f i f t e e n

19 6 1
                                    

After eating lunch with the couple, Cencio and Ritza we separated our ways because we don't go to the same class on Tuesdays. Up until now, both of them had no idea about the real deal between me and the Ezekiel Rodriguez kaya malaya akong nakakapasok sa school nang di pinagkakaguluhan ng fangirls ni Ezekiel. One time may nagtanong sakin kung ano ko daw ba si Ezekiel, i couldn't tell her that I'm his tutor so I told her that I just admire the guy.

Kahit labag na labag sa loob kong sabihin na gusto ko si Ezekiel.

Tanda ko pa nga ang sabi niya noon,

"Ate ang swerte mo naman po, nakakasama mo si Ezekiel. Siguro gusto ka din niya, sayang nga lang ate kasi gustong gusto ko po si kuya Ezekiel" sabi nang isang 8th Grade sakin noon na siyang kinalungkot ko dahil kung alam lang niya kung anong pinaggagagawa nito sa buhay niya, siguradong matuturn off siya or maybe magbabago ang isip niya about liking the guy.

The guy's a pain in the ass, I tell you.

Naglakad nalang ako papunta sa classroom ko at ginawa ang usual routine ko every vacant.

Ang magcellphone.

Oo. Dala dala ko lagi ang cellphone ko kahit san ako pumunta, kadalasan ko kasing sinistalk si Nel pagvacant or walang teacher. Di naman bawal yun eh. Tsaka after class ko naman siya ginagamit.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko. Basag na camera ng phone ko pero nagagamit ko pa naman siya kahit papaano. Basag na din ang screen nito tapos yung speaker sira na. Ang mahalaga lang naman sakin ay magamit ko ang cellphone ko para istalk si Nel.

Matapos kunin ang cellphone ay agad akong nagtype sa search box ng facebook app ko.

"Nel Nicholas" banggit ko habang nagtatype ng pangalan niya.

"Hey nerdy" napalingon ako nang marinig ko ang boses na iyon. Di na ako nagulat pa kung matagpuan niya ako dito sa classroom ko. I saw three girls in short skirts na halos makita na yung kaluluwa nila sa sobrang ikli ng palda nila. Their faces caked with make up.

It's Quinn and her friends. Ang feeling Queen Bee ng school na ito palibhasa mayaman siya at magbusiness partner ang daddy nila ni Ezekiel kaya kung umasta ay parang si Ezekiel na lang din. Parehas na mayabang.

"Yes?" taas kilay kong sagot. Nerd nga ako pero di ako yung nerd na kayan-kayanan lang ng mga studyante dito. Di ako tulad ng nerd na nakasanayan nyong lalampa lampa at tatanga-tanga.

"What's the real deal between you and my Ezekiel?" maarteng tanong ni Quinn.

"Wala" sagot ko nalang at patuloy na sa pags-stalk kay Nel. Kada kita ko ng picture niya ay sinasave ko kaagad. Collection ba, ganon. Ang gaganda kasi ng pictures niya, karamihan sa pictures niya ay nasa ibang bansa siya.

"Good. Keep it that way or else" di ko nalang pinansin ang sinasabi niya at patuloy na nagscroll sa timeline ni Nel. "I'll bring hell to you" pagbabanta niya, frightened? no.

Pagkasabi non ay agad ding umalis ang tatlo. Probably to go to their class.

Aish. Bwisit kasi 'tong si Ezekiel. Bakit kasi ang daming nagkakagusto sa kaniya, kawawa naman sila. Kung alam lang nila kung anong tunay na ugali ni Ezekiel. Antipatiko.

Shocks naalala ko tuloy nung last time na tinutor ko siya. Ang yabang talaga.

Manuti nalang after a lot of trying nabuhay ko itong phone ko, si Ezekiel ang nakabasag ng screen ng phone ko eh.

】Flashback【

"Are you still a virgin?" tanong ni Ezekiel na siyang nagpatahimik sakin.

"W-what?" bakit ba ako nauutal eh si Ezekiel naman 'tong kausap ko.

"As expected, never been touched nor kissed" tumango tango siya sa sarili niya habang nakangisi. He walked straight to me and stopped infront of me, dangerously close again. I felt my cheeks warm up because of his actions.

Bakit ba ganito epekto sakin ni Ezekiel? I don't like him or anything. It's just that.. naiilang ako sa kaniya. Why is he doing this anyway?

"Never been touched" he caressed my cheek while staring at me then he eyed my lips. "Never been kissed" I blinked my eyes repeatedly as he got closer, I closed my eyes.

"Pft. HAHAHAHA" biglang tawa ng isang demonyo. Napamulat naman ako nang marinig ko ang tawa ni Ezekiel.

"You should've seen the look on your face HAHAHA" he laughed his ass out while pointing at me. This is so embarrassing.

Why the hell did you purse your lips like that, Leo?!

"Oh shut up, aralin mo yan magisa mo" sabi ko sabay bato sa kaniya ng textbook na hawak ko kanina pa. Nasambot naman ni Ezekiel ito at binasa nga. Ngumiti naman ako nang malaki dahil maari kong istalk si Nel habang nagbabasa si Ezekiel.

'Nel Nicholas is active now'

Agad kong binuksan ang chat box namin ni Nel na walang kalaman laman na bago at nag-isip ng pwede kong sabihin.

"Hey"
"Kumusta ka?"
"Hi kuya"
"Hello pelepenssss!"
"Kyah"
"Mememoi ngotis nge"
"Uy"

Ilan lang yan sa mga naisip kong ichat sa kaniya pero ni isa ay wala akong napili. Ngayon lang ako nahirapan magconstruct ng sentence. Nakakainis. Dapat pala nagpractice muna ako ng sasabihin ko, nabablangko tuloy ako.

"Hi kuya" sabi ko habang tinatype ito.

"Ezekiel! Akin na yan!" annoyed by the fact that he grabbed my phone and brought it up, eh ang tangkad tangkad niya. How can I get my phone?

"Binabayaran kita para turuan ako hindi para magcellphone cellphone lang" diretsong sabi ni Ezekiel pero di ko naman siya pinansin at patuloy lang na inabot yung cellphone ko, lalo namang itinaas ni Ezekiel ang phone ko at careless na hinawakan ito.

"Akin na yan, Ezekiel. Ano ba!" galit na sigaw ko hanggang sa di na namin namalayan na nasa sahig na kaming parehas. Me on top of him...

"Wow, ang wild mo naman baby" he whispered na siyang nagpapula sa pisngi ko pero binaliwala ko yon at agad na kinuha ang cellphone ko sa kaniya. Bwisit!

Tinignan ko ang phone ko and inspected if there are any damage pero wala naman, but when I tried turning it on... it didn't work. Galit kong hinarap si Ezekiel na siyang nakaupo na naman sa desk.

"Tignan mo ginawa mo sa phone ko" galit kong binato sa kaniya ang phone ko kahit nangingilid na luha ko. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ako ng classroom para dumiretso sa garden.

Hintayin ko lang matapos ang school year na ito, magagantihan din kita Ezekiel Rodriguez.

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now