Nothing special happened naman for the past few days. Wala din si Ezekiel at ang grupo niya kaya I had my peace from Monday to Friday. It's down to the last day, Friday ngayon.
Malapit na matapos ang klase, like the usual sina Cencio, Ritza at Princess ang kasama ko. We're like the fourio(?) whatever basta gets nyo na yon. Pang meteor garden ang peg naman oha.
Suddenly a knock was heared from the classroom door. Agad na binuksan ni Mrs. Ledezma ang pinto at niluwa nito ang isang matangkad na lalaki... or should I say, Mr. Rodriguez.
"Good afternoon sir" pagbibigay galang ni Mrs. Ledezma sa school owner.
"Good afternoon din. Can I borrow Ms. Akkinawa's time for a minute or two?" agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang apelyido ko.
For sure I seset na ang araw para sa pagtututor ko sa anak niya.
Tumango naman si Mrs. Ledezma at sinenyasan akong sumama kay Mr. Rodriguez, and so I did.
The walk was awkward, and silent. Hanggang sa makarating kami sa office niya ay tahimik parin kaming pareho. Neither of us spoke until he sad down on his swivel chair. He started talking about the business.
"As you may have known, I already talked to you about my son and his studies. Pasensiya na iha kung di kayo nakapagsimula nang maaga" Nako sir, okay na okay nga po yon. Asungot ho kasi ang anak nyo at naiinis lang ako pagnakikita ko siya.
"I want you to start tutoring him by tomorrow. Right after class, dito sa school. You pick a room kung san kayo magtuturuan and we'll give it to you" dagdag pa nito.
"Ah, yung music room nalang po sir. Para malibang libang po ang anak nyo habang nagtututor kami" ngumiti naman si Mr. Rodriguez sakin at tumango.
Buti pa itong ama ni Ezekiel mabait at marunong ngumiti, samantalang ang anak. Jusko po parang lagi nang nabagsakan ng lupa at langit dahil nakasimangot palagi.
"I'll be paying you with 20,000 a month but I'll double that if you handle his attitude. You see iha, my son need attention and the attention he needs is not what I can give" sabi nito sakin in a very serious tone.
"What do you mean sir?" takang tanong ko sa kaniya.
"I want you to change Ezekiel's habits. Change him, if you can"
What?! Nababaliw ba siya? Why would I do that? Anak niya yon. If someone in this world needs to take care of Ezekiel, that should be him not me.
"Sige po sir. I'll try my best" was all i could answer. It's hard to turn down such an agreement that pays you with 40k.
"Thank you, you may come back to your classroom" akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla niya akong tawagin.
"And Ms. Akkinawa? Keep this between you and me" sabi niya pa na siyang tinanguan ko nalang bago ako umalis ng kwartong yon. God. I need all the angels to help me if I'm going to tame Ezekiel's demons.
-
*beep beep*
Napabaliktwas ako sa pagkakahiga ko nang marinig ko malakas na pagring ng alarm clock ko. Gosh, magtututor nga pala ako kay demonyito ngayon.
Dali dali akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo. Sa sobrang taranta ko din, halos lahat yata ng damit sa closet ko naipagtatapon ko na sa kama ko para lang makapili ng disenteng damit kung saan di naman ako mapapahiya.
"Shit" sambit ko nang sumabit ang suklay sa buhok ko matapos kong maligo. Papatreatment nalang ako pagnakuha ko na salary ko.
"Maaaaaaa!" tawag ko kay mama habang pababa ako ng hagdan.
"Oh bakit anak? Bakit nagbibihis ka, eh wala namang klase ngayon" sabi ni mama.
"Eh may kailangan po akong gawin sa school ma eh" sabi ko nalang. I can't let her know or anyone know that I work for Mr. Rodriguez. Ayokong isipin nila mama na di sapat ang binibigay nila sakin kaya ako tumanggap ng ganitong trabaho.
"Oh sha, kumain ka na muna dito" sabi ni mama sakin at agad ding umupo sa harapan ko para sabayan ako.
"Nasan po si Gab?" tanong ko, wala kasi siya dun sa kwarto niya nung mapadaan ako dun kanina.
"Well, kasama ng daddy mo. Tinuturuan ng daddy mo magbasketball si Gab para di daw computer games nang computer games 'tong si Gab" Buti pa si Gab.. hays.
"Eh si Ate Stace po?" sabi ko bago sumubo ng pagkain.
"Binigyan ng pera ng daddy mo para ipangshopping niya" tumango nalang ako, what else do I expect? they're dad's favorite. Ako? Parang di niya ako anak.
Minadali dali ko na ang pagkain ko at agad na kinuha ang mga kakailanganin ko para sa pagtuturo dito. Ayoko namang may maiwan ako at mapahiya ako pagdating ko sa school. Lalo pa't si unggoy ang tuturuan ko.
"Thanks ma, I have to go na po" sabi ko at agad na sumakay sa motor ko. Oo, may motorcycle ako at marunong ako gumamit nito.
Dali dali akong nagdrive papunta dun sa school para dun siya turuan. Nang makarating ako don ay nakita ko na ang isang black na suv.
Shocks. Nandito na yata sila.
Agad akong dumiretso sa music room at bago pa man ako makarating don ay nakarinig na ako ng gitara. It was playing "Rewrite the stars" if I'm not mistaken.
Maya maya pa'y narinig ko na ang boses ni Ezekiel habang kinakanta ito. Sumilip ako nang kaunti para makita ko siya at tama nga ako, si Ezekiel ang tumutugtog.
"What if we rewrite the stars
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You were the one i was meant to find "Natigilan nalang ako habang pinapanood siya. Di ko na namalayan na natulala na pala ako sa kaniya.
"You're 2 minutes late" biglang sabi nito kaya napalingon ako sa likuran ko para icheck kung may ibang tao pa ba dito. He chuckled at my actions and walked towards me.
"Are you that stupid to not know that I was talking to you?"
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...