I walked inside the house and met my mom. Kakatapos lang ng klase. Wala naman kaming gaanong ginawa, puro activities lang tapos assignments na ipapatake home.
"Kumusta ang school anak?" tanong ni mama after kong magmano sa kaniya.
"Okay naman po ma, medyo hassle lang po kasi puro activities ang pinapagawa tapos madaming take home activities" sagot ko tapos binaba ko pansamantala ang bag ko sa sofa para maayos kong makausap si mama.
"You can you do it anak, ikaw pa" pagchicheer sakin ni mama. One of the best things she said to me, lagi niya akong chinicheer kaya I really love her so much. Tuwing nadodown ako at nahihirapan, lagi siyang nandyan. One of the persons I can't live without si mama.
"Salamat po" ngiti ko dito, habang hinahagod niya ang likod ko. Like she normally do pag nahihirapan na ako. Sobrang bait ni mama.
"Nga pala, may niluto ako don. Yung paborito mo anak" sabi nito. Umiling nalang muna ako.
"Mamaya nalang po ako kakain, busog pa po ako. Tsaka magaaral muna po ako pero kakain din po ako mamaya" sabi ko, tumango naman si mama sakin at ngumiti. "Yan pa? Luto mo yan ma eh, di ko palalampasin yan" biro ko pa.
"Hay nako, bata ka talaga. Sige na, magaral ka na dun" sabi ni mama kaya umakyat na ako papunta sa kwarto, leaving her to go to the kitchen to do something probably to clean there.
"Hay buhay" nasabi ko nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong nilapag ang bag ko sa may study table ko then i threw myself to my bed. The black colored bed sheets eating me whole.
I need to study. No stalking muna kay Nel. Kailangan kong maghabol. I gotta catch them all. Char, anong icacatch ko? HAHAHA.
Ang dami kong kailangang gawin, tapusin, ipasa. In short, kailangan kong pumasa. Lalo na sa math teacher namin, si sir Vox. At dahil nasa bahay na ako, sunod sunod na messenger tone ang narinig ko mula sa cellphone ko.
Hays, i need to focus on my studies muna ano ba.
I pulled my phone out of my uniform's pocket then placed it on the bedside table. Kailangan kong magfocus. And to focus, i need to discipline myself.
Bumangon na ako sa kama ko at umupo sa may study table para makapagsimula na ako sa gagawin ko. Carefully, i picked out the best books I have kung san ako medyo nahihirapan at kung san ako madaming activities na gagawin. I'm kind of failing na kasi so I need to really focus on my studies nowadays.
After pulling the books out of my bag, i placed them on the bed side. I started folding pages from it para madali kong mahahanap ang mga sasagutan ko. Kailangan ko na kasi ipasa yung iba tomorrow then kailangan ko din gumawa ng script para sa short roleplaying namin tomorrow. Ako pa man din leader don.
Minsan alam mo nakakapagod din maging nerd. Ikaw nalang lagi aasahan sa lahat, laging ikaw sa ganito sa ganiyan. Hay nako. Minsan naisip ko, what if i was just an average student? It would be better siguro.
AND I WOULDN'T HAVE TO DEAL WITH EZEKIEL RODRIGUEZ, THAT'S FOR SURE!
I began answering the pages I folded then nagadvance reading na din ako nang konti para naman may alam ako sa next lesson namin.
Time check: 5:35 pm
Tapos ko na ang Science, Math, Mapeh...
All of a sudden, I found myself staring at my phone which is silently resting on the bedside table. I bit my lip and stopped myself from grabbing it to stalk on somebody else's timeline.
It's hard trying to stop yourself from doing something you love to do. Argh.
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa paggagawa ng written works para sa Filipino subject namin, kasi kung magcecellphone man ako for something. I should finish my homeworks first.
After finishing everything, I happily jumped to my bed then grabbed my phone from the bedside table.
Stalking timeeeee~
Agad kong inunlock ang phone ko at agad na bumungad sakin ang picture niya na siyang home screen ko. Hay... kailan kaya ako mapapansin ng taong 'to.
I started saving photos and videos from his account. Aba syempre, para pagnadadown ako may mapapanood ako at matititigan. Madalas kasi akong nadadown sa buhay kaya i need something to cheer me up and this guy?
He unknowingly does the job for me.
Nagscroll ako nang nagscroll sa kaniyang photos, nakita ko yung mga dati niyang photos from when he was kinda chubby. Ang cute cute niya, what made him work out a lot kaya? Girlfriend? Does he have low self esteem dati?
I checked my phone's time and saw that it was already 8:24. Nagugutom na ako.
"Ate, kakain na daw" rinig kong tawag ni Gab mula sa labas ng kwarto ko. Sakto.
I gently placed my phone down my bed and jumped off my bed para makalabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Gab sa labas, a 5'4 foot tall teenage boy in the age of 14. Quite tall, huh?
He was not himself. Usually he's cheerful and playful but now? I see no playful Gabby infront of me.
"Hey, may problema ba?" he shook his head tapos nauna na siya na bumaba sakin like I wasn't there at all. Ano kayang problema non?
Sumunod nalang ako sa kaniya at agad na natigilan nang makita ko ang isang lalaking nasa 40s niya na nakaupo sa kabisera ng hapagkainan. He was wearing his office uniform, probably got out of job. His facial expression changed when he saw me, he turned serious.
Agad akong lumapit dito at nagmano.
"Good evening dad" bati ko, tumango naman ito at umiwas ng tingin sakin after kong magmano. He's always been this way kaya di na bago sakin to pero alam mo yung pakiramdam na kahit ganito naman lagi, may kirot parin sa puso ko na di mawala wala.
Umupo nalang ako sa usual seat ko and so was Gab. I saw how dad stared at Gab..
He was happy. Unlike when he was staring at me.
YOU ARE READING
She Adores Mr. Seller
Random"You're ruining my life, can you please leave me alone. You only know me from that poser guy you met, but you don't know a single damn thing about me" he replied. "I know. I'm sorry" she said under her breath and then she started crying. "But I sti...