Chapter 20: He got the Guts

22 2 0
                                    


SHAILENE’S POV

Sa wakas at nagreply din itong babaeng ito. Ang dami kong text sa kanya tapos ngayon lang nagreply.

To:Sunny

Nakila Sandy kami. Ito gusto ka daw nila maka-usap. Tawag ako sayo.

Sent.

From:Sunny

Sige.

(At ganun ulit yung convo nilang lima. Di ko na ilalagay kasi uulit na naman. J)

 “Oh ano ok na kayo?” tanong ko sa kanila pagkatapos kong patayin ang phone.

“Tingnan mo si Darwin. Naluluko ata,” sabi ni Sandy.

“Pare, di mo pa kasi sinabi eh,” sabi ni Jason.

“Alin yun?” tanong ko. Sorry inosente lang ha.

“Ah, sabi na nga ba eh. Tama ako yun ang gusto mong sabihin noh,” inis ni Sandy.

“Oo na. Ugh. Natorpe na naman ako. Kainis. Ikaw kasi eh,” sabi ni Darwin habang naggugulong sa sofa.

“Bakit ako? Buti nga sinabi ko na,”sabi ni Sandy.

“May susunod pa namang pagkakataon eh. Itext mo kaya sya,”sabi ko.

“Ayoko. Baka di yun magreply,” sabi ni Darwin.

“Di talaga. Kilala mo naman yun eh,” sabi ni Jason.

“Malay mo naman. Sige try mo susuportahan ka naming,”sabi ko.

“Sigurado kayo?” tanong ni Darwin.

“Gusto mo ba o ayaw mo?” tanong ni Sandy.

“Syempre gusto,”sagot ni Darwin.

“Ayun naman pala pare. Sige text mo na,” sabi ni Jason.

“Akana cellphone mo. Ako magte-text. Bilis,” sabi ko.

Full support ako sa loveteam na SunWin. Tsaka kilala na nila ang isa’t isa kaya ok nay un. Kesa naman kay Harry na iyon. Una, malayong mangyari. Pangalawa, di sya kilala nun. Pangatlo, napahamak sya sa pagsunod dun kahit kamuka lang at pang-apat, Malabo talagang mangyari. Hahaha.

Binigay naman kagad nitong loko yung cellphone nya. Hahaha. Tahimik kaming naghihintay ng reply sa sala at halata namang din a mapakali si Darwin. Si Sandy at Ryan naman patuloy pa rin sa pang-iinis. Nakakatuwa talaga kapag ganito ang barkada. Sana naman magreply si Sunny para sa ikabubuhay ng loveteam nila.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon