Chanyeol's POV
Stress ako ngayon dahil nag away kami kanina ni Baekhyun. Hiniram nya kasi ang bagong T-shirt ko pero nung binalik nya, may punit na kaya nagalit ako. Kapag nag away kami nun, umaabot ng buwan na Hindi kami nagpapansinan.
Kailangan kong magrelax para mawala ang stress ko kaso mga busy ang brothers ko.
Si Suho judge sa Master Mask, si Sehun at Kai Nasa Happy Together, D.O. Nasa pag shooting ng bagong movie nya, ang CBX busy rin.
Wow ha.. Ako lang tong Hindi busy sa grupo...
Nang makita ko ang panda sa ibabaw ng table ko, agad Kong naalala si Stella. Tinawagan ko si Taeyeon unnie at hiningi ang number ni Stella.
Tinawagan ko si Stella para magpasama mamaya sa park para naman malibang libang ako. Wala ako sa mood mag compose ngayon eh....
At nang yayain ko sya ay pumayag naman sya. Sino ba naman ang tatanggi kapag ako ang nagyaya di ba? Hahahaha
............
Natanaw ko sya na nakaupo sa bench kung saan kami unang nagkita. Napangiti naman ako dahil tumupad sya sa usapan.
Bumili muna ako ng dalawang cup ng kape sa coffee machine at lumapit sa kanya. Inabot ko naman sa kanya yung isa.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko. Kinuha naman nya ang binigay Kong kape at umiling iling.
"Hindi naman masyado." Sagot nya.
Umupo ako sa tabi nya at humigop ng kape.
"Pasensya ka na kung inostorbo kita. Wala kasi akong kasama sa dorm eh." Sabi ko. Ang tahimik kasi Hindi nagsasalita itong si Stella.
"Ah ganoon ba." Yun lang ang sagot nya.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.
"Eh kasi.... Kasi... Ano.... Hmmm..." Sabay harap sa kin na mukhang nagtatapang tapangan. "Dapat Hindi na tayo nagkikita. Sikat na sikat ka at mag dedebut na ako baka magma issue pa, Chan....."
Agad Kong tinabunan ng kamay ko ang bibig nya baka may makarinig sa pangalan ko. Lumingon lingon ako, wala naman masyadong tao saka malalayo sa min. Nakahinga ako ng maluwag.
"Wag mong babanggitin pangalan ko." Sabi ko ulit sa kanya.
"Alam mo, mas mabuti pang dun ka na lang mag stay sa dorm nyo, safe ka pa dun." Sabi ni Stella with serious face.
"Safe nga pero boring naman. Tao din naman ako, gusto ko rin makita ang paligid ko at ang ganda ng mundo." Malungkot Kong sabi. Humarap sa kin si Stella at tinitigan ako. Nagtataka naman ako.
"Gusto mong makita ang kagandahan ng mundo?" Ulit nya. Tumango tango ako. "Sige titigan mo lang ako."
Mas lalo akong nagtaka, "ha? Bakit naman kita tititigan?" Tanong ko.
"Para makita mo ang kagandahan ng mundo. Maganda ako at ako rin ang mundo mo." Walang kahiya hiyang sabi nya.
Napatigil ako sa sinabi nya. Ano daw? Sya ang mundo ko? Anong pinagsasabi nito?
Maya Maya pa ay Hindi na napigilan pang tumawa ng malakas ni Stella.
"Hahahahahaha!!!!!!!" Tawa nya habang hawak hawak ng isa nyang kamay ang braso ko. "Natatawa ako sa expression ng mukha mo hahahahahaha!!!!!!".
Kumunot ang noo ko. Hindi yun nakakatawa ha.
"Tapos ka na bang tumawa?" Pagalit Kong sabi.
"Hahaha nagbibiro lang ako. Ikaw naman sobra mong seryoso." Sabi pa nya hanggang tumigil na sya sa kakatawa. "Iba pala talaga kapag Maputi ka noh, kitang kita na namumula ka."
"Ako? Namumula?" Sabi ko. Nakababa kasi ang mask ko dahil umiinom ako ng kape.
"Alam mo , Chan.... Ayyyy sorry.... Alam mo, iniexpect ko rin na mangyayari din sa kin na Hindi na halos makalabas ng bahay kapag sumikat na ako pero tama ka, karapatan din naman ng mga artista na lumabas at magsaya." Seryoso na sya.
"Parang nabanggit mo kanina na madedebut ka na? Saang company?" Tanong ko.
"A.V. Entertainment" maikling sagot nya.
"Ah magiging kpop idol ka rin. Sigurado ka ba sa desisyon mo? Hindi Biro ang pagiging kpop idol." Sabi ko.
"Hmmm oo sigurado ako.... Dahil dito ko lang mararanasan na mahalin ng maraming tao." Sabi nya sabay tingin sa langit. "Maaari ring maranasan ko na siraan o ibash ng iba, pero okay lang yun, at least nasa akin pa rin ang atensyon nila."
"May problema ka ba, Stella?" Tanong ko.
Umayos sya sa pagkakaupo at tumingin ulit sa kin. "Wala, ikaw ba may problema ka ba? Bakit sabi mo kanina stress ka? Dahil ba yun sa trabaho?" Sabi nya.
"Hmmm Hindi, may tampuhan lang kami ni Baekhyun." Sabi ko.
"Tampuhan? Bakit?" Tanong nya ulit.
"Sinira nya kasi yung T-shirt Kong bagong bili." Sagot ko.
"Sus, parang yun lang nag away na kayo? Eh marami ka namang Pera, bumili ka na ulit. Mas mahalaga ang pagkakaibigan kesa pera." Sabi pa nya. "Pwede bang makihiram ng cp?"
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Basta, wala akong gagawing masama. Pahiram lang." Dahan dahan Kong inabot sa kanya ang cp ko at kinuha naman nya agad ito.
"Privacy ko ha." Paalala ko.
Biglang narinig ko na may tinatawagan sya.
"Hoy, sino tinatawagan mo? Bawal ikalat ang number ko!" Pag aalala ko at pilit Kong inaagaw ang cp ko sa kanya.
"Hello? Chanyeol-ssi? Huhuhuhuhu Chanyeol-ssi, tinawagan mo ako! Chanyeol-ssi! Sorry kung nasira ko ang T-shirt mo! Ibibili kita ng bago! Huhuhuhu sorry na bati ma tayo!" Malakas ang Boses ni Baekhyun na umiiyak (o baka nag iiyak iyakan sa kabilang linya) .
"Bakit mo tinawagan?" Bulong Kong sabi Kay Stella. Ngumiti lang sya at ibinigay ang phone sa kin.
"Ah eh hello?" Sabi ko.
"Chanyeol-ssi sorry na! Huhuhuhu huh! Bati na tayo!" Bumuntong hininga ako at nagsalita.
"Oo na bati na tayo. Wag ka nang mag iyak dyan baka isipin pa ng ibang tao na baliw ka." Sabi ko Kay Baekhyun.
"Yehey! Chen, Xuimin! Bati na daw kami!" Dinig kong tawag nya sa dalawa.
"Sige na babye na!" Nag hang up na ako. Nakangito naman ng pagkalapad lapad itong si Stella.
"Oh diba, problem solved!" Sabi pa nya. Ngumiti na lang rin ako sa kanya.
Mga isang oras din kaming nagkwentuhan ni Stella at nakakatuwa syang kasama. Habang naglalakad kami, may nasalubong kami na lalakeng Nagajojogging kaya agad Kong sinuot ang mask ko pero nang malapit na sya sa min, doon ko sya namukhaan.
"Uy Stella! Nagkita na naman tayo!" Bati nya Kay Stella. Napatigil kami pareho sa paglalakad. Pareho kaming nagulat.
Nagulat ako dahil, kilala ni Jimin si Stella at nagulat din si Stella nang makita nya si Jimin.......
END OF CHAPTER TWELVE

BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
RandomThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...