Nanigas ako sa kinatatayuan ko at ni di lumabas sa bibig ko ang mga salitang gustong sabihin nito. Para bang pinako ako sa kinatatayuan ko at di ako makagalaw, nangingimay na ang mga braso't binti ko pero di ko maigalaw. I couldn't move a muscle specially when he is to ask me something but i didn't want to say that I'm failing. Kay mama nga di ko masabi, sa kaniya pa kaya? I don't want to be a disappointment to my father.
But what do i say? Do i lie? Do i just go upstairs and not eat with them?
I don't know.
"Pa, I'm not failing po" tanging nasagot ko na siyang nagpangiti bahagya sa kaniya. "But i'm also not passing po" kumunot ang noo niya nang marinig iyon sakin at agad akong nanigas nang muli dahil sa kung pano niya ako tinignan.
Telling me that I'm a big failure in this family through his eyes, and i couldn't stop but to fall into tears especially when he spoke.
"What do you mean, you're not failing but you're not passing? You're in the middle? Like the average, akala ko ba matalino kang bata. Then what were you doing with your life the whole trip I was gone?" may halong inis at galit ang boses niya kaya di ko napigilang mapahagulgol sa pagiyak.
"I don't go to work for you to fail your grades, Melio. I've expected more from you"
"Pa, let me ex--"
"You're a disgrace, Melio. Wala kang silbi" sabi ni papa at kahit anong awat ni mama sa kaniya ay di niya ito napigilan sa mga masasakit na mga salitang nais nitong sabihin sakin. With a heavy heart, I walked out of the dinning table and ran outside, barefoot.
"Mel, pasaan ka?" rinig kong tawag sakin ni mama pati narin si Gab but i didn't bother looking back.
"Di makakalayo yan, trust me" sambit ni papa kasabay ng pagkalansing ng kubyertos sa plato.
May plaza ditong malapit sa bahay namin, I could stay there for a while.
I didn't care if I was wearing pajamas or whatever, all I needed was to unwind.
There were many times I was told that I'm a disappointment, disgrace, worthless, useless and many more but this time? It's different. Triple ang sakit na naramdaman ko. Di halata sa sarili ko but I've been through a lot. Umabot na nga din sa puntong naglaslas ako dahil di ko nakayanan ang problema.
Sakin kasi sinisi ni papa lahat. Ultimo pati pagkatanggal niya noon sa trabaho ako din ang sinisi, eh wala naman akong kinalaman don.
Si Nel nalang yung nagdidistract sakin sa mga ganung gawain. Yung pangs-stalk ko sa kaniya, ganon.
Speaking of Nel, where's my phone?
Agad kong kinapa kapa ang bulsa ko at nakapa ko rin kagad ang cellphone ko. Nakahinga naman ako ng malalim nang malaman kong nasa akin ang cellphone ko.
I walked around the park and sat on a bench.
Bakit ganun nalang akong ituring ni papa? May mali ba sakin? Bakit kayna Stacey at Gabby ang bait niya? Okay lang na gabihin si Stacey sa paguwi, okay lang na magfail si Gabby kakacomputer games. Pero bakit pag ako, kailangan kong maging perfect?
Can't I have mistakes din pa? Pa, tao lang din ako. Nagkakamali, nagfafail, nageenjoy at higit sa lahat, nasasaktan. Sobra ka na pa. You're unfair.
Before I could even notice, my tears were already falling.
"Like the average, akala ko ba matalino kang bata"
"I don't go to work for you to fail your grades, Melio"
"I've expected more from you"
"You're a disgrace, Melio"
"Wala kang silbi"
Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol nang humagulgol sa pagiyak dahil sa paulit ulit na pagikot ng mga sinabi ni papa sa utak ko. Like a broken cd, repeating all over and over again.
"Pagod na ako" nasabi ko sa sarili ko. Nakarinig naman ako ng 'psst' sa paligid ko kaya agad akong napaupo nang maayos. My vision was blurry so I couldn't see who it was pero im sure na lalaki ito.
"What are you doing here?" sabi nito. Umiling lang ako at umagos na naman ang luha mula sa mata ko. Di ko maintindihan kung bakit ganito kasakit yung masabihan ka ng sarili mong ama. I shouldn't care anymore, ever since I was a kid lagi namang ganon yung trato sakin ni papa pero bakit ganito kasakit ngayon?
"C'mon, let's get you home" sabi pa nito at agad na hinila ako patayo. I accidentally hit on his chest with mine, his face extremely near mine pero kahit anong pahid ko ng luha di ko siya makita. I don't have my glasses, that's why.
"I don't wanna go home" I started crying again.
"Stop crying like a little bitch and go home" sabi pa nito. Imbes na gumaan ang loob ko, nagalit lang ako sa kaniya.
"Ano bang pakealam mo kung di pa ako nauwi, bakit ikaw? Wala ka din naman sa bahay nyo ah? Parehas lang tayong may pinagdadaanan now don't call me a bitch kasi asshole ka" tuloy tuloy na sabi ko at akmang aalis na ako para lumipat sa ibang bench nang hawakan nito ang kamay ko.
I squinted my eyes to see a clearer sight of him but failed. I couldn't see him. Suddenly he pulled me back in his arms and hugged me tight then he mumbled something before letting go. Pinaupo niya muna muli ako tapos yumuko siya para tanggalin ang sapatos niya.
"What are you doing?"
"Giving a girl my rubbers because she walked barefoot to the plaza" natahimik nalang ako at sa di ko malamang dahilan ay namula na din siguro ako. Ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa pisngi ko pero buti nalang at gabi ngayon. di niya makikita ito.
"Your phone's vibrating" sabi niya sabay bigay sakin ng cellphone ko. How'd he get it?
'Mom's Calling.....'
I rejected the call and then wiped my tears off my face. Ang dami na pala niyang message.
"We better go, lumalalim na ang gabi" I couldn't protest anymore, I was too tired and disappointed for that.
Maya maya pa'y naglalakad na kami parehas patungo sa mga familiar na houses.
How did he know where I live?
"Here's your stop" sabi nito at agad na ipinamulsa ang mga kamay niya sa bulsa niya. He sighed and a smile painted his face, kahit malabo ang mata ko naaaninag ko parin yun.
"Do I know you?" I asked.
"You don't need to know me" he said. At bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na ito at naglakad palayo.
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
De Todo"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...