Chapter 12: Farewell Party

21 3 0
                                    

Sunny’s POV

Bakit ang tahimik ng phone ko sa araw na ito? Hindi pa nagte-text yung dalawa. Bakit kaya? Hay naku. Maka-uwi na nga lang. Pero bibili muna ako ng Frappe. Uuwian ko sila Nanay.

(Sa labas ng bahay nila)

Hay. Naka-uwi rin. Lagi na lang traffic sa Pilipinas kalian kaya mauubos yun.

Pagkabukas ko ng gate namin ay may biglang sumalubong sa akin na music. Wohooo. 1D... Fangirl mode on. And we dance all night to the best song ever... Pero sino nagpatugtog? Ako lang naman nagpapatugtog sa bahay nun. Si Nanay kaya? Hindi naman si Tatay kasi Beatles ang gusto nun. Hay, bayaan mo na nga makapasok na lang sa loob.

SURPRISE!!! :) :) :)

Totoo ba ito? May party sa bahay para sa akin? Grabe nagulat talaga ako dito. Kumpleto lahat ha. Pati favourite kong pagkain ko nandito. Agad-agad lumapit sa akin sila Shalene at Sandy at inakap ako.

“Ba-bye na Sunny,”bulong ni Sandy na medyo garalgal.

“Ano ba wag kang umiyak,”sabi ko habang yakap sila.

“Hindi ko mapigilan eh,”patawang sabi ni Sandy.

“Goodluck pag nandoon ka na ha. Ingat ka dun,”sabi naman ni Shalene.

“Oo naman. Thank you talaga dito ha,”sabi ko naman.

“Nagsisimula pa lang ang party,”singgit ni Darwin habang papalapit sa amin.

“Uy, nandito rin pala kayo. Thank you talaga,”sabi ko.

“Wala iyon. Tara party-party na tayo,”singgit naman ni Jason.

Nagkainan kaming lahat at nandoong maalala naming lahat ng memories. Nandyang umiyak kami pero sandal lang kailangang i-enjoy ang party na ito. Nandyan din sila Nanay na sumisingit-singgit pa. Mas lalo tuloy mami-miss ang Pilipinas dahil nandito ang mga kaibigan ko. Mga limang oras na kaming nagpaparty at kala tapos na. Hindi pa pala.

“At di pa dyan nagtatapos ang lahat. Sunny, para sa’yo,”sabi ni Shalene sabay abot ng isang box.

“Nag-abala pa kayo dito. Ano kaya laman nito? Ang laki ha!” pang-uusisa ko.

“Buksan mo na anak,”sabi ni Tatay.

“Buksan na yan!Buksan na yan!”giit naman ni

“Ito na...WOW! Thank you dito. May masusulatan na naman ako nito,”nakangiting sab ko.

“Oo nga kulang na yung mga notebooks mo sa mga poems at stories mo eh,”sabi ni Nanay.

“Oh, ako naman,”sabi ni Jason.

“Meron din kayo?”tanong ni Sandy.

“Syempre pwede ba kaming mawalan. Madaling madali nga kami kahapon eh,”sabi ni Darwin.

“Ah, kaya ba hindi mapakali Darwin,”tanong ni Shalene.

“Oo,” singgit ni Jason.

“May masakit pa ang tiyan mo ha. Bakit di mo na lang sinabi na bibili ka rin?” tanong ni Sandy.

“Nakasama tuloy kami sa inyo,”sabi ni Shalene.

“Eh hindi na surprise yun,”sabi ni Darwin.

“Sobra-sobra na toh ha,”pasasalamat ko ulit.

“Wala yun,”sabi nila sabay-sabay.

“Paano mo to nakita? Ahhhhh. Salamat talaga,”sabi ko habang nagtatatalon.

“Sa National. Naghanap talaga ako nyan kasi di ba naubusan ka nyan. Kaya ayan na ang "At First Sight" mo,” kwento ni Jason.

“Oh, ako naman ngayon,”pangunguna ni Darwin kay Sandy.

“Sige lang,”sabi naman ni Sandy.

“WOW. Thank you! Thank you! Prepare na ko sa future ko. Ang dami ko ng mababasa dun,”sabi ko habang tinatapik si Darwin.

“Ah, wala iyon. Alam kong kakailanganin mo iyan at alam kong mahilig ka sa mga libro. Meron din dyang puzzlebook,”sabi ni Darwin na medyo namumula.

“May kinikilig dito di ko sasabihin,” panunukso ni Shalene.

“Baka pumutok ka na dyan sa pula ha! Anyway. Last but not the least ito na ang regalo ko,” p=sabi ni Sandy sabay abot ng gift nya sa akin.

“Ahhhhhh. Yesssssss! Meron na rin ako nito. Guys di nyo alam kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Kahit alam kong magkakahiwa-hiwalay tayo ay masaya pa rin ako dahil sa party na ito, sa gifts at sa inyong mga kainigan ko,”pasasalamat ko.

“Wala iyon,”sabi ni Sandy.

“Oh sya Group Hug na lang tayo,”pangunguna ni

GROUP HUG

*FLICK FLICK*

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon