TITA BERNADETH”S POV
Pangatlong lingo na naming dito sa London at totoo ngang ang ganda dito. Kitang kita ko sa mata ni Sunny ang sobrang saya nung unang araw namin dito. Lalo na nung nakita nya ang 1D. Pero habang tumatagal kami dito ay parang ayaw na nya. Kahapon lang ay parang bored na bored sya sa arcade. Kami yata ni Honey ang nag-enjoy eh. Medyo matagal din syang nawala at 15 minutes kaming nag-intay sa labas ng arcade at mukhang may hindi magandang nagyari sa kanya pero nakangiti pa rin sya nung lumapit sa amin. Habang nasa kotse ay tahimik lang sya at mukhang inaantok. Hindi na lang kami nagpahalata na nakatinggin kami sa kanya. Ano kaya problema nito? Alam ko gustong gusto nya makapunta dito. Kaya nga nagpasya kaming ibigay sa kanya tong regalong ito sa kanya. Hindi kaya may sakit na naman sya? Lord, wag naman sana. Tapos na kami doon.
Oo nga pala cancer survivor ang unica hija kong iyan. Sa wan g Diyos ay nalagpasan namin iyon. Alam kong malakas at palaban talagang bata si Sunny. Madali nga lang syang mapagod at medaling magkasakit. Hindi kaya may sakit sya kaya matamlay? Naalala ko nung bago sya magprom hinimatay sya sa sobrang pagod at panahon. Sana naman po wala syang sakit ngayon.
Biglang nawala ang kaba ko nung biglang ngumiti sya pagtingin sa cellphone nya. Hay, nakahingga rin ng maluwag. Siguro miss lang nya ang mga kaibigan nya kaya sya ganyan. Miss ko na rin ang mga anak-anakan kong iyon. Lagi pa naman silang nandon sa amin dahil hindi ko pinapayagang magpupunta kung saan saan si Sunny at alam nila iyon. Kumusta na kaya ang mga iyon? Lalo na si Darwin at kumparet kumare. Miss ko na rin ang shopping naming dalawa ni Diane.
Pagkababa naming ng kotse ay agad na pumanik sa kwarto si Sunny pero mukhang masaya na sya at nakita ko na ulit yung ngiti nya. Excited pa yatang pumanik eh. Habang nasa baba kami ni Honey ay kumain muna kami ng meryenda. Konti na lang din ang araw na kasama ko silang dalawa ditto sa bahay. Malapit na ring pumasok si Honey sa trabaho. Habang nakabukas ang facebook ni Honey ay biglang nagmessage si kumpare.
“Hon, tara dito nagmessage si pareng Dante,” tawag sa akin ni Honey.
“Talaga? Wait lang,” sabi ko papalapit.
Dante: Kumusta na kayo dyan pare? Naabutan din kitang online.
Sam: Ito pare ayos naman. Kayo dyan? Nakakamiss na ang Pinas.
Dante: Ayos lang din. Kumusta na ang inaanak ko?
Sam: Ito masayang masaya at nakapunta na sa London. Alam mo bang abot langit ang ngiti nung unang araw naming dito.
Dante: Mabuti naman kung ganun. Pakisabing kumusta daw si Darwin kay inaanak.
Sam: Oh sige. Kumusta na din pala yang inaanak ko?
D: Ito ok lang din. Alam mo bang miss na miss na nya si Sunny.
S: Hahaha. Talaga? Sige sasabihin k okay Sunny yan.
D: Sige, sige. Pare may ipagpapa-alam nga pala ako sa iyo.
BINABASA MO ANG
It wasn't a Fairytale Anymore
Fiksi PenggemarNaniniwala ka ba sa Fairytale?Sa Wishing stars? Ano ang gagawin mo kung ang lahat ng pinaniniwalaan mo ay nagkatotoo. Lahat ng pangarap mo ay natupad. Gusto mo pa bang magising at matapos ang lahat ng ito? Ngunit katulad din ba ng fairytales ang lov...