"Mel, uy. Kanina ka pang cellphone nang cellphone dyan, kumain ka nga" rinig kong sabi ng aking ina nang madatnan niya akong nakaupo na sa seat ko at kulang nalang ay subuan ako na parang bata dahil mas inuuna ko pa ang pagsecellphone.
"Anong gusto mo, subuan pa kitang bata ka?" ngumuso naman ako kay mama at tinignan siya sabay kindat.
"Pwede ma, let me be nalang po. At tsaka maaga pa naman po para pumasok agad ako. Ma kasi, 8:30 po ang pasok ko" sabi ko nang di natingin sa kaniya dahil binalik ko yung mata ko sa cellphone ko. Sa twing hawak ko naman kasi yung cellphone ko. Isa lang naman ginagawa ko eh.
Ang pagmasdan si Nel Nicholas. Ang lalaki sa wallpaper ko. Pati sa laptop siya din desktop wallpaper ko, pati lockscreen. Halos lahat nalang. Kung artista lang tong si Nel, pihado dami ko nang naipong photocards at kung anu-ano pang merchandise. kung pano ako magstan sa kpop groups ay ganon ko lang din siyang hahangaan. Yun bang patili tili pagminsan minsan. Alam nyo yon yung sana ikaw nalang yung tubig na iniinom niya... yung twalyang ginagamit niya.. sana nga ako nalang yung boxers niya
"Aba Mel, anong oras na" chineck ko kagad ang cellphone ko para tignan yung oras.
8:15
WHAT?! 15 MINUTES BEFORE THE CLASS STARTS. HOW LONG HAVE I BEEN STALKING NEL, OH MY GOD.
Di nyo naman ako masisisi eh napakadream guy naman kasi nitong si Nel. Nakakainis. Sana Kpop idol nalang siya para may chance akong makita siya if ever magconcert sila dito or whatever. Di nung di nga siya kpop idol pero kung makalabas masok sa Pilipinas, pro na pro. Model kasi siya sa pagkakaalam ko. Ang gwapo niya kasi, di ako magtataka pa kung bakit siya nakuhang model.
"Kumain ka muna dito bago ka umalis!" sigaw ni mama sakin pero mabilis ko lang siyang hinalikan sa pisngi habang may sandwich sa bibig ko. Agad ko ring hinila yung bag ko mula sa sahig at sinakbit sa likod ko.
Mabilis din naman akong nakarating sa school kaso pawisan nga lang. Tsaka pagod. Wala eh, terror yung first subject teacher namin. Ayaw sa palate late sa klase niya. Sana mataunan ko na wala siya dun bago ako pumasok kasi kung nandun na siya, detention agad ako.
"Melio" napatigil ako sa pagaala-cardo dalisay ko. buti pa si Cardo di nahuhuli, samantalang ako pagnahuli, patay na kagad. Ilan kaya buhay nitong si Cardo. Daig pa characters sa ros eh pagnagheheal.
"Oh, hi. Kumusta?" tanging nasabi ko sa kaniya at awkward akong ngumiti sa kaniya para ayusin na din yung salamin ko. Sa sobrang pagod, nagfog yung salamin ko. Daig pa Pilipinas, sa ibang bansa pagnakakita ng fog, natural pag satin naman usok ng tambutsu. Sa hindi nga pala nakakakilala sakin, bahala kayo HAHAHAHAHA charot.
Ako lang naman po si Melio Fury Akkinawa. Japan-is tatay ko, walang silbe pwe! Charot mabait si papa... kayna Stacey at Gabi pero sakin hindi. Kaya nga minsan nagtataka ako kung anak ba talaga ako ni dad kasi ganon yung turing nila samin--specially sakin. wait, no. not specially... Leo you forgot that you're not worthy. damn.
Kaya ever since rpw was introduced to me, bit by bit. nacoconquer ko yung bad feelings, napapalitan ng happiness kahit konti. Tas syempre mas masaya ako kapag may mga kaibigang nagarp din.
"MELIO SI SIR, BILISAN MO" rinig kong sigaw ng boses babae mula sa dulo ng hallway. Dali dali akong nagtatakbo sa may dulo ng hallway at pumasok sa kwartong yon.
Langya, tagaktak na pawis ko.
Wala naman kaming ganong ginawa buong maghapon eh. Same routine lang. Papasok, uuwi, gagawang assignments, tutulog pero ako kasi... di ako ganon kagaling sa pagtulog kaya most of my time are spent on stalking someone else's facebook account. Wala eh, tinamaan.
Explains why I'm late in class today.
Buti nalang talaga't wala pa si Sir Vox. Ang pinakaterror para sakin na teacher, nandiyan na yung ipapahiya ka pagmababa grade mo. Babatuhin ka ng chalk sa mukha. Papaluin ka ng walis tambo. Pero thankful ako sa kaniya, atleast natuto akong gumawa sa bahay. tamad tamad kasi ako noon eh. tapos nalaman laman ko pa na ayaw na ayaw ng mga lalaki na tatamad tamad ang babae sa bahay.
Oh eh what if bigla kaming magkita ni Nel in person tapos wala akong alam na kahit anong gawaing bahay. Magiging pabigat ako niyan, shocks no.
But what if tanggapin niya yung pagiging tamad ko and tanggapin niya ko ng buong buo. At after class, for sure susunduin niya ko. Base sa mga posts niya, pictures, ang bait niya. Para siyang anghel.
PERO TAGAL NG LAST PERIOD OH! BAKA NANDYAN SA LABAS PRINCE CHARMING KO!
Lalabas ako ng school at makikita siyang nakasandal sa hood ng sasakyan niya, waiting for me to get off from school. then he'd hold my hand and take my bag from me, being the gentleman that he is. he'd kiss the back of my hand and tighten his grip on it---tapos alam nyo yung magandang ending? yung magkikiss kami sa l--
"Mel! Gising na" alimpungatan ako sa pang gigising ng katabi ko, pwede ko kayang masampal to ng isa? kahit isa lang Lord.
"Rinig naman kita eh, bakit kailangan akong sigawan sa tenga? Bwisit to. Ganda ganda ng panaginip ko eh" inis na sambit ko at agad na nagtatakbo palabas ng school, hoping that my dream would be here but no.
"Umaasa ka parin ba don sa poser na yon?" tanong ni Ana. Btw, si Ana yung naghi sakin kanina before ako pumunta sa classroom. nagmamadali kasi ako kanina kaya di ko na nasabi na siya yon. Tumango nalang ako kahit di naman sa poser ako naasa. Di pa nila nakikita si Nel kasi, kahit isang picture wala akong pinapakita kasi baka agawin nila sakin eh. Like ano to, sardinas? magsisiksikan kami sa iisa?
"Cury" napalingon naman ako sa nagsalita. Cury kasi tawag nung iba sakin dahil Melio-Fury.. magkatunog daw ng mercury. Ewan ko ba sa kanila.
"Oh anong hanap natin? Chicks? Wala ako non" sagot ko kay Tyron. Kilala kasi ako nila bilang match maker sa grupo, ang weird lang na yung sarili ko di ko maimatch sa taong gusto ko.
And ang worse pa don, what if Nel's not single anymore diba?
Well, i don't care. Basta i like Nel. And nothing's going to change that.
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...