f o u r t e e n

15 6 0
                                    

"Hoy babae" automatic na napanguso ako sa narinig ko. Sino pa ba yung taong kinaiiyamutan ko, si Ezekiel Rodriguez lang naman. I didn't bother looking up to see him and his friends kasi alam kong lalapit silang lahat sakin. Katatapos lang ng klase and nauna na ang magjowang Ritza at Cencio kaya ito ako, naiwan magisa sa school dahil may inutos sakin ang Filipino teacher namin.

"Do talk miss" natatawang sabi ni Tyler na siyang tinawanan ng lahat. I fixed my glasses and looked at them. They're wearing their casual wear. All of them wearing sweatshirts along with their matching pants. All of them look handsome, except Ezekiel... para sakin. Ang yabang kasi bwisit.

"Busy ako, pumunta na muna kayo don sa room. Susunod nalang ako" sabi ko nalang while fixing the paperworks on the table. Pinapaasikaso kasi ni Ma'am Javier yun.

"Baka nakakalimutan mong binabayaran kita para turuan ako" sabi ni antipatikong unggoy. Inis kong binagsak sa table ang lahat ng papel na naipon ko sa mga kamay ko.

"Baka rin nakakalimutan mong ako ang incharge pagdating sa klase mo" matapang na sagot ko, natahimik nalang sila. Agad akong napatingin kay Andrew, I caught him staring at me but he looked away agad. I heaved a sigh and went on doing the same thing as before nang biglang binagsak ni Ezekiel ang kamay niya sa table na siyang kinagulat ko.

"I don't like it when people talk back to me, Miss Akkinawa" Ezekiel said with his face dangerously close to mine. Agad ko namang tinulak ang lalaki at umalis ako sa desk na yon. He chuckled at my actions at nakapamulsang tinignan ako.

"Actually we're here para ipagpaalam si Ezekiel kasi may party kaming pupuntahan" pagbibigay alam ni Abraham, the youngest of the group. Magkapatid si Abraham at Tyler but Tyler's older. Curious of how I know these facts about them? I observe them kasi and I did some research, asked few people about them too para lubos ko silang makilala.

"Party? At bakit naman ninyo isasama si Ezekiel eh alam nyong may tutor siya after class?" mataray na tanong ko sa kanila. Tinignan naman ako nang masama ni Ezekiel na para bang pinagbabantaan ako nito na kung ano mang sabihin kong di maganda ay malilintekan ako sa kaniya. Subukan naman niyang gumawa ng kalokohan sakin, susumbong ko siya kay Mr. Rodriguez.

"Hindi magpaparty si Ezekiel. He's staying with me" nag kantsawan naman sila at tinignan ang isa't isa nang nakakalokong tingin. Napatingin naman ako kay Andrew at agad nito akong iniwasan ng tingin. Ano bang problema?

"You're not the boss of me, nerdy" inis na pagkakasabi ni yabang sakin at tinignan pa ako nang masama.

"Suit yourself then, sasabihin ko nalang kay Mr. Rodriguez that you would not take your lessons for today" pananakot ko kaya nagbulungan yung mga kasama niya tas nagtawanan.

"You think this is funny?" halata sa mukha ni yabang ang pagkairita dahil sa kung paano ko siyang tratuhin. Aba syempre dapat malaman niyang di siya dapat naghahari-harian sa school na ito, na may tulad ko na makakaharap niya oras na gumawa siya ng di maganda.

"Di siya pwedeng magparty" diretsong sabi ko na siyang kinakunutan naman ni Ezekiel ng noo.

"I can party whenever I want" mapagbantang sabi nito sakin pero di ko siya pinansin. Ayokong mapahiya kay Mr. Rodriguez lalo na't pagbinagsak ni Ezekiel ang subjects niya. Ayokong isipin ni Mr. Rodriguez na madali akong sumuko sa anak niya. No way.

"Well, ayaw ka paalisin ni ma'am, kami kami nalang ang pupunta" Abraham laughed na siyang kinainisan lalo ni Ezekiel. Nagtawanan na din ang iba kaya wala nang nagawa si Ezekiel kundi sumunod nalang sa sabihin ko. Binagsak niya yung bag sa harapan ko at tinignan ako nang masama.

"Alis na kami pare, goodluck" sabi ni Art at nakipagkamay nalang kay Ezekiel na siyang ginawa din ng iba maliban kay Andrew. Pansin ko simula nang naging tutor ako ni Ezekiel, di na sila nagsasalitaan. I mean their bond lessened.

Umupo naman si Ezekiel sa desk ng arm chair na nandito after umalis ng tropa niya. Bawal yung pagupo sa desk pero dahil anak siya ni Mr. Rodriguez, nagagawa niya kung ano mang gustuhin niya. Which is unfair.

"You just want me alone with you, right?" rinig kong sabi ni Ezekiel at kahit di ako nakatingin ay alam kong nakangisi ang mayabang. Di ko nalang siya pinansin at patuloy na pinatas-patas ang mga papel na nasa lamesa.

Naramdaman ko naman ang pagtayo nito mula sa desk.

"C'mon I know you want us alone" mapang-akit na sabi ni Ezekiel at dahil sa sobrang inis ko sa kilos niya, humarap ako at nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na siya. He's dangerously close to my face again. I don't know if he's trying to seduce me or just playing around.

"Tigilan mo nga ako sa mga trip mong yan Ezekiel" inis na sabi ko bago ko siya itulak palayo. He even chuckled at my reaction.

"Then why the hell are you blushing?" agad akong napatakip sa pisngi ko nang sabihin niya yon.

What the hell is happening to me? I don't like him.

It's just that it's the first time someone got dangerously close to me. Aaminin ko, nagwagwapuhan ako kay Ezekiel but damn. I shouldn't. Kay Nel Nicholas lang ako.

"Mainit" pagkukunware ko pero langya, di effective. Nandun parin yung nakakaloko niyang tingin na para bang alam niya lahat ng sinasabi ko sa isip ko.

"Ha? Sorry. Di ko mapigilan eh" kindat ni Ezekiel sakin matapos kong sabihin na naiinitan ako sa paligid. Ito talagang mayabang na ito, saksakan ng yabang. Sarap itapon yung katawan sa pasig river eh, langya. Ang yabang yabang naman kasi.

"So let's start with--" simula ko but he interrupted what i was about to say.

"Let's start with you miss Akkinawa" sabi nung unggoy at umupo na naman sa desk ng arm chair habang tinititigan ako.

"What do you want to know?" i asked while shuffling through the pages. Ano naman kayang gustong malaman ni unggoy sakin. As far as I know, he doesn't care about me or anything. I'm just his tutor. 

"Are you still a virgin?" 

She Adores Mr. SellerWhere stories live. Discover now