ni D.O. habang sumusubo ng pagkain. Napatingin kaming lahat sa kanya dahil nagulat kami sa sinabi nya.

"A-ano? Gusto mo sya D.O.?" Tanong ni Suho.

"Oo, dahil sinipa nya ang isang baliw. Tama lang yung ginawa nya. Hanga ako sa kanya." Sagot ni D.O.

"Aaaaiiiissssshhhhh!!!!" Sabay sabay naming sabi....

"Akala ko kung ano nang ibig sabihin ng sinabi mo D.O." sabi ni Kai.

"Tssskkk tuwang tuwa naman yan kapag nasasaktan ako eh. Ganyan naman yan." Nag pout ako pagkasabi nun.

"Bilisan nyo na nga lang dyan. May lakad pa tayo eh." Paalala ni Suho hyung....

.......................

Stella's POV

Dali dali akong sumakay ng taxi at dumiretso na ako sa A.V. entertainment building. Hindi na ako dumaan ng dorm....

"Naku naman...... Lagot ako nito.... Sobrang nag aalala na yung mga yun sa kin." Bulong ko.

Bumaba na ako sa tapat ng building at patakbong pumunta sa studio.

"Ma'am!!!!! Good afternoon po.... (Hingal).... Sorry po ma'am if I'm late. (Hingal)." Bati ko agad Kay Ma'am Weng.

"Oh Stella, good afternoon din..... What are you saying? We are going to start later at 3:00 pm. Maaga ka nga pumasok eh." Sabi ni Ma'am. "I like your coat. I think its expensive."

Nakatanga akong naglalakad papunta sa training room namin.

"Gosh.... Mabuti na lang mamaya pa or else patatakbuhin ako ni ma'am sa field ng 50 ikot." Sabi ko.

Agad Kong chinarge ang phone ko at nang binuhay ko, sunod sunod ang notifications na narereceive ko.... Messages galing sa dalawa Kong friends.

Agad ko naman silang tinawagan kahit nakacharge pa yung phone ko.

"Hello Chunhua?" Simula ko nang sagutin ni Chunhua ang phone.

"Stella? Stella? Is that you? Are you okay? Nasan ka? Pinahamak ka ba nung lalakeng katagpuan mo?" Sunod sunod na tanong ni Chunhua. Sumisingit pa nga si So Eun eh.

"Don't worry. I'm okay. Nandito ako ngayon sa training room natin. Dito na ako dumiretso." Sagot ko.

"San ka nagpalipas ng gabi ha? Kasama mo ba yung lalakeng katagpuan mo magdamag ha? Huhuhuhuhu Stella, you don't need to give him your ALL! If you love him, then go love him but still dignity as a woman is important too." Si So Eun tong nag sasalita. Kung ano ano naman ang iniisip nito.

"Yah girls! I am alright okay? I don't sleep with that guy. I'm telling the truth. I.... I spend my whole night on a restaurant where we stayed. Nakatulog lang ako doon pero iniwan nya ako. I'm alright." Pag sisinungaling ko. Sorry girls if nagsisinungaling ako sa inyo.

Natapos ang usapan namin sa phone nang maayos at Maya Maya pa ay nagdatingan na sila. We started recording and we love all the songs.... Sana magustuhan din ng mga manonood or listeners ang kanta namin.

END OF CHAPTER FIFTEEN

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon