Chapter 3: Can't get over you

30 2 0
                                    

Habang hinihigop ko ang soup hindi mawala sa isip ko si Shone. Kaya agad akong nagpaalam kay Nanay na sa kwarto na ako. Tinext ko kagad ang mga kaibigan ko.

To:Sandy&Shalene

Girls, hindi kayo maniniwala hinatid ako ni Shone sa bahay.

Sent.

From:Shalene

Talaga?Bakit?

To:Shalene

Sha, bukas ko na lang ikukwento nandito doc ko. Sige bye.

Sent.

Agad kong binaba ang phone ko at pinuntahan ako ng aking doctor. Chineck up nya ako at tsaka bumaba na. Ok lang naman daw ako siguro sa pagod lang at init iyon. Pero kailangang mag-ingat pa rin ako.

Kinabukasan ay agad na tinanong ako nila Shalene at Sandy.

“Oy, babae. Anong nangyari bakit hinatid ka ni Shone?”tanong ni Sandy.

“May nasalubong akong aso kahapon at muntik na akong masagasaan tapos niligtas ako ni Shone. Tapos bigla akong hinimatay.”

“Hinimatay?Bakit?” tanong ni Shalene.

“Oo, sabi ni doc pagod at init daw yun.”

“Ayos ka na?”pag-alalang tanong ni Sandy at Shalene.

“Oo, naman. Grabe di ko makalmutan si S----.”

“Luka, tumigil ka nga dyan.”sabi ni Shalene na may kasama pang batok.

“Aray naman.”

“Tigilan mo nga yang iniisip mo. Di ba ika na nagsabi na malayong maging close kayo ni Shone. And I’m just a teenage dirtbag, Baby!” pang-iinis ni Sandy.

“Ang nega nyo naman. Malay mo magkaroon ng magic, twist of fate? Walang imposible.”

“Wow ha. Parang dati ikaw na ang nagsasabing malayong mangyari yun pero anyare Sunny?”tanong ni Shalene.

“Tara na nga sa baba. Magpa-Flag Ceremony na,”yaya ni Sandy.

Natapos ng maaga ang F.C. dahil humamog at nung paakyat na kami sa room ay biglang sumulpot si Shone.

“Ok ka na ba?”

“Ahhhh. Oo,ok a ako.”

“Mabuti naman. Ingat ka na lang palagi ha. Bye.”

Pinansin nya ako. Waaaahhhhhhhhh!

“Ano kayong dalawa? Di ba papansinin na nya ako. Bleh!”

“Hay naku, bahala ka. Basta wag ka lang masyadong lalanggoy ng malalalim baka malunod ka,”paalala ni Shalene.

“Promise, at wag nyo kong pababayaan ha. Wag kayong mabubutas,”tugon ko.

“Promise!”sagot ng dalawa.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon