n i n e t e e n

9 5 0
                                    

"Bebe, uuna na kami ni Cencen ha?" pagpapaalam ni Ritza sakin habang hawak hawak ang kamay ni Cencio, tumango nalang ako at pinanuod silang maglakad ng masaya. Ang swerte nila sa isa't isa. They both love each other so dearly. 

Naglakad ako papunta sa lockers at hinanap ang susi ng locker ko. Nasan na yon? Di ko yata nadala, pano ko kukunin ang iba kong books na kailangan? I need 4 books para sa lesson ko mamaya kay Ezekiel, pano ko pagaaralan ang ituturo ko sa kaniya? 

Di nagtagal ay nakita ko din ang susi ng locker ko, agad kong binuksan yon at bumungad sakin ang isang paper bag na brown. Taka kong kinuha yon and tuwa ang naramdaman ko nang makita ko kung anong laman ng bag na yon. It was a brand new iphone x plus, if I'm not mistaken. 

Sino kayang naglagay nito dito and how did he do it? 

Wait, baka si Ezekiel. As far as I know may susi sila ng bawat locker, as a duplicate para pagnawala ang isang susi may reserba. He must've used that to his advantage para makabawi sa ginawa niya sakin. Remember? He broke my only phone. 

But no, I'm not taking it. Ano 'to, suhol? Aba di niya pwedeng gamitin yang pagiging mayaman niya para lang makuha ang forgiveness ko, he needs to ask for it. 

Binalik ko sa paper bag ang cellphone at agad na sinara ang locker ko, remembering to lock it to secure my things inside it. Dumiretso ako sa music kung san madalas na natambay sila kasama ng mga kaibigan niya. As expected, I saw few fangirls of them na nakasilip sa pinto. Karamihan ay grade eight at seven. Ang babata pa, inuuna agad ang paglalandi. 

Kung alam lang talaga nila ang ugali ni Ezekiel, maybe that would change the way they feel for the guy. 

Dire-diretso lang akong pumasok sa music room, ignoring their stares. Narinig ko rin ang bulung-bulungan nila about sakin at kung gaano daw ako kalandi. To think na sila yung nandito para lang panuoring tumugtog si Ezekiel at ang kasama nito. 

Agad kong nakita si Ezekiel na may hawak hawak na microphone. Kung di ko nasasabi, banda din sila. Di ko lang alam ang pangalan ng banda nila pero as far as i know, okay naman daw tumugtog ang mga ito. Minsan kasing nakapunta si Princess sa gig nila para panoorin niya si Art. Gustong gusto ni Princess si Art but she never got the guts to confess to him. 

At tsaka sa pagkakaalam ko, may girlfriend din si Art kaya kahit magconfess siya walang mangyayari dahil mahal na mahal ni Art ang girlfriend niya. 

"I'm giving this back, I don't need it" sabi ko nalang kahit na sa loob loob ko'y gusto kong iuwi yon dahil wala nga akong magamit na cellphone but no, di ako pwedeng suhulan nang kung sino sino lang. He needs to ask for forgiveness. 

Tinignan naman ako ni Ezekiel at bigla itong napatingin kay Andrew then kay Art, Abraham at Tyler. 

"I never sent that to you. You think mag aaksaya ako ng pera para sayo?" sagot ni Ezekiel na siyang kinainit ng ulo ko. Why does he have to be rude? Pwede naman niyang sabihin na hindi siya ang nagbigay non sakin. 

"Then who did?" muling sabi ko at pinakita pa sa kaniya ang box ng cellphone na yon. Umiling lang si Ezekiel at di na ako pinansin. He began strumming his guitar again like i never existed. 

"Ano ba Ezekiel, take this back. I don't need it. Apology mo lang naman ang kailangan ko, bakit ba sinusuhulan mo ko ng ganito?" sabi at agad na nilapag ang paper bag sa may table nito, katabi ng drums at iba pang mga instrumento. 

"Ano bang di mo naintindihan sa sinabi ko? Di ba sabi ko di ako ang nagbigay niyan sayo" iritang sagot ni Ezekiel at tinignan na ako sa mata. His eyes piercing through my soul as he stared back at me. 

"Then who did nga?" tingin ko kay Andrew but he avoided my stare and continued playing the guitar he was holding. Umiling iling naman si Ezekiel at patuloy na silang tumugtog habang nakatanga ako sa kanila don. I watched how they played and to my surprise, they played my current favorite song. 

"Umuwi ng tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi" kanta ni Ezekiel. I don't know why but I caught myself staring at him as he sang the song while playing the guitar. 

"Bakit ka nag iba?
Meron na bang iba?" maemosyon niyang kinanta ang parte na yan sa di ko malamang dahilan, siguro dahil sobrang emotional sadya ng song na ito pero kung ano man yon, it wasn't him at all. 

Sana lagi nalang siyang nakanta para mawala naman yung bad vibes sa image niya, hehe. 

"Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis"  ang sakit talaga ng kantang 'to. Nung una ko 'tong marinig, naiyak ako. Di ko rin alam kung bakit eh. 

"Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis...
Umalis" at sa di malamang dahilan ay bigla akong napatingin kay Andrew, he was staring at me as his fingers played the guitar in his hands. Strange as it is, he didn't look away that easy. It took more than five seconds for him to look away and I don't know why I counted. 

"Ano na nerd? Pwede bang umalis ka nalang muna? Di kami makapagfocus" sambit ni Tyler in a very polite way kaya di ako naoffend sa pagkakasabi nito. 

"Eh paano itong cellphone na ito? Anong gagawin ko dito?" muling tanong ko. 

"Keep it, it's that easy" rinig kong sagot ng isa sa kanila. 

"Di naman kasi ganun kadali yon, malay mo nagkamali lang ng locker na pinaglagyan yung sender, I can't just take this home. Doesn't have my name on it. It'll be called stea--" and just when I was about to look at the guy who answered a while ago, natigilan ako nang magsalita ito. 

"You talk too much, just keep it" sambit ni Andrew without any emotions. 

O-okay. To keep it is. I just got lucky. 

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now