Kinabukasan simula nan g preparation para sa Prom. Grabe lahat yata ng makakasalubong mong junior at senior yun ang pinaguusapan. At di rin mawawala kung sino ang mga kasali sa cotillion. Napagkasunduang magkaroon ng representatives sa bawat section, sina Joanna at Josh ang representatives namin at si Shone sa 2nd section. Ang swerte naman ng ka-partner nya.
Mabilis ang pagdaan ng araw at practice n gaming Prom. Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko sa mga araw na ito. Siguro naman lahat kami. Kaming magkakaibigan ay walang humpay din sa tanungan kung anong isusuot, anong oras pupunta at marami pang iba.
“Meron na ba kayong gown?” tanong ni Sandy sa aming dalawa ni Shalene.
“Ako meron na,”sagot ko.
“Ako rin, color black sa akin,”dugtong ni Shalene.
“Ako naman syempre pink,”ani ni Sandy.
“Ikaw Sunny?” tanong ni Shalene.
“Gold o yellow ata yun,”madaling tugon ko.
“Si Sunny ka nga! Hahaha. Teka 12 na magsisimula na ang practice. Sana magkakatabi tayo,” sabi ni Sandy.
“Sana nga para masaya,”sabi naman ni Shalene.
Hindi ko alam kung anong kaba ang nararamdaman nung mga oras na iyon kaya nagpasya akong tumahimik na lang tulad ng dati.
Nagsimula na ang pagpila namin katapat ang mga lalaki sa ibang section. Kung sinuswerte nga naman ako oh, kapartner namin ang section nila. OH MY GOSH. I CAN’T BREATH. Kaya pala di ako mapakali kangina pa kasi may magyayaring kakaiba. Sad story lang hindi ko sya nakapartner kasi kasama sya sa cotillion kaya iba ang pila nila. Pero sya ang kapartner ng adviser naming may way para mapalapit. Hahaha. Nakapartnr ko yung mga kaibigan nya nung una ko masusungit din sila pero hindi pala.
“Hello, anong pangalan mo?” tanong ko.
Nilakasan ko na ang loob kong magtanong kasi ayoko ng maulit yung kagaya nung last prom na nakaupo lang ako. Sana naman sumagot to.
“MJ,ikaw?”tugon nung kapartner ko.
“Sunny, Sunny ang pangalan nya,”singit ni Shalene. Di ko alam kung bakit sumingit siya siguro alam na nya ang nasa isip ko.
Kasama ko nga pala sa table si Shalene,si Sandy lang ang nahiwalay. Naiingit nga sya kasi kasama namin ang crush nya at yung ang kapartner ni Shalene.
“Ah, oo. Ako si Sunny, pero Sunshine ang totoong pangalan ko.”
“Ikaw naman,”tanong ni Shalene sa kapartner nya kahit alam na naming kung sino sya.
“Aaron, ikaw naman?”tugon nung partner nya.
“Shalene.”
Mabilis na nagkasundo kaming magkakasama sa table. Hindi ko akalain na mamababait pala sila at madaling pakisamahan. Marami kaming napag-usapan at kasama na doon yung mga crush naming at wish naming na magsasayaw sa amin at isasayaw nila.
“Ang talino mo pala Sunny,”bati ni Aaron.
“Oo nga eh, lahat ng itanong mo Aaron ay nasagot nya,”pag second the motion naman ni MJ.
“Grabe naman, napag-aralan lang yun. Bakit di nyo ba napag-aralan yun,” sabi ko.
“Napag-aralan kaya lang di na matandaan,”natatawang sabi ni MJ.
“Yun lang, matalino talaga yang si Sunny,”singit ni Shalene.
“Oo nga, teka lang MJ may isasayaw ka na bas a Prom?”tanong ni Aaron sa kaibigan nya.
“Wala pa nga eh. Uy, kayo ha isasayaw namin kayo,”sabi ni MJ.
“Oo nga, friends nan man tayong apat,”dugtong ni Aaron.
“Sure,”sagot ni Shalene.
“Promise yan ha, baka ipahiya nyo lang kami,”sabi ko naman.
“Di naming gagawin yun noh,”sabi ni Aaron.
“Pansin ko kangina ka pa lingon ng lingon ha. Bakit,”tanong ni MJ sa akin.
“Ah, wala, wala,” mabilis na sagot ko.
“Sunnyyyyyyyy!” tiling tawag ni Shalene habang dumadaan si Shone.
“Ano k aba!”pagpipigil at hiyang tawag ko kay Shalene.
“Ay, Sorry,”agad naming tugpn ni Shalene.
“Ehem! Ehem! Aaron may naamoy ka ba?” tanong ni MJ na mukhang nakahalata na.
“Oo eh,” agad naming sagot ni Aaron na may pang-iinis na tingin sa akin.
“Kaya pala kangina ka pa lingon ng lingon,”sabi ni MJ.
“Uy, kaibigan namin si Shone. Gusto mo pakilala kita?” sabi ni Aaron.
“Ano ba tumigil nga kayo dyan. Nakakahiya sa kanya,”saway ko sa kanila.
Tawa lang ng tawa si Shalene sa akin habang nanunukso at nangingiliti. At yung dalawang loko ay may ginawang kababalaghan. Habang dumadaan si Shone ay tinawag ng dalawang mokong at pina-upo sa tabi nila. Sinasaway ko sila nung una kaya lang walang nangyari kasi umupo rin si Shone.
Patay na! :3
“Shone, kawayan mo nga itong si S--,” pang-iinis ni Aaron.
“Sunny,” dugtong ni Shone habang kumakaway.
Kilala nya ako. Kinikilig ako.
“Kilala mo sya?” gulat na tanong ni MJ.
“Oo, sya nga pala yung niligtas ko nung isang araw sa kalsada,”paliwanag ni Shone.
“Siya ba yun. Ehem, magkakilala na pala kayo eh,”pang-iinis ni Aaron.
“Hindi, hindi ah,” sabi ko naman habang hiyang-hiya sa harap nila.
“Nakilala ko lang sya nung araw na niligtas ko sya,”sagot naman ni Shone.
“Paano?”pang uusisa ni Shalene.
“Ah, ito. Sa iyo di ba to? Nalaglag mo nung hinimatay ka,” sabi ni Shone sabay abot ng keychain ng 1D na may pangalan ko.
“Ay, oo. Kaya pala hindi ko makita to, salamat ha,”sabi ko naman.
Ngumiti lang si Shone at saka umalis kasi tinawag na silang mga magsasayaw sa cotillion. Grabe ang saya kahit medyo nakakahiya. Nagpatuloy ang kwentuhan naming magkakapartner at syempre may konting inis pa rin ako sa dalawang mokong na yun at the same time nagpapasalamat ako sa ginawa nila. Ahhhhhhh. I can’t wait na para sa Prom namin!
![](https://img.wattpad.com/cover/23053076-288-k148081.jpg)
BINABASA MO ANG
It wasn't a Fairytale Anymore
FanfictionNaniniwala ka ba sa Fairytale?Sa Wishing stars? Ano ang gagawin mo kung ang lahat ng pinaniniwalaan mo ay nagkatotoo. Lahat ng pangarap mo ay natupad. Gusto mo pa bang magising at matapos ang lahat ng ito? Ngunit katulad din ba ng fairytales ang lov...