Chapter 17: Welcome to London

26 4 1
                                    

Sorry po kung ngayon lang nakapag-update sobrang busy po kasi sa school. Hinabaan ko na lang po itong chapter na ito para sa inyo. Enjoy reading. :)

SUNNY’S POV

“Anak gising na bababa na tayo,” gising sa akin ni Nanay.

“Talaga po? Ang bilis naman po akala kop o matagal pa. Hahaha,”sagot ko.

“Ayaw mo pa ba?”tanong ni Tatay.

“Di po. Gustong gusto ko na nga po eh. Sa wakas makakakita na ako ng telephone booth  at yung bus nila,”excited na sagot ko.

“Oh, sige mag-ayos ka na ng buhok,”utos ni Nanay.

“Sige po,”tugon ko.

Iba ang feeling nung oras na tumuntong ako sa lupain ng London. Iba rin ang amoy amoy sosyal hahaha. At ang accent nila umuugong sa tenga ko. Grabe ang sarap pakinggan. Totoo nab a to? Nasa London na ako? Waaah. Thank you Lord sa lahat!

“Miss?Miss? Can I have your bags?” tanong nung lalaki sa akin.

“Ay, nagulat naman ako dito. Yes, you can,”sabi ko sabay ngiti.

Grabe nakakahiya naman dun sa lalaki nakita nya akong parang luka. Baka akala nun inosente ako sa London. Eh, ngayon nga lang pala ako nakapunta ditto. Hahaha. Totoo naman eh nakaka-inlove ang London. Sumakay na kami ng taxi at mula sa bintana ay nakita kong nakangisi pa rin si Manong. Sorry na manong bago lang eh. Next time hindi na.

“Anak, bakit nakatingin ka pa rin dun sa lalaki?”tanong ni Tatay.

“Nakakahiya po. Nakatulala ako kangina dun at kangina pa pala nya ako kausap,” sabi ko.

“Hahaha. Bayaan mo nay un,”sabi naman ni Tatay.

Unang araw ko ditto tapos ganto kaagad nangyari. Hay. Move on na nga tayo. Habang nsa kotse kami nadaan kami sa isang lugar dun na puro building at souvenir shops. May lumabas na bata sa isang store dun na nakasuot ng 1D. One down. Mag hahanap pa ako ng iba.

“Excuse me, can we stop here for a while?”tanong ni Tatay sa driver.

“Of course, Sir. I’ll just park the taxi,”sagot nung driver.

“Ok. Thank you,”sagot ni Tatay.

Bumaba na nga kaming tatlo at hindi ko alam kung bakit.

“Saan po tayo pupunta?”

“Maghintay ka lang anak,”sabi ni Tatay.

Parehas na di namin alam  ni Nanay kung saan kami pupunta kaya nagkibit balikat na lang kaming dalawa. Sampung hakbang lang yata ang nilakad namain at nagulat ako nung nakita ko s aisng store dun na may 1D.

“Oh, tara sa loob,”yaya ni Tatay.

“Dito po ba tayo pupunta?”tanong ko.

“Ayaw mo?”tanong naman ni Nanay.

“Syempre po gusto. Tara na po,”sabi ko habang papasok na sa loob.

WOW. Parang nasa heaven ako nung nasa loob ako nung store nay un. Syempre ang bagong kanta nilang “Live while were young” ang pinapatugtog. Kung pwede lang dito na lang ako ok lang. Kahit mag part time job ako dito ok lang din. Kahit maliit lang ang sweldo ok nay un. Kasama ko naman ang 1D. ang sarap ng feeling dito.

“Di ka ba bibili?”tanong ni Nanay.

“Ok lang po ba?”tanong ko din.

“Oo naman. Sige pumili ka na,”sabi ni Nanay.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon