"Are you that stupid to not know that I was talking to you?"
ANG KAPAL MONG KUPAL KA HA. AKALA MO GUSTO KONG PUMUNTA DITO ASDFGGHJKL. KUNG HINDI DAHIL SA PAPA KO DI NAMAN KITA TUTURUAN ANO!
"Tumahimik ka nalang dyan and let's start" sabi ko at agad na nilapag ang bag ko sa table na malapit. I started pulling out textbooks from different subjects na siyang aaralin namin for today.
We started out with Math kasi dun siya bagsak talaga. I had him memorizing the formulas and then yung sa pagsosolve na din.
"Bakit ba kasi kailangang hanapin si X" inis na sabi nito at agad na tinapon yung ballpen.
Jusko po lord, give me strength to kill this lad infront of me. Nakakainis na eh.
Tumayo nalang ako at pinulot yon para ipatong ulit sa table niya.
"Tapusin mo yan" sabi ko kaya binalik niya ang atensyon niya sa libro at sa notebook niya.
Habang nagsasagot siya ay binuksan ko muna pansamantala ang cellphone ko para macheck ang messenger ko. Kung may nagmessage ba or something. Hanggang sa nauwi ang lahat sa pangs-stalk kay Nel ulit, pagsasave ng pictures niyang latest at pagcocomment sa photos niya.
"Di ka binabayaran ni dad para landiin yang nasa screen mo" biglang sabi ni Ezekiel habang nasa libro ang atensyon niya.
Nakoo!!! Ang sarap batukan! Iuntog kita sa lamesa eh.
"Bakit ba eh nagsasagot ka pa naman" inis na sagot ko pero biglang binato niya sakin yung notebook niya, buti nalang nasambot ko. I immediately checked his work and to my surprise....
He got it all wrong.
So I had to explain everything to him again, from top to bottom para next time ay okay na ang sagot niya. I taught him how to substitute, find the x.
"Yan tapos na" at muli na naman niyang hinagis ang notebook niya sa akin.
"Can you not throw me your notebook!" inis na sabi ko dito bago icheck muli ang mga sagot niya and this time, it was better than the first one.
"Let's move on to science, shall we?" sabi ko at nilabas ang science book ko. Puro discussion lang naman ang ginawa ko. Basa-explain-basa-explain. Walang katapusang kakaexplain kasi hindi niya magets kaagad.
Inabot din kami ng alas quatro ng hapon. At nang matapos ko ang pagtuturo sa kaniya ay agad kong niligpit lahat ng gamit ko at akmang aalis na ako ay tinawag ako ni unggoy.
"Missing this huh?" bigla niyang pinakita sakin ang cellphone ko. It was not locked so he can clearly see everything in my chatbox. Even Nel's! Oh my god!
"Akin na yan, Ezekiel!" inis na sambit ko at agad na binaba ang bag ko mula sa pagkakasakbit nito sa balikat ko. Tumakbo ako papalapit sa kaniya pero tinaas niya ang cellphone ko.
"Ezekiel!" galit na sabi ko at pilit ko paring inaabot ang cellphone ko. Argh! Akin na kasi!
I had no choice but to hit his stomach para maibigay niya sakin yung phone, and it worked.
I immediately checked Nel's chatbox...
and to my surprise...
Fuck man.
'sjcidnciekksojs isjebdi' was sent to his account.
"Argh! Nakakainis!" I said aloud then dragged my bag out of the room with my eyebrows meeting together.
"When will be our next tutor day?" I didn't mind his call and just stormed out of the school to get to my motorcycle.
"Wow. You ride motorcycles?" di ko siya pinansin at agad na umupo sa motor ko, naghelmet na din habang nakasakbit ang bag ko sa likod ko.
At pinaharurot ko na ang motor ko paalis ng school na yon.
Damn I hate school and everyone in it.
-
"Oh, bakit nakabusangot yang mukha mo anak?" tanong ni mama pagkadating na pagkadating ko mula dun sa pesteng school na yon.
I checked my watch.. 6:54 na pala.
Hay nako, kung alam mo lang ma. I had to deal with a devil for 9 hours. And I don't want to deal with him anymore. Okay, let's say that he's a fast learner oo. Matalino naman siya eh. Bakit di nalang siya magself study diba?
"Wala po ma. Pagod lang po ako" sabi ko nalang at binaba ko na ang aking bag sa sofa tapos umupo ako rito.
"Kumain ka na ba?" tanong muli ni mama. Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti.
"Hindi pa po ma eh. May luto na po ba?"
"Oo, nagluto ako ng sinigang. Diba paburito mo yun?" ngumiti nalang ako at tumayo para yakapin si mama.
She's one of the best persons I know. She's just... amazing. There's no right term for it than her being perfect as a mother.
"Kain na tayo" sabi niya kaya sumunod nalang ako sa kaniya para kumain na din.
"Si papa po?" kahit papano nagaalala din ako sa kaniya. Syempre ama ko siya eh.
"Ayun, bagsak sa kama sa sobrang pagod kakabasketball nila ni Gab" tawa ni mama habang pinagsasandok niya ako ng ulam.
"Ah. Ang saya naman" mahinang sabi ko.
"Hi maaaaa!" bati ng isang babae mula sa likod ko, I turned my gaze at her and saw that she's handling a lot of bags in her hands. Oo nga pala, binigyan siya ni papa ng pera para maipang shopping niya.
Ate Stacey kissed mom's cheeks and pinatong niya yung bags na yon sa seat niya.
"Kumusta ang pagshoshopping nak?"
"It was a blast ma. I invited Jessica and Yvanna to come with me kaya ayun, ang saya ma" sabi nito.
"Nga pala, since I'm a very generous ate, I bought you some clothes too" she said while fishing through her stuffs, para siguro hanapin yung binili niya para sakin. "Ah, where is it... ah here!"
Nilabas niya ang isang sky blue na dress that has a strap on one shoulder, with the other shoulder bare. I immediately gave her a disgusting look.
There's no way in hell that I'm going to wear that somewhere.
"Oh don't make that face sis, bagay 'to sayo" sabi niya at nilapag na ito sa table.
After showing some of the things she bought, dumiretso na si ate sa room niya. Probably to take a bath or something.
Mabilis lang din kaming nakakain ni mama. Nagtanong tanong lang din siya sa mga pinaggagagawa ko sa school kanina and as much as i didn't want to do it, I had to lie.
Someday I'll find the courage to tell them that I've been working for Mr. Rodriguez.
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...