Prologue

31K 436 100
                                    

"What the hell, Hailey. How many times do I have to tell you to stop bothering me? Can't you see, hindi pwede ang gusto mong mangyari. I am your teacher and you're my student for Pete's sake! So why the hell are you still pushing it? What you're doing is too selfish. It's not all about you and your happiness. I don't like you and I never will so, please, stop. Stop expecting something from me because I like someone else. Let go and get lost."

Nag-unahang pumatak ang mga luha ko dahil sa binitawang mga salita sakin ni Maam Mandy. Ayokong makita nya'kong umiiyak sa harapan nya, ayokong makita nya'kong nasasaktan ng ganito nang dahil sa kanya. Pero anong gagawin ko? I can't help it. I am hurting so bad because I love her. And hearin those words from her breaks my heart. Pero bakit kailangan nyang ipamukha sa'kin na hinding-hindi nya ako magugustuhan, bakit kailangan nyang ipangalandakan sa mukha ko na wala akong mapapala sa kanya? She hates me that much, huh?And what? Selfish? Hindi na nga ako nagtitira para sa sarili ko. Ubos na ubos na ako. Kahit kelan never ko inuna ang sarili kong kaligayahan at kagustuhan. Paano nya nagawang sabihin sa'kin ang mga katagang yon?

"Ung mga pinapakita at pinaparamdam mo sakin these past few days, ung paghalik mo sakin, ung pagiging sweet mo sakin? Anong ibig sabihin non? Wala lang ba'yon? Ginawa mo ba yon kasi trip trip mo lang? Putek na trip yan, Maam mandy? Pinaglalaruan mo ba ako? Pinaglalaruan mo ba yung nararamdaman ko? Kasi kung oo, nagmamakaawa na ako sa'yo na itigil mo na. Kasi maam hindi ko na kaya, nasasaktan na ako ng sobra. Halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita kang masaya sa piling ng taong mahal mo talaga. Sabi nila kung mahal mo daw talaga ung isang tao, palalayain mo sila at hahayang sumaya kasama ung taong nakakapagpasaya sa kanila. Pero hindi ba pwedeng ako nalang ang magbigay ng kasayahang hinahanap mo? Hindi ba pwedeng ako nalang ang kasama mo sa mga bagay o pangyayari na makapagpapasaya sayo? Bakit kasi di nalang ako Maam Mandy?

I can't believe I am saying these words. I am so desperate. 

Tumigil ako sandali sa pagsasalita para punasan ung mga luhang walang tigil sa pagtulo.Hindi ko mabasa ang ekspresyong pinapakita ni Maam Mandy, pero gusto kong maawa sa sarili ko ngayon dahil halos magmakaawa na ako sa kanya mahalin nya lang ako.

Nung bata ako, palagi kong sinasabi sa sarili ko na never akong maghahabol sa lalaki. Pero eto ako ngayon, babae ang hinahabol. Palagi ko ring sinasabi na never ko  silang iiyakan dahil kung gusto nilang umalis, edi umalis sila. Pero iba pala talaga kapag nagmamahal, nagiging tanga. Kahit na gusto mo na mag give up o mag let go dahil nasasaktan ka na, hindi mo parin magagawa kasi nga mahal mo sila.

Ito ang kauna-unahang pag kakataon na sasabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Kasi kahit kelan never ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako. Palagi kong ipinapakita na ayos lang ako, malakas at masaya ako. Pero ang totoo durog na durog na ako.

"Natutuwa ka ba ngayon kasi nakikita mo'kong nagmamakaawa sa hararapan mo para mahalin lang ako? Pero Maam Mandy ano ba kasing gagawin ko? Nahulog na ako sayo ng tuluyan e. Pinigilan ko naman kasi alam kong mali, pero hindi kinaya ng powers ko. Pero alam mo maam? I'll never say sorry for falling in love with you. You know why? Because that is one of the happiest moment of my life. Ung makikita palang kita, mapapangiti na ako, buo na ang araw ko. Happiest yet most painful memory of mine. Pero sige, hindi ko nanaman ipipilit ung sarili ko sayo. I'll let you happy without me."

Masakit man para sa'kin itong naging desisyon ko ay pipilitin kong panindigan ito. Wala din naman akong magagawa kung ito ang gusto nya. Kung ang gusto nya ay mawala ako sa buhay nya. Ang hirap naman ipaglaban ung isang tao kung sya mismo ay hindi magawang lumaban kasama ka.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas ng room namin. Gosh, this room was full of different memories. 

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko nanaman ang pananakit ng dibdib ko. Matinding pagkirot ng dibdib at hirap sa paghinga ang naramdaman ko.  Unti-unting umiikot at nagdidilim ang paligid. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang isang mukhang punong-puno ng pag-aalala.

My Strict Professor Where stories live. Discover now