Chapter 23:Maybe It's You

22 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at nasanay na sila Sunny sa London. Nagpasya ang Mommy niya na magtinda online kasi wala naman daw syang gagawin dito. Ang Daddy naman niya ay nagsisimula na sa trabaho at ayun laging may paper works. Last week na ng bakasyon ni Sunny at sa isang araw na ang start ng klase niya. sa mahigit isang buwan na nila dito ay nakabisado na ni Sunny. Nakahanap na rin ng bahay ang Daddy niya at mas malapit ito sa papasukan niyang school. At si Darwin ang masugid nyang manliligaw ay patuloy pa rin sa panunuyo.

SUNNY’S POV

“Anak, may tawag ka,” tawag sa akin ni Daddy habang nagsusulat ako sa journal.

“Pababa na po.”

Si Darwin tiyak yun. Nung mga nakalipas na mga araw nga pala ay nagsimula ng manligaw sa akin yun. Act?”ually, simula nung kinausap ako ni Mommy. Araw-araw tumatawag sa bahay para lang mangamusta at si Mommy at Daddy naman tuwang-tuwa. Pero infairness mas naging close pa kami ni Darwin at medyo di na sya nang-iinis pero medyo lang.

“Hello.”

“Hello Sunny. Kumusta na?”

“Ok lang naman. Ikaw?”

“Ok lang din. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa eh. Kagigising ko lang.”

“Naku baka may tulo laway ka pa ha.”

“Epal ka talaga. Eh, ano naman ngayon kung meron nga!”

“Wala lang. Sorry na po.”

“Yun naman pala eh. Ikaw di ka pa rin nagbabago.”

“Bakit po boss? Gusto mo magbago na ako?”

“Eh, hindi. Ok yung ganyan ka lang. Uy, bagong gupit ka ha.”

“Paano mo nalaman?”

“Sa fb. Nagpost si Shailene. Daya nyo nagstarbucks kayo.”

“Ayos ba yung gupit? Wag ka mag-alala pag-uwi mo dito araw-araw kitang dadalin dun.”

“Ayos na ayos. Talaga? Promise yan ha.”

“Oo naman basta para sayo lahat gagawin ko.”

“Wow naman. Sweet.”

“Thanks Ice- cream.”

“Ice-cream?”

“Ice-cream ang itatawag ko sayo at Donut ang itatawag mo sa akin ha.”

“Corny mo!”

“Kumain ka muna pala baka pumayat ka eh. Sige bye Ice-cream.”

“Bye Donut!”

Loko talaga yung lalaking yun at ang corny pa. Pero cute ng ice cream. Hahaha. Sa sobrang sipag talaga ni Darwin na manuyo sa akin ay medyo bumabalik na naman ang dati kong feelings sa kanya. Yes, crush ko sya dati at ganun din sya kaya lang nawala sa di ko alam na dahilan. Kahit na malayo ako sa kanya ay nagpapadala sya ng flowers. Yung gif nga lang. hahaha. Malapit na rin pala ang pasukan nila at Medicine ang kinuha nya para daw related sa akin.

“Kumusta na si Darwin?” tanong ni Tatay.

“Ayos naman po.”

“Mukhang happy ending na yan ha,” tukso ni Mommy.

“Hahaha. Aalis nga po pala ako mamaya.”

“Saan ka pupunta?” tanong ni Mommy.

“Sa Mall po. Bibili ako ng gamit sa school.”

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon