t w e l v e

23 6 0
                                    

For your info, I'm already 23.

If you're here in the hopes of having me, that's not gonna happen

Paulit ulit nalang na nakaregister sa utak ko yung mga sinabi niya, di ko na siya nagawang replyan nung gabing yun kasi ang sakit eh. Literal na naiyak ako sa sakit kasi aminado naman ako na hindi kami pwede because of our age pero wag naman na ganun.

Ipapamukha niya sakin na di kami pwede, pero naintindihan ko yung side niya kung bakit niya ginawa yon.

He doesn't know me, and for sure nagulat lang din siya kasi ang bilis bilis ko. Hays.

Sino ba namang tanga ang sa unang chat palang ay aamin na gusto niya yung kausap niya? Sino pa, edi ako.

Tanga tanga kasi.

Bakit kasi sinabi ko kaagad. Nabigla siya siguro kaya ganon nalang yung reaksyon niya. Hays.

Pero wow lang ha. Medyo suplado pala siya.

Well, I don't care. I still like him though.

"Hoy, di kita binabayaran para tumunganga dyan. Turuan mo ko dito"

Bwisit ka.

Di nalang ako nagsalita at umupo nalang ako sa tapat niya para walang gulo, wala din ako sa mood eh. Buong araw akong wala sa sarili dahil sa pesteng reply ni Nel na yon. Natapos at natapos ang klase nang walang pumapasok sa utak ko kung di yung mga sinabi nito.

Di ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang epekto sakin ng reply ni Nel. Siguro dahil gusto ko siya. Pero ano nga bang nagustuhan ko sa kaniya? Yes he has a lot of tiktok videos na comedy, one of the reasons why i like him is because he's funny pero other than that, wala na.

"For your info, di ikaw ang nagbabayad sakin. Papa mo" pagmamataray ko after kong ituro sa kaniya ang gagawin niya.

"Taray mong nerd ka ah, di bagay sayo" sambit pa nito bago siya magsagot sa libro niya. Bwisit ka lang kase, bakit kasi nakikiepal ka sa buhay ko eh ang gagawin mo lang naman ay magsagot. bwisit.

"Yabang mo ah, bagay sayo" sagot ko pabalik na siyang kinasama ng tingin niya sakin pero agad din niyang binalik ang atensyon niya sa pagsasagot.

Hays, kailan kaya matatapos 'tong pagtuturo ko dito sa asungot na ito?

"Damn. I don't wanna do this anymore. Nakakapagod" biglang sabi ni Ezekiel out of nowhere. I checked his book and he was just down to two equations.

"Dalawa nalang yan, matatapos mo na eh"

"Why did you settle for this job?" and out of nowhere, he asked.

"Kailangan mo ng extra income and you wanna help your parents" he continued. Potek, alam naman niya na pala. Magtatanong pa.

I just nodded and opened his AP (Araling Panlipunan) book, I started folding pages ng mga kailangan kong idiscuss sa kaniya.

"That's what they all say anyway" he added then resumed his answering.

"Ikaw, why do you like making fun of me? Remember nung pinahiya mo ko sa cafeteria?" he started laughing hard at me at wala na akong nagawa kundi ang tignan nalang siyang tumawa.

Mayabang!

"Lalampa lampa ka kasi eh" sabi pa nito habang natawa.

"Alam mo, gwapo ka sana" ngumisi naman siya sakin at kumindat.

"Alam ko"

"Kung di ka lang naging mayabang, pft" sunod kong sabi. Agad naman akong binato ni Ezekiel ng notebook niya, buti nalang nakailag ako.

"Bleeh" pangaasar ko.

"Tsk" tanging nasabi niya at binalik na ang atensyon niya sa pagsasagot.

Ilang oras din kaming nagturuan dito ni Ezekiel, siguro mga dalwa o tatlong oras din. Madali naman din kasi niyang naintindihan yung lesson kaya madali lang din ang oras na nagamit namin.

"Sino ba yang iniistalk mo ha? Boyfriend mo?" tanong ni Ezekiel nang makita niya akong nagcecellphone, and yes. Tama siya. Iniistalk ko na naman si Nel, di ko mapigilan eh.

"Pano ka nga pala magkakaboyfriend eh nerd ka. Walang magkakagusto nga pala sayo" tatawa tawang sagot ni asungot sa sarili niyang tanong. Nakakainsulto ka na ha!

"Grabe ka na ha! Nakakainis ka na. At pwede ba.. di ako nerd okay? Nagkataon lang na malabo ang mata ko" inis na sagot ko dito. Umiling iling nalang si unggoy sa sinabi ko at agad na sinabit ang bag niya sa balikat niya, ready to go home. "Umalis ka na nga!" dagdag ko pa.

Kailan kaya babait 'tong si unggoy sakin no? Hays.

Shit. I don't wanna go home just yet. Nandun si papa sa pagkakaalam ko, he took a day off from what I've heard from mom and i don't want to see him just yet.

"Aren't you going to pack up? Tapos na ang tutor diba?" all of a sudden, i heard concern from his voice. Or maybe ako lang yon.

"Ayoko munang umuwi but you can go" sabi ko. He shrugged at my voice because it cracked.

"Is there a problem with my learning? Kasi kung may problema sa pagtuturo sakin, you have to tell me because I don't wanna fail dad"

I fixed my glasses to see him clearly. And di ko alam pero parang iba ang nakita ko.

I saw a man who struggles to get his grades higher and his acts straight.

Di ko akalaing ito ang makikita ko. I mean, he's a bad boy. Isn't he? Bakit ganon nalang yung pagaalala niya dahil bumabagsak siya?

To think na kahit ano namang gawin niya, he can pass this grading at may nakalaan na kumpaniya para sa kaniya.

"Why?" biglang tanong ko. I don't know why I care pero he's such a bad boy to care so much for his grades. Doesn't suit him at all.

It's not him at all.

"What do you mean why?" naiinis na sagot nito pero binalewala ko nalang ang tono niya.

"Why do you care about how your dad thinks of you? You can fail if you want. You're a bad boy aren't you?"

"I don't wanna fail. That's it" sabi nito before he turned his back on me and walked away. Before he reached the door, he said something.

"I'm not a bad boy, I just... don't wanna fail"

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now