January na at barely three months na lang at magkakahiwa hiwalay na ang mga landas. Magbubukas na naman ang paibagong pinto para sa aming buhay. Kaya kailangang pagbutihan at ienjoy ang mga sandaling ito.
Ang tagal din ng sembreak naming at miss na miss ko na ang aking mga kaibigan. Excited na akong pumasok at kumain kasabay sila.
“Sunny,anak gising na. first day ng klase ngayong taon. Baka malate ka!”
Ay oo nga pala nahimbing ako sa tulog dahil napaginipan ko ang aking crush at isa rin yun sa lilisanin ko at---
“Sunny, ano ba di ka pa ba bababa? 4:45 na!,” pagputol ng aking tatay sa pag-eemote ko.
“Pababa na.”
Mabilis ang pagkilos ko dahil excited na akong Makita ulit sila. Tiyak marami na naming baong kwento ang mga iyon.
Sa School:
“Uy, nauna ka na naman. Bukas ako naman,” pabirong sabi ko kay Shailene.
“Nagulat naman ako sa iyo. Sige paunahan tayo bukas.Hahaha!”
“Ang tagal naman ng mga yun. Excited na ako sa mga kwento nyo.”
“Ako rin tiyak kulang itong whole day na ito sa kwentuhan natin. Tabi muna tayo ha wala pa naman yung katabi mo.”
“Sige, tsaka tayo pa lang kaya nasa room. 5:40 pa lang oh,”sabay turo ko sa orasan.
“Ay oo nga noh. Tara kuha na muna tayo gamit sa locker.”
“Mamaya na lang. Tinatamad pa ako eh.”
“kahit nandun si Shone?”
“Tara na nga!”
“Ikaw talaga basta sya Go ka na agad!”
Habang pababa kami ng hagdan papuntang locker wala na yatang bukas ang kwentuhan at tawanan naming ni Shalene. At destiny nga naman oh, nung pagsarado ko ng pinto ng locker ko ay nandun pala sa may gilid si Shone. Parang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Grabe ang pogi nya at take note bagong gupit sya. May mannerism sya na humawak sa buhok nya pero hindi yung mayabang na dating.
Kaming mga magkakaibigan lang ang nakakaalam na crush ko sya. At si Shalene at Sandy lang ang nakakaunawa sa akin. Hindi nila ako tintukso pag malapit si Shone kapag nakalayo na lang ito. Isa lang akong dirtbag sa tingin ni Shone. Pero di rin naman sya masyadong kilala sa school. Pero ok na yun kaysa naming magmuka akong papansin sa kanya.
“Di ba sabi ko sayo nandito sya,” tukso ni Shalene pagka alis ni Shone.
“Oo nga, ang galing mo talaga may magic k aba?”
“Wala noh. Eh ganun eh!”
Habang papalakad na kami papalayo sa locker ay biglang dating ni Sandy.
“Sandyyyyyyyy!”
“Para naming walang bukas ang pagtawag mo sa kanya,”sabi ni Shalene.
“Ahhhhhhhhh! Kumusta na kayong dalawa?” tanong ni Sandy.
“Ito still breathing.”
“Ayoslang, may ikukwento ako sayo.Dali doon na tayo sa room.”
“Uy. Shhh! Ayan si Sister!”
“Good morning po!” bati naming tatalo sa aming principal.
“Huu, muntik na tayo dun,” sabi ni Sandy.
“Oo nga. Tara sa room na tayo dali,” yaya ni Shalene.
Agad naman kaming bumalik sa room at marami rami na ang mga nasa room. Syempre tanungan kung anong ginawa naming, saan kami nagbakasyon at kung anu-ano pa.
“Oh, ano yun? Kwento nyo na,”tanong ni Sandy.
“Yang si Sunny nagliwanag kangina,”pang-iinis ni Shalene.
“Bakit anong nangyari?May—Ahhhhh, nakita mo si Shone noh?” tanong ni Sandy na may kasama pang pangingilita.
Tumango lang ako.
“Hay nako, hindi yata nakagalaw kanina yan eh. Tapos pagkaalis ni Shone ay abot tainga ang ngiti,”giit ni Shalene.
“Ako man siguro magiging ganun kung nakikita mo ang crush mo sa first day ng pasukan ngayong year,”inggit na sabi ni Sandy.
“Teka nakita ko nga pala yung crush mo nung bakasyon,”sabi ko kay Sandy.
“Talaga? Saan? Kailan? Bakit di m ko tinawagan?”sunud sunod na tanong ni Sandy.
“Ito naman naloka na naman!”pambubuska ni Shalene.
BINABASA MO ANG
It wasn't a Fairytale Anymore
FanficNaniniwala ka ba sa Fairytale?Sa Wishing stars? Ano ang gagawin mo kung ang lahat ng pinaniniwalaan mo ay nagkatotoo. Lahat ng pangarap mo ay natupad. Gusto mo pa bang magising at matapos ang lahat ng ito? Ngunit katulad din ba ng fairytales ang lov...