s e v e n t e e n

4 5 0
                                    

"Akala ko ba no pets allowed dito dad?" 

 Aba 'tong mayabang na antipatikong 'to! Kala mo kung sino. If I know kulang lang sa aruga 'to kaya ganito ugali niya. Tsaka bakit ba ako nalang lagi pinagtitripan niya? Eh ang daming iba sa school.Palibhasa kasi natalo ko siya sa isang Quiz Bee noon nung 8th Grade kami. 

Matalino naman talaga yang si Ezekiel eh, nagbago lang for I don't know and I don't care reason. I actually don't give a damn about him. Kung bumagsak man siya kahit tinututor ko na, it wouldn't be my fault anymore. 

 "Ezekiel" pagbabanta ng boses ni Mr. Rodriguez. Tinignan naman niya ng masama si Mr. Rodriguez at muling binaling ang atensyon sakin. 

 "What do you want?" tanong ni Ezekiel sa daddy niya. Napakawalang galang naman pala nitong si Ezekiel kay Mr. Rodriguez. Nakakainis. Pasalamat nga siya, his father cares for him. Samantalang may ibang ama dyan na walang kapake-pakealam sa mga anak nila. Like my own dad. 

 "Sit down" tipid na sagot ni Mr. Rodriguez sa anak niya, agad din namang sumunod si Ezekiel at umupo na sa may tapat ko. Maya maya pa'y nagsidatingan na ang mga kasambahay, may dala dalang mga pagkain. Lechong manok, chicken, sinigang na hipon, at kung ano ano pa. I gulped at the sight of the food presented infront of me. 

Napatingin naman ako kay Ezekiel, his eyes were on me like I was his prey. 

"Go ahead iha, kumain ka" rinig kong sabi ng isang babae kaya napalingon ako. Isang magandang babae ang nakita ko, nasa likod ko lang siya kaya nagulat ako nang makita ko siya.

 "Sige po, Mrs. Rodriguez" sagot ko nalang nahihiyang ngumiti sa kaniya. Tumawa naman si Ezekiel at si Mrs. Rodriguez. 

 "Tita lang ako ni Ezekiel iha. Di ako ang kaniyang ina" sambit nung babae. Kamukha niya si Ezekiel ah... Ang gulooo! 

 "Ah.. ano pong itatawag ko sa inyo?" nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman siya sakin at sinabing: 

 "Tita Ace nalang iha" tumango naman ako sa kaniya at pinanuod siyang umupo sa tabi ni Mr. Rodriguez. 

 "Wala na akong gana" biglang sabi ni Ezekiel na siyang kumuha ng atensyon naming lahat. 

"I'll be upstairs" 

 "No, Ezekiel stay" sabi ni Mr. Rodriguez pero dahil sa sobrang tigas ng ulo ni Ezekiel, dumiretso parin siya paalis. Ano kayang problema non? 

 "Iha, kumusta naman ang pagtuturo kay Ezekiel?" tanong ni Mr. Rodriguez. Ngumiti naman ako't sinabing maayos naman ang lahat. Totoo lang naman kasi eh, kaso nga lang po Mr. Rodriguez ang yabang yabang po ng anak nyo. Lagi niya po akong pinagtitripan tapos sobrang landi din po ng anak nyo. 

"Kain ka iha" sambit nung babae kaya tumango naman ako at nagsimulang kumain kasabay sila. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang sarap ng kain ko sa bahay nila. 

"Kumusta nga pala si Ezekiel sa school? Is he still the same?" tanong muli ni Mr. Rodriguez. Naubo naman ako sa sinabi ni Mr. Rodriguez kaya agad akong inabutan ng tubig ni tita Ace. 

"Okay naman po si Ezekiel sa school, may progress na po ang deal natin sir" sagot ko sa mga ito na siyang kinangiti ni Mr. Rodriguez. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain para di na siya makapagtanong pa pero talagang curious si Mr. Rodriguez sa pinag gagagawa ng anak niya. 

"How about sayo, di ba siya nagiging salbahe o ano?" 

Jusko po Mr. Rodriguez, sobrang salbahe po niyan sakin. Nandyan na po yung itutulak niya upuan ko bago ako makaupo, mang babato ng libro at notebooks niya sakin, hahagisan ako ng pangbura sa blackboard kaya nauwi ako nang may mantsa sa uniform ko tapos nung nakaraan lang po nasira niya ang cellphone ko kaya wala akong magamit. 

"Ha?" muling tanong ko dito na siyang kinakunot ng noo nito pero di naman siya nagdalwang isip na itanong muli sakin ang tinanong niya kanina. "Ang sabi ko, kumusta ba si Ezekiel sayo. Di ka ba niya pinapahirapan sa school?"

"Hindi naman po sir. Maayos naman po ang anak niyo" 

Oha yan. Ezekiel, I saved your ass kaya you better treat me better. 

"Ah mabuti naman kung ganon si Ezekiel sayo. Ang weird lang ah, usually kasi iha nagbabackout na yung iba after one week. It's surprising that you hold onto the job" puri ni Mr. Rodriguez sakin. Tumango naman ako bago sumagot sa kaniya. 

"Kailangan ko po kasi ng pera talaga para ipagamot si papa" sabi ko nalang at tinapos na ang pagkain ko. Busog na busog ako ah. Wooo. 

"Pakitawagan nga pala iha si Ezekiel. He's upstairs" biglang sabi ni Mr. Rodriguez sakin. Tumango naman ako at tumayo na mula sa silya ko para pumunta sa direksyong tinahak ni Ezekiel kanina lang. 

Agad ko din namang nakita ang hagdan pataas. Talagang maganda pala ang bahay ng Rodriguez family. Di na ako magtataka kung bakit sobrang yaman nila. I started walking up the stairs para makapunta sa kwarto ni Ezekiel. 

Nakakita ako ng madaming pinto sa hallway.. alin kaya dito ang kwarto ni Ezekiel?

I began opening each door.. and when I opened a gray door. Nagulat ako sa nakita ko. I immediately covered my eyes upon seeing a guy changing his clothes. His abs and v line on full display. Oh my god. 

"What are you doing here?" biglang sabi ng lalaking nakita ko. I bit my lip and started walking out of the door but he pulled me back kaya napamulat ako. 

It's Ezekiel... 

"P-pinapatawag ka ni Mr. Rodriguez" di ko alam pero bigla nalang akong nautal nang makita ko siyang nakaganon. Ano bang problema sakin. I should be disgusted pero bakit ganooon. 

Siguro dahil first time ko makakita ng abs in person pero wow. He has nice abs, 8 packs yata yon. 

Tf Mel, what the hell are you saying? BE DISGUSTED OKAY????

"Oh, next time you should knock. Baka sa sunod di lang ito ang makita mo" ngisi ni unggoy sakin at agad akong binitawan. Dama ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang nerbyos at gulat na rin. 

Agad akong umalis ng kwarto niya, in shock of what happened.

Di yata ako makakamove on sa nangyaring 'to. I need to go home. 

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now