Chapter 5: I Wish

32 4 0
                                    

                Dumating na nga ang araw ng Prom namin. Kahit makukulit ang mga mokong na iyon ay hinintay pa pala kaming dalawa ni Shalene. Ang gaganda ng mga damit ng halos lahat ng Jumiors and Seniors. Hindi nagtagal ang pila at nagsimula na nga ang grand enterage namin. In fairness, ang ganda ng ayos ng MP Hall namin at may extension pa sa quadrangle. Pati mga teachers namin bongga din ang ayos. Syempre di mawawala ang music. Unang pinatugtog ang Got to Believe in Magic, Born for You, King and Queen of Hearts at marami pang iba hanggang matapos ang pagpasok.

                Solemn na solemn ang Promenade na sinimulan ng prayer at opening remarks ni Sr. Isabel. Hindi nagtagal ay natapos din ang turn over ng Key and Responsibility at ang awarding. At ang pinakahihintay naming lahat ang pag-oopen ng dance floor.

                *Drum Roll*

                *Heart Beat*

                The Dance floor is now open!

                Nag tayuan na ang mga couples at nagsimula na silang magsayaw ng sweet music. Sana naman may magsayaw sa akin no.

                Wishing Star ikaw na ang bahala sa akin. Please!

                Habang nakaupo kami sa apat sa upuan ay biglang may lumapit na lalaki at humawak sa balikat ko na ikinagulat ko,si Darwin pala iyon at inaya akong sumayaw. Siya yung hanggang ngayon ay tinutukso pa rin sa akin. Classmate kami since Grade 3 hanggang ngayon. At nagging crush ko sya dati at siya rin ay ganun sa akin pero ngayon ay ayoko ng maalala iyon. Mabait, may itsura at matalino si Darwin. Actually, running for Salutatorian sya. Dati nung elementary hindi ko sya pinapansin kasi nakakailang pero nung 1st year high school na kami bigla na lang nawala yung ilangan naming dalawa at isa sya ngayon sa close friends ko.

                “Sunny, pwede?” tanong ni Darwin.

                Tumango ako.

                Thank you wishing star. Di naman pala ako magiging loner eh.

                Habang tumatayo ako ay hawak na ni Darwin ang kamay ko at si Shalene at kilig na kilig naman. Nung una wala kaming mapag-usapang dalawa pero hindi rin nagtagal ay nagtatawana na kami at lahat ng makakita sa aming dalawa ay kinikilig at tinutukso kami. Nginingitian na lang naming sila pero sana’y na ako sa tuksuhan nila at close friends lang kaming dalawa.

                “Pinagtitinginan nila tayo oh,”turo nya habang nagsasayaw kami.

                “Oo nga eh. Hahaha,”sagot ko naman.

                “Kayo ha. Isasayaw mo rin pala si Sunny eh,”sabi ng isa naming classmate.

                “Pakipot ka pa,”singgit naman nung isa.

                Ngumiti lang kaming dalawa.

                “Ok na ba? Gusto mo na bang umupo?”tanong nya.

                “Ah sige ba, salamat ha,”sabi ko naman.

                Ihahatid na nya ako pabalik sa upuan ko ng biglang inaya naman ako ng iba ko pang classmate at ibang boys na di ko kilala. Matagal tagl din akong nakatayo kaya nagpasya akong umupo. Masakit na ang paa ko sa hills na suot ko hindi pa naman ako sanay mag takong. Habang nakaupo ay napatingin ako sa may quadrangle at kitang kita doon ang mga stars.

                Wishing star. Lucky star, thank you talaga. Akala ko mauulit na naman yung last year.

                Hindi rin nagtagal ay lumapit sa akin si Jason. Classmate ko sya since Grade 2 naman. Naku lhat yata ala’m na naming sa isa’t-isa. Inaya nya akong magsyaw at may dala pang flowers.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon