Chapter 18: Disappointment

18 3 0
                                    


SUNNY’S POV

Medyo matagal pa ang pasukan ko kaya ma-eenjoy ko pa ang bakasyon dito. Mag lilibot-libot kami nila Daddy mamaya para masanay na ako at malaman ko na ang pasikot-sikot dito.

Una naming pinuntahan ang isang mall at sobrang gaganda ng mga tinda dito pero ang gaganda rin ng presyo. Sunod ang isang ice-cream parlor. Tiyak na sa mga susunod na buwan ay laging nadito ako lalo na kapag stress ako sa school. Hay, ayoko pang isipin ang school kailangang magpahinga muna tiyak matinding bakbakan ang mangyayari sa pasukan.

Mag a-alas dos na ng hapon at pagod na pagod na ang dalawa kong paa pero si Nanay at Tatay enjoy na enjoy pa rin sa pamamasyal. Akala ko ako ang mag-eenjoy yun  pala sila. Patuloy pa rin sila sa paglalaro dun sa arcade habang ako nagpaalam ako na lilibot lang ako sa malapit. Habang naglalakad papalabas ng arcade ay may nakita akong ka-aura ni Harry or in other word kamukha nya.

“Ang boring naman pala dito. Akala ko masaya yun pala--- Teka, sino yun? Wait, kamukha sya…kamukha sya ni Harry!”

Sinundan ko agad yung nakita kong lalaki at bakit iba yung feeling. Ugh, kinikilabutan na rin ako. Gosh, nagkakatotoo na ba wish ko, na makita ko man lang sila dito o kahit isa sa kanila. Hala sige takbo lang Sunny kailangang abutan mo sya. Maaabot mo na sa wwakas ang panagarap mo kapag nahawakan mo ang gahibla ng buhok nya. Waah, his curls, his cheeks, his dimples, his lips and…

BOOGSH!

“Ahh, ang sakit,”sabi ko.

“Damn girl. What the heck you’ve done to me,” sabi nung babae.

Ang sakit nung puwet ko bumagsak ako nung may mabangga ako at grabe sinabihan pa akong Damn nitong balyenang babaeng to. Ay, naku ang clumsy ko talaga natapon pala sa damit nya yung milk tea. Hay, buhay.

“I’m so sorry miss. If you want I’ll buy you another tea or I will be the one to clean your dress,” paumanhin kong sabi ngunit mali yung una kong line wala nga pala akong dalang pera. Ugh, kainis naman. Mali pala yung lahat ng expectation ko kapag nasa London na ako. *sigh*

“Shut up. I don’t need another tea---,” sabi nung matabang babae.

“Ahm, it’s ok lady. We can handle this and sorry for what she’d said to you, “ singit nung kasamang lalaki nung balyenang babae. Buti pa ito mabait at nag sorry pa.

“Thank you Sir but again I’m so sorry. I don’t notice you awhile ago because I’m chasing someone,”sabi ko naman.

“Oh, we’d understand. You’re chasing someone?,” tanong ni  Kuya.

“Yes and I need to follow him or else---,”sabi ko.

“Miss, you can go now. I hope you’ll see him and don’t worry about us,” sabi ni Kuya na hulog ng langit.

“What?! What’s happening to you? Don’t you see what she’d done to me?” pagwawala nung balyena.

Grabe too much exposure na ako dito at kung hindi lang sinapak ko na tong balyenang to eh. Halos lahat ng nagdadaan nakatingin sa amin at lalo na sa akin. -_- Habang papalayo na ako sa kanila ay naririnig ko pa rin ang boses nung babaeng yun at ang bait naman nung asawa nya napagtitiisan sya. Wait, teka asan na kaya iyon. Nasaan na sya? Hay, kainis! Dahil kasi dun sa babaeng yun di ko na sya naabutan. Kung dib a nakaharang yung mga fats nya eh di sana di ko sya nabangga. Ako na nga bumagsak sa lupa tapos sya pa may ganang mang-away. Ang pangit pangit rin nung damit nya parang sa UK-UK (ukay-ukay)  lang nya nabili yun eh.kasalanan nya talaga to. Hindi ko na tuloy naabutan yun.

Wala na akong magagawa, wala na eh. Tiyak malayo na yun kaya nagpasya na lang akong bumalik sa arcade. Buti na lang at walang dumi yung damit ko kung hindi eh mahabang paliwanagan na naman ito. Buti na lang at tapos na sila sa paglalaro at hinihintay nap ala nila ako sa labas para umuwi. Salamat naman at uuwi na kami.

Habang nasa kotse ay nag-uusap pa rin si Nanay at Tatay tungkol sa arcade. May balak pa yata silang bumalik doon eh. Wala, ang boring talaga. Ganito ba talaga sa London. Ang boring din nung mga tao sa labas. Wala silang pansinan o ngitian man lang. Nakakamiss na ang Pilipinas. Gusto ko na ulit dun at miss ko na rin ang mga kaibigan ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag na dala ko at sasabog yata message box at call log at kanino pa ba galling ang mga iyon, syempre sa mga kaibigan ko. Sa wakas din na boring.

Lalo ko pa silang na miss dahil sa mga text messages nila sa akin at tiyak masaya ngayon silang nagbabakasyon. Gusto ko ng umuwi para makapag kainan ulit kaming lima.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon