"Mel, ready ka na sa test natin sa next period?" Cencio asked while holding a tray of his favorite leafy meal. Mahilig sa vegetable salad si Cencio samantalang ako, yak. I picked a burger and juice. Both sitting on my tray.
"Don't tell us you stalked that Nel guy for two damn days, Mel" sagot ni Ritza. Half Chinese, half Filipino siya, mabait, maganda, maliit nga lang. Kumbaga sa grupo namin, she's the chick.
I ignored them and walked to our usual table hanggang sa napatid ako at nadapa. The tray landed on the floor along with my favorite juice. And napadapa ako.
Nakakainis, sino ba kasi yon?
Galit namang nakipagsagutan sina Ritza at Cencio dahil sa ginawa nila. Bwisit man ako at hinang hina dahil sa kahihiyang naramdaman ko dahil bigla akong tinawanan ng maraming tao ay pinilit ko paring tumayo. Mukhang naenjoy nila yung nangyari sakin.
Agad kong nilingon kung sino mang nangpatid sakin. At unang nahagilap ng mata ko ay si Mr. yabang. Wanna know why yabang tawag ko sa kaniya? Ang yabang niya kasi, ang lakas ng trip. Lagi ako ang napupuruhan kasi nerd daw ako.
Porke nakasalamin, nerd na agad? Di pwedeng malabo lang mata.
"Lampa!" pangaasar ni yabang. Inayos ko muna ang salamin ko para makita siya nang malinaw.
"Di siya lampa! gago wag mong pinapatid ang babae" sagot naman ni Cencio. Natawa lang si yabang sa sinabi ni Cencio.
"Hindi siya madadapa kung natingin siya sa dinadaanan niya eh, tapos rereklamo kayo?" Tyler said, isa sa mga kaibigan ni yabang.
"At baka nakakalimutan mo na nagmakaawa ang parents mo para lang maienroll ka dito" sabi ni yabang. "And anytime I can kick you out of this school"
He's right. Anak siya ng may ari ng school na pinapasukan namin kaya kala mo kung sino kung umasta tong unggoy na to.
"Hindi ako mapapatid kung di mo iniharang yang peste mong paa. Paputol mo yan" sagot ko sa sobrang inis ko. Napatingin ako kay Cencio, halata ang pagkahiya niya mula nung minention yung tungkol sa parents niya kaya di na siya nagsalita pa.
Nagtawanan naman sina yabang at yung apat niyang kasama. Kung di ako nagkakamali, sina Andrew, Abraham, Art pa yung ibang kasama. Ewan ko ba, famous kasi sila dito sa school na ito porke mayaman si yabang, kala mo kung sino na kung umasta.
Baka matanong nyo kung bakit ang lakas ng loob kong sumagot sa kaniya eh siya ang anak ng may ari ng school na ito. Okay, sige. Ganito yon. Let's just keep it short.
He's failing.
I'm a nerd.
You get my point? Ako ang tutor niya. Tbh, I would never want to tutor him kahit ngayon ko palang siyang nakikilala at nakakasama face to face. Noon, I only know him as the son of the owner of this school. Pero di naman ako nainform na demonyo pala tong aalagaan ko. Plus, I need some extra income din naman kasi for my dad's medicine. Kahit iba ang trato sakin ni papa, mahal ko parin siya. Kaya ayun, pumayag akong maging tutor ng demonyitong si Ezekiel.
Ang banal banal ng pangalan pero diablo kung umasta. Wisikan ko kaya to ng holy water? Tsk.
"Kasalanan ko bang di ka natingin sa daan? Apat na nga mata mo, di mo pa makita dadaanan mo" muling sabi ni yabang bago magtawanan ang lahat ng tao dito sa cafeteria. I was humiliated before in front of many people when i was in 7th grade. I was singing on a stage noon then suddenly my voice cracked, and everyone started laughing and booing at me. Telling me to get off the stage and just go home.
Ever since then, I never used my voice to anything. Di na ako kumakanta nor nakikinig sa favorite songs ko. Cause whenever i hear songs that i like, it reminds me of it. And i don't want to be reminded of it everyday of my life.
"Nerd!" agad akong napabalik sa reyalidad at nakita ko na naman ang pagmumukha ni yabang. Di ko napansin na sa kaniya pala ako nakatingin the whole time. Argh. Baka kung anong isipin niya, baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya. No way in hell am I going to secretly admire a guy like him.
"Don't tell me you like me nerdie" natawang sabi nung unggoy. Nagtawanan naman ang madaming tao dito at hanggang sa makita ko nalang na pinapalibutan na pala kami ng mga studyante dito.
"As if naman magugustuhan kita eh puro ka lang naman yabang!" nagsikantsawan ang lahat ng lalaki sa loob ng cafeteria, at nagalit naman ang mga fangirls nitong unggoy na ito.
"Bes, tara na" aya ni Ritza at hinila hila pa kami ni Cencio.
"Isusumbong kita kay Mr. Rodriquez!" matapang na sigaw ko na siyang nagpatahimik sa lahat. Nagsitanungan sa isa't isa ang mga studyante at nagbulungan.
"Sila ba?"
"Oh my god, her? Why not me nalang! Ang chaka chaka niyan"
"Di naman siguro ganon, alam naman nating lahat na di papatol si Zeke sa kaniya. Like duh, sino bang magkakagusto sa kaniya eh nerd siya?"
"Kadiri"
"Ezekieeeeel! Don't mind her. Ako nalang pansinin mo"
"Nagpapapansin lang yan kay Ezekiel palibhasa famous siya"At kung ano ano pang sari saring mga sinabi nila. Na kesyo ang pangit ko daw, di daw kami bagay, mukha daw akong mutsatsa at ang harot harot ko daw. Eh sila nga tong kung makadikit kay Ezekiel ay grabe tapos ako yung malandi at maharot? Puh-lease. I won't stoop down your level.
"Bes, tara na kasi!" pagmamadali ni Ritza at tuluyan na kaming hinila palayo ni Cencio sa cafeteria. Umalis ako don na may taong masamang nakatingin sakin, tatanong mo pa ba kung sino?
Si Mr. Ezekiel Rodriguez lang naman. Ang problema sa buhay ko. Feeling gwapo, mayabang. mapride. Bakit ba kasi nauso uso yang Meteor Garden na yan. Ginagaya tuloy nila. Feeling mga gwapo. Bwisit.
May isang mabait sa grupo nila though. Pota ang cliche na ng storya ng buhay ko pero, sige go.
He's Andrew. Naging kaklase ko siya dati nung grade 5 kami. Mabait siya, sobra. Pinagtatanggol niya ako pagnabubully ako kasi nung panahong yon, wala si papa. Sinasabi nila na nambabae na daw si papa. Hala ewan ko nga. But seeing Andrew now? He's so different from what he was before.He used to be sweet. he used to be so caring and kind but now, dahil sa pesteng Ezekiel na yan nagbago siya.
How i wish i could turn back time to the days where Andrew and I were still bestfriends.
But that's impossible.
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
De Todo"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...