Chanyeol's POV
"Anong bang meron at mukhang excited ka, Baekhyun?" Tanong ko Kay Baekhyun na excited na umupo sa sofa at binuksan ng TV.
"Magpeperform kasi ang ex nya sa Music Bank kaya excited manood yan." Sabi naman ni Xiumin hyung.
"Ah oo nga pala noh? Nag comeback nga pala si Taeyeon unnie." Sabi naman ni Suho hyung.
Ah kaya naman pala excited manood ang batang to. Bakit kasi Hindi na lang magbalikan tong dalawang to? Halata namang mahal talaga nila ang isat isa. Ipaglaban na lang nila ang relasyon nila.
Masayang nanonood si Baekhyun habang nagpeperform si Taeyeon unnie. Nakinood na lang rin ako.
Nagkatinginan kami ni Baekhyun nang may mapansin kaming pamilyar na Babae sa likod ni Taeyeon unnie.
"Nakita mo ba yun, Chanyeol?" Tanong ni Baekhyun.
"Oo, parang pamilyar sya." Sagot ko.
"Tingnan nga ulit natin, baka makuhaan ulit ng camera." Tumutok ulit kami sa panonood.
"Tingnan mo yung dalawa, parang mga baliw. Tutok na tutok sa pinapanood." Dinig kong sabi ni D.O.
"Nain love pa lalo si Baekhyun Kay Taeyeon unnie. Si Chanyeol din yata." Sabi naman ni Chen.
Binalewala ko ang mga sinasabi nila at pilit Kong inaabangan yung Babae.
"Chanyeol-ssi, parang sya yung babaeng nakilala mo sa park." Bulong sa kin ni Baekhyun.
"Baka naman kamukha lang." Maikli Kong sagot. Pagkatapos ng performance, ay umalis na ako sa sofa at pumunta sa kusina. Naiwan naman si Baekhyun dahil inaabangan pa nya kung sino ang winner between Taeyeon at Bts. Sila kasi ang nominated ngayon.
"Nag-i-instagram ka na naman yata Chanyeol." Sabi ni Sehun.
"Hyung! Chanyeol hyung! Mas matanda ako sa yo." Pagkokorek ko.
"Yeah whatever. Ano ba ginagawa mo?" Pilosopong sagot ni Sehun.
"May pinapanood lang ako. Wag mo na akong istorbohin." Umalis na si Sehun at pinanood ko na ang music video ni Taeyeon unnie. Curious lang ako sa back up dancer baka may mas malinaw na kuha dito sa music video.
Nang makita ko ang scene na nakuhaan yung Babae, agad ko itong pinause.
"Hmmm baka naman kamukha lang. Tssskk, bakit ko ba pinoproblema to? Hayaan ko na nga lang."
..................
Stella's POV
Nagkakasiyahan ulit kami dito sa training room namin kasama si Taeyeon unnie. Nanalo si Taeyeon sa K-chart kaya nilibre nya kami ngayon ng inumin. Wala na kaming time para lumabas pa kaya naman nag padeliver na lang si unnie.
"Congratulations Taeyeon unnie!!!" Masayang sigaw ni Mia. Umiimprove na sa pagiging mahiyain si Mia.
"Salamat sa inyong lahat!" Nakangiting sabi ni Taeyeon unnie.
Kasama din namin si Ma'am Weng.
"Girls, sya nga pala, ilang buwan na lang at magde debut na kayo at ang magstart na kayong magpost ng mga cover dance and songs nyo. Ang A.V. entertainment na ang bahalang mag upload. Start na yun para makilala kayo ng mga tao.". Sabi ni Ma'am Weng. Woah... Gusto ko yan...
"Wow, congratulations din sa inyo girls." Bati sa min ni Taeyeon unnie.
"Salamat po." Magalang naming sagot.
................
Kinabukasan.....
Biglang nagring ang phone ko....
"Hello? Sino po sila?" Tanong ko. Number lang kasi eh.
"Hello? Stella?" Sabi nung Boses ng Babae.
"Ako nga po. Sino po sila?"
"Si Taeyeon ito, Stella".
"Oh unnie, bakit po kayo napatawag?" Nasurpresa ako kasi tumawag sa kin si Taeyeon unnie ng personal.
"Kasi naiwan ko yung wallet ko sa training room nyo. Pwede mo bang ihatid dito sa S.M. entertainment building ang wallet ko? Hindi ka ba busy ngayon?" Pakikiusap ni Taeyeon sa kin.
"Sure unnie. Wala naman akong ginagawa eh. Ihahatid ko na lang dyan." Sagot ko.
"Salamat Stella." Nag hang up na si Taeyeon unnie. Pumunta ako sa training room at hinanap ang wallet nya. Nakita ko naman ito sa sahig sa may upuan. Kinuha ko ito at naghanda na para umalis.
"Saan ka pupunta Stella?" Tanong sa kin ni Chunhua.
"Ah may pupuntahan lang ako. Sige nagmamadali kasi ako eh. Bye!" Iwas ko Kay Chunhua. Kapag kasi sinabi ko na pupuntahan ko si Taeyeon unnie, magpupumilit na sumama yun.
"Ah okay, sige ingat!" Tanging nasabi nya.
Sumakay na ako ng taxi at sinabi na rin sa tanong driver na sa SM Entertainment Building ako bababa.
"Nandito na po tayo, Ma'am." Sabi ng driver ng taxi.
Wow, medyo malapit lang pala mula sa dorm namin.
Bumaba na ako at napatigil ako sa harap ng building at napanganga.
Kay lalaking picture o tarpaulin ng Girls Generation, Super Junior, Shinee, Red Velvet, NCT, at ....
"Exo?" Bulong ko. Oo nga pala noh? Under rin nga pala ng SM ang Exo? Bakit di ko naalala yun?
"Miss excuse me, ano pong sadya nyo?" Tanong sa kin nung security guard.
"Ah eh... Si Miss Taeyeon po? Nandito po ba sya?" Tanong ko naman Kay manong guard.
"Ah! Kayo po ba si Miss Stella? Pasok na lang po kayo. Nasa 4th floor po ang room ng Girls Generation." Sabi ni manong guard.
"Ah sige po. Maraming salamat po." Nagbow ako at pumasok na sa loob.
Napapanganga na lang ako sa mga pictures na Nasa wall.. Ang lalaki!!!! Wow ibang klase talaga kapag sikat ka, magkakaroon ka ng malalaking pictures.
Napahinto ako sa harap ng malaking picture ni Chanyeol.
"Wow! Ang gwapo naman dito ni Chanyeol." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. "Teka, nandito kaya sya?" Tanong ko sa sarili ko.
...................
Baekhyun's POV
Galing ako sa pagbili ng pagkain. Papunta na ako ng elevator, nang mapansin ko ang isang Babae na nakatingala sa picture ni Chanyeol.
Kumunot noo ko kasi pamilyar sya. Mas kinilala ko pa ang mukha nya.
"Oh!!!!!" Sabi ko nang makilala ko sya.
Anong ginagawa ng babaeng yun dito? Kilala naba nya si Chanyeol ngayon?
Nagsimula nang maglakad ang Babae kaya naman sinundan ko sya.
Pumasok sya sa elevator. Sinuot ko ang hood ng jacket ko para di nya ako makilala. Pero sabi ni Chanyeol Hindi daw nya kilala ang Exo pero bakit nya tinitigan ang picture ni Chanyeol?
Hindi nya ako napansin na sinusundan ko sya. Pinindot nya ang 4th floor. Anong gagawin nya doon? Nandoon ang training room ng Girls generation, Shinee, at super junior.
Tiiiinnnngggg.....
Lumabas na sya ng elevator. Sumunod ako nang patago. Nakita Kong pumasok sya sa loob ng training room ng Girls Generation. Anong gagawin nya dun?
END OF CHAPTER NINE
BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
CasualeThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...