Pagkauwi ko ay kagad akong dumiretso sa kwarto. Ilang araw din akong naging busy dahil every after class ay tutor ni yabang. Hirap na hirap akong turuan siya dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi pagtripan ako. Dyan na yung pagsipa niya palayo sa upuan paguupo ako, mamamato niya ng chalk, pang aasar sakin na bulag at marami pang iba.
No wonder walang tumatagal sa kaniya sabi ni Mr. Rodriguez. Ganito pala ugali ni Ezekiel.
Teka, bakit ko ba kinikwento yung mayabang na yon sa inyo eh bwisit naman yon.Makapagaral nalang nga.
Agad kong binaba ang bag ko sa kama at nilabas ang mga gamit ko para masimulan ang assignments and requirements para sa kinabukasan. Ilang minuto pa ay nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Di ko naman pinansin yon dahil may ginagawa na ako. Nagkukumpleto na ako ng activities ko. Naghahabol ako para sa 3rd Grading period dahil nung 2nd ay lagi akong iniexcuse ni Mr. Rodriguez para sa kaniyang anak.
Ezekiel and his friends don't show up to class, may sarili silang classroom na yung selected teachers lang ang makakapagturo sa kanila. Like me, hinahandle ko si Ezekiel everyday after class. Ni hindi na nga ako nakakapagpahinga eh. Lagi nalang akong nandun sa school para turuan siya.
Perks of being a top student.
Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng research papers ko at paghahanda sa group presentation namin for tomorrow nang biglang nagvibrate na naman ang phone ko, kasabay nito ay ang pagring ng phone ko. Di na ako nagabalang tignan pa kung sino ang natawag, basta ko nalang sinagot yung tawag ng kung sino man ito.
"Hell—"
"SIIIIIIIIIS" mabilis kong nailayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil baka mabasag eardrums ko.
The heck, ate Stace kalma. What got her so excited anyway?
"Oh? Anong meron at napatawag ka?" tanong ko. Siguro nakapasok na siya dun sa model model chuchu na yon.
"Nakapasok ako sa Demnon Entertainment!" sabi na nga ba eh. Noon pa man hilig na ni Ate Stacey ang pagarte at pagmomodel kaya sobrang saya nalang niya dahil nakapasok siya.
"Congrats ate!" bati ko na may ngiti sa labi kahit di niya ito nakikita. I'm really happy for her though. She got what she deserve. She's always been a good sister to me so she definitely is worthy for the part.
"Dad said after ko makuha sa Demnon, papaparty daw siya para sakin" sabi niya at bakas sa boses niya ang saya. Ngumiti nalang ako at tumahimik. Hinayaan ko nalang siyang magkwento nang magkwento tungkol dun. And btw, sa Canada ang Demnon Entertainment. Nagkataon lang na dito sa Philippines naghahanap ang judges para sa modeling category. Lumuwas pa si ate Stace sa Manila para makapagaudition and she got it. I'm so happy for her.
Maya maya pa'y nagpaalam na din siya at kakausapin pa daw siya ng manager niya kaya bumalik nalang ako sa paggawa ng activities ko at assignments. Tapos may group presentation pa kami tomorrow, I need to study before I perform. Then my phone vibrated along with the ringingtone. Agad akong napabaliktwas sa pagkakaupo ko nang makita ko kung sino ang natawag.
'Mr. Rodriguez calling...'
Whooo! Leo calm down. Di ka makikick out, okay? He won't do that kasi ikaw ang tutor ng anak niya. Ng salbahe niyang anak! Bwisit!
"Sir?" panimula ko. "Sir I'm reall--"
"Leo can you come over, we have business to talk about" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nalaman niya kaya? Shit. Leo ang tanga tanga mo! Why would you do that to someone like Ezekiel. bwisit ka. patay ka ngayon!
"S-sure Mr. Rodriguez" utal na sagot ko bago ko ibaba ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako sa maaring mangyari. Maaring makick out ako sa school. I can't bear with that. Graduating pa man din ako.
Minsan kasi akong nakaganti sa pagpapahiya niya sakin sa cafeteria noon. I slapped him with a paper plate filled with spaghetti kaya ayun...
Baka nalalaman na ni Mr. Rodriguez ang ginawa ko.
Lord, help me.
Agad akong dumiretso sa banyo para makapagayos na agad ako, at makapunta sa bahay ni Mr. Rodriguez. Actually naeexcite ako kasi first time kong makakatungtong sa bahay nila. I just hope that Ezekiel's not home when i go there.
After wearing my casual wear, I ran downstairs to get my shoes.
"Ate pasaan ka?" tanong ni Gabi at nakita ko siyang kumakain nang di ko alam kung ano. Lemme guess, it's peanut butter and bread. His fave.
"I'm meeting Ritza" sagot ko habang pinipilit ipasok yung paa ko sa sapatos ko. I heaved a sigh when my foot slid in.
"Sama ako" sabi niya but i shook my head at him.
"Di pwede baby bro, walang magbabantay dito sa bahay. Go watch tv or something while I'm gone okay?" he frowned at me but nodded his head. "Lock the doors, close the windows" dagdag ko pa.
I rode my motorcycle to the address Mr. Rodriguez sent me. And as expected. Giant gates vs. Small girls.
"Nasa kusina po si Sir" sabi nung ale at hinatid nga ako sa kusina, kung san nandun ang amo nila. Agad namang ngumiti si Mr. Rodriguez sakin nang makita niya ako.
"Good afternoon sir" bati ko. Tumango naman ito sakin bilang pagbati.
"Take a seat" sabi pa nito, so I did.
"Amelia, pakitawag si Kiel. Tell him he has a visitor" nanlaki ang mata ko nang sabihin ni Mr. Rodriguez yun sa isang maid na brown ang buhok. Agad namang umalis ang maid at umakyat sa hagdanan.
"I would like you to be my son's personal assistant, knowing that you are a very responsible woman. I hope this changes his attitude towards other people. Mabait kang bata, iha" sabi nito.
"At mahaba ang pasensiya mo. It's been 2 weeks. Normally, pag nakaone week ang isa sa nahihire ko umaayaw na agad sila"
What?! Two weeks ko nang tinuturuan si Ezekiel? Bakit parang ang bilis? Wao. So two weeks ko palang di nabisita ang timeline ni Nel?! No fucking way!
"Sir, nahihirapan din po ako sa ugali ni Ezekiel eh. Kailangan ko lang po talaga ng extra income at pang gamot para kay dad kaya ko tinanggap tong offer nyo" I politely said to the middle aged man.
"I know iha that's why I'm helping you, but you have to help me too" sagot niya.
"Wait, what is she doing here?" Mr. Rodriguez and I turned our heads to meet Ezekiel. Kakagaling niya palang sa stairs. He looked at me from head to toe kahit nakaupo ako.
"Akala ko ba no pets allowed dito dad?"
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...