"Kumusta ang pagaaral ng mga bata, Edna?" Dad started interrogating mom about our studies kaya medyo nababahala ako sa sasabihin ni mama, she can't lie but she doesn't know that I'm failing in my class.
"Maayos naman sila, kaso itong si Gab. Bumaba ang grades niya kakacomputer games" sagot ni mama habang nagaayos siya ng pinggan at nilapag niya ito saming mga harapan.
Ito ang parte ng hapagkainan na ayaw ko, ang magkwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin. Minsan ayoko nang kumain na may kasabay because I don't wanna talk about my life pero I need to eat with them. Live with them.
"Ah ganun ba? Okay lang yun, I'm sure Gab will find his way to the top again" ngiti ni papa kay Gab at dahil magkatabi lang sila. Dad ruffled Gab's hair kaya napangiti na si Gab.
Dad never ruffled my hair like that before.
"Where's Stacey?" tanong ni papa, i kept quiet. I don't want him to ask me about my grades. It's too embarrassing to tell and I don't want him to be disappointed.
"Kasama ang barkada niya siguro" sagot ni mama habang nakuha ng kubyertos sa lalagyanan nito, tumango naman si papa at nang mailapag na ni mama ang kubyertos ay kaniya kaniya na kaming kumuha ng kutsara't tinidor namin.
Ipinagsandok din kami ni mama isa isa ng ulam namin, sinigang ang prinipare ni mama. Ang paburito ko.
Nagpatuloy tuloy lang kami sa pagkaing apat. I'm kind of relieved dahil di ako kinakausap ni papa, but at the same time I feel insecure of ate Stace and Gab because he gives a damn about how their days were going.
Wala nang ibang kinausap si papa kung di si Gab at si mama. He doesn't even look at me, not even once.
Minsan naisip ko kung anak ba talaga ako ni papa eh, pero kahit saang anggulo ko tignan. Kamukhang kamukha ko siya, I got my brows from him, my nose, my face shape, everything.
"Magbibihis na ako muna, Ed" sabi ni papa matapos niyang maubos ang pagkain niya then he leaned down to kiss mom's cheeks. Atleast he treats mom nicely kasi kung hindi, dun na ako aangal.
"Sige sige" sabi ni mama at pinagpatuloy na ang pagkain niya. Dad stood up from his seat then straightly got out of the table like I don't even exist. He didn't even look at me. Ang hirap nang ganitong sitwasyon. Gusto kong komprontahin si papa kung bakit ganon siya sakin pero at the same time natatakot ako sa maari niyang sabihin.
Dad has a harsh mouth and when he speaks, he's always straight to the point. Hindi siya yung type na nagpapaligoy ligoy pa, sinasabi niya agad. Kumbaga, prangka siyang tao. And he will tell you what he doesn't like about you in an instance.
"Nak, tapos ka na ba?" di ko na napansin na tapos na pala ang kapatid ko pati si mama. Napatingin ako sa plato ko, di ko na maubos ang pagkain ko kaya tumango nalang ako at agad na tinulungan si mamang magligpit ng pinagkainan namin.
"Anak, intindihin mo nalang papa mo ha? Pagod lang yon kaya ganon" sabi ni mama habang parehas naming nilalagay sa lababo ang aming pinagkainan. She started washing dishes habang ako nama'y tagapunas at tagatuyo ng mga plato.
"Okay lang po yun ma, naintindihan ko naman po si papa" sabi ko nalang habang tinutuyo ang isa sa mga platong nahugasan na ni mama. "Pagod lang po nga siguro si papa..." dagdag ko pa.
Pagod lang siya, oo. Pagod lang siya.
"Ah anak, kumusta nga pala ang klase mo? Maayos ka bang nakakapasok sa school? No bullies or whatsoever anak?" tanong ni mama. I bit my lip and gazed at her.
"Wala naman po ma, okay lang po ang pagpasok ko" sagot ko dito at ngumiti na siya sakin. Nakahinga na ako nang maluwag dahil di na siya nagtanong pa. Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan, ang abnoy ko lang talaga siguro no? HAHAHA
"Pa! Paano po ito gamitin?" rinig kong tanong ni Gab nang makababa si papa mula sa hagdan. Hawak hawak ni Gab ang isang chess board at agad itong lumapit dito. Di rin nakahindi si papa kaya agad niyang nilapag ang chess board sa mesa at agad niyang tinuruan si Gab nang paggamit nito.
"Ganito yan anak" simula ni papa at masaya niyang nilabas ang mga chess characters nito. Masaya niyang tinuruan si Gab habang ako'y nakatingin lang sa kanilang dalawa. They make a good bond together.
Sa sobrang busy ko kakapanood sa kanila ay di ko na napansin ang luha na pumatak mula sa mata ko. Pinaghalong lungkot at inggit ang nararamdaman ko ngayon.
Kailan kaya ako itatrato ni papa na anak niya? Anak niya ba ako talaga? Bakit ganun siya sakin? Di niya ba ako mahal?
Or am I just not enough for him?
Tama na siguro tong pagdadrama ko, masakit na eh. Gusto kong kausapin si papa pero di ko magawa. Bakit ganun nalang ang distansiya niya pag ako ang kakausap o lalapit sa kaniya?
Pa, sana naman po maisip nyo na nandito din po ako. Na gusto ko din pong makabonding kayo bilang ama ko at bilang ama ko, obligasyon nyo pong ipadama sakin na mahal nyo ko kahit minsan lang pa. Magiging masaya na ako, kahit isang araw lang.
Kung hindi man ay sana naman ay ipaliwanag nyo sakin kung bakit ganon nalang ang trato nyo sakin, bakit sobrang iba pag sina Gab at Stacey ang kausap nyo.
Pa, mahal ko kayo at sobrang sapat na sakin na pinalaki nyo ko pero minsan naiisip ko na sana di nalang niyo ko binuhay dahil parang di rin naman ako nageexist sa buhay nyo.
"Anak, kumusta nga pala ang aaral mo? Nahihirapan ka ba sa school anak? Kung nahihirapan ka, nandito lang si mommy. Matutulungan kita kasi syempre nagdaan din ako sa ganiyan" paglalayo ni mama sa atensyon ko kay papa at kay Gab. Agad kong pinunasan ang luha ko para di makita ni mama na naiyak ako.
Biglang napalingon si papa sa gawi namin.
"Oo nga, Melio. Kumusta ang grades mo?" walang ganang tanong ni papa.
Pag ba mataas ang nakuha kong grade, may mababago ba sa pakikitungo mo sakin, pa?
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...