t h i r t e e n

18 8 0
                                    

"Bakit ka nag-iba?" pakantang sabi ko kay Ritza habang nakangiti naman siya sakin. "Meron na bang iba?" dagdag ko pa. Weird naman akong tinignan ni Princess at ni Cencio dahil sa kinikilos ko.

Palibhasa kasi may pa hand gesture gesture pa ako tapos paballet ballet dance din ako sa harap nila, papunta sa classroom kung saan kami magkaklaseng sunod.

"Mukhang good mood ka yata ah. Ano na bang meron sa inyo ni Ezekiel? Balita ko nandito daw kayo tuwing sabado, nagdedate yata kayo dito eh" biglang sabi ni Cencio sakin at kulang nalang ay masuka ako sa sinabi niya pero di ko na pinakita yung mind reaction ko kasi baka mahuli ako.

"Hindi kami nagdedate, magkaibigan lang kami. Kanino mo nabalitaan naman yan?" sagot ko dito. "At tsaka diba remember? I'm already taken by Nel" mataray na sagot ko. 

"Well, may narinig kaming mga girls kanina. Maybe around grade seven or eight sila, nakita daw nila kayo dito kaya ayun" sagot ni Ritza. Imposible yon, kakaming dalwa lang ni Ezekiel dito nung sabado.

Nang makarating kami sa classroom ay bigla kong nakita si Ezekiel at ang barkada niya na nakatambay kung san ang pwesto ko. Naiinis man sa pagmumukha ni Ezekiel ay matapang kong hinarap ang lalaking 'to. 

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sakin nakatingin si Ezekiel. 

BITCH STOP STARING AT ME. IT'S DISGUSTING! 

"Nakalimutan mong dalhin pauwi tong English book mo" sabi bigla ni Ezekiel na siyang naging dahilan para magtinginan ang mga tao sa classroom. Eyes were on him at agad ding napunta ang mata nila sakin nang iabot ni Ezekiel ang libro sakin. I pressed my lips into a thin line and took the book from his hands.

"Thanks" tanging nasabi ko nang makuha ko ang libro sa kaniya. Wala na naman akong pwedeng sabihin eh, other than he's such an asshole or I didn't get what he said the last time we talked. Nakakainis nga eh, ang simple lang ng sinabi niya pero di ko maintindihan. Ang lalim nun masyado. 

Walang emosyon naman niyang nilagay ang kamay niya sa bulsa niya tapos naglakad na siya palabas ng classroom kasunod ang apat. All three of the guys made eye contact with me then to my friends, Andrew didn't even lay an eye at me. Kahit isang sulyap wala, he treated me like he doesn't know me.

What really happened to him anyway? He's turning into the monster that Ezekiel is. And I don't like the idea of it.

Minsan ko na kasing nakasama siya sa buhay ko kaya siguro ganito nalang ang reaction ko nang malaman kong mapasama siya sa grupo ni yabang. Tsaka kahit kailan yata di ko matatanggap na nagkaganon ang bestfriend ko. Especially without my opinion.

"Umamin ka nga samin bakla, ano ba talagang meron sa inyo ni Ezekiel?" biglang tanong ni Princess habang dala dala ang bag niya sa balikat niya, agad niya ding binaba ang bag niya sa pwesto niya at tinignan ako.

"Ayun nga. Friends. Ganon" sagot ko, tumaas naman ang kilay ng tatlong kaibigan ko sa sagot ko kaya umupo nalang ako sa pwesto ko at di sila pinansin pero talagang mausisang tao 'tong si Princess eh. Di talaga siya titigil hangga't di niya nalalaman ang gusto niyang malaman.

"Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Ezekiel Rodriguez? Sa pagkakaalam ko galit na galit ka don simula nung ipahiya ka niya sa cafeteria" sabi ni Princess na siyang kinakunot ng noo ko. Di siya pumasok nung araw na yon so paano niya nalaman?

"Ano ba naman yan, ang dami nyong tanong. Kanino mo naman nalaman yan, eh absent ka naman nung araw na yon" sagot ko at kumuha na ng matinong libro mula sa bag ko para magkunwaring may ginagawa ako. Pero talagang makulit sila eh.

Umupo na sila sa mga pwesto nila na siyang di naman kalayuan sa pwesto ko, napatingin nalang ako sa bintana at nakakita ng lalaki sa labas. May dala siyang gitara at nakaupo siya sa may puno.

"Nalaman ko kay Ritza, binanggit niya sakin sa chat nang magkausap kami nung gabing yon" sabi ni Princess at naglabas na din siya ng libro na gagamitin para sa next subject.

Napatingin akong muli sa lalaki sa labas at nakitang nagsimula na siyang tumugtog ng gitara niya, di ko makita ang mukha niya pero parang si Andrew ito.

Wow. He fulfilled his dream of being a guitarist. Nung mga bata pa kasi kami, tinuturuan na siya ng kuya niyang si kuya Andrei mag gitara pero di siya matuto tuto dahil maliit pa mga daliri niya but seeing how he's grown now?

He's way too different from the little guy I've known noon. I kinda miss him.

"Hoy kinakausap ka namin dito, babaita" biglang sabi ni Cencio na siyang nagpabalik ng atensyon ko sa kanila. Di ko na napansin ang sarili ko, nakatitig na pala ako kay Andrew habang nag gigitara siya. Di ko alam kung bakit pero nalulungkot ako pagnakikita ko siya. None of my friends now know about me and Andrew, mahirap na. Madadaldal din kasi sila ayokong magkaissue dito sa school. 

Drew's a different guy now. Way too different from the Drew I've learned to care for.

Nang ibalik ko naman ang mata ko sa bintana para muling tignan si Andrew, I saw his head tilted upwards as he strums his guitar. He looks like he's feeling every string he strums. 

And tagal kong di nakita si Andrew nang ganito kadedicated sa isang bagay kasi simula nang sumali siya sa grupo ni Ezekiel, naging iba na siya. I don't know if it's in the nice way but he's a lot different from who he was before. 

Then his eyes shifted to meet mine. His cold stare met my curious stare.

He's changed so much. And I don't have any idea as to why he changed like that all of a sudden.

Biglaan kasi ang pagbabago niya and I can't accept the fact that we'll never treat each other as brothers and sisters anymore.

He's changed. He's no longer the Andrew James that I knew.

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now