DARWIN’S POV
Grabe hanggang ngayon di pa rin gumagana ang utak ko. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang panunyo kay Sunny. Nabasa pala nya ang letter ko sa kanya. Suot nya kaya ngayon yung bracelet na bigay ko? Ah, ang sarap ng feeling.
“Anak, anak, ok ka lang?” tanong ni Mommy.
“Ah, ha. Ano po iyon?” tanong ko.
“Ayos ka lang ba anak? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo. May sakit ka ba?” tanong ulit ni Mommy.
“Wala po. Ok lang po ako,”sabi ko.
“Kuya, bakit parang masayang-masaya ka yata ngayon?” tanong ni Darcy. Bunsong kapatid ko.
“Ako? Ha, wala ito,” sagot ko kaagad.
“Weh? Bakit ka namumula?” pang-iinis niya.
“Wala ito. Ang init kaya di mo ba nararamdaman?” sabi ko.
“Hay nako Kuya. Nakikita ko lang ang ganyang ngiti kapag kasama mo si Ate Sunny,”pang-iinis nya.
“Ha? Hindi no,” sagot ko agad.
“Kuya, kumusta na nga pala si Ate Sunny? Miss ko na sya.”
“Ayos lang daw sya dun at boring daw doon eh. Miss ko na nga rin sya eh,” sabi ko habang kumukuha ng ulam.
“Sabi na nga ba eh. Si Kuya crush si Ate Sunny,”pang-iinis ni Darcy.
“Darcy, bayaan mo na ang kuya mo,”saway ni mommy kay Darcy at sabay ngiti sa akin.
“Bakit daw boring?”tanong ni Daddy sabay tapik sa balikat ko.
“Ewan po. Miss na daw nya kami,”sabi ko.
“Ah, kaya pala,”sabi ni Mommy.
“Oh, anak kumusta na. Nag the-the moves ka na ba?” tanong ni Daddy.
“Di pa po eh,”sagot ko.
“Nako, tuturuan kita. Alam mo ba ang Mommy mo napa-oo ko sa killer smile ko,” sabi ni Daddy sabay ngiti at kindat kay Mommy.
“Ikaw talaga. Bolero ka kamo,” sabay mahinang hampas ni Mommy sa braso ni Daddy.
Ang cute talaga tingnan nilang dalawa sana ganito rin kami ni Sunny pagdating ng panahon.
~~
“Honey, kain na,” sabi ko.
“Ang bait talaga ng asawa ko,”sabi ni Sunny sabay kiss sa pisngi ko.
“Syempre para sa pinakamaganda kong asawa lahat gagawin ko,”sabi ko naman sabay kiliti sa kanya.
“Bolero ka talaga. Teka kunin ko lang si Morgan para makakain na tayo,”sabi ni Sunny.
~~
“Kuya, ayan ka na naman,” yugyog sa akin ni Darcy.
“Ha,” sabi ko habang abot tenga ang ngiti.
“Anak, kumain ka muna bago mo isipin si Sunny,”sabi ni Mommy.
“Oo nga. Mamaya na lang yan,”pang-iinis ni Daddy.
Pagkatapos kumain ay nanuod muna ako ng the Modern Family pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa pinapanood ko dahil ang laman lang ng utak ko ay si SUNNY! Habang nakatulala ay may tumapik sa balikat ko at bumalik ako sa katinuan. Si Daddy pala yun at siguro kangina pa nasa likod ko.
“Anak, ano na?” tanong ni Daddy.
“Ano po yun?”
“Alam mo na. Kumusta na kayo ni Sunny?”
“Ah, wala pa po eh. Kanina nga po ay tinext namin yung matagal ko ng gusting sabihin sa kanya.”
“Bakit kayo? Anak, wala sa lahi natin ang torpe.”
“Eh, kasi kinakabahan po ako at natatakot baka mareject ako ni Sunny. Hindi kop o kaya iyon.”
“Hayaan mo anak. Kailan mo ba balak magsimula?”
“Kahit kailan po. Mukhang nagbigay na po sya ng signal eh. Sabi po nya darating din kami doon.”
“Iyon naman pala anak. Kaya lang ang hirap ang layo nya sa iyo. Pero kaya mo yan anak yata kita.”
“Kuya, sana nga maging kayo ni Ate Sunny para magka-ate na ako,” biglang pasok ni Darcy at ni Mommy.
“Oo nga, gusto ko syang maging manugang,”dugtong ni Mommy.
“Salamat pos a suporta.”
Tuloy pa rin sa pagkwento sa akin ni Daddy ng mga moves nya dati ng biglang sumulpot yung One Direction sa commercial. Epal naman oh. Lalo na itong kulot na ito. Sana hindi ya magpunta dun malapit kila Sunny. Kahit alam kong masama yung wish ko dahil kasiyahan ni Sunny iyon pero sagabal sya sa amin.
“Kuya, yan di ba yung gusto ni Ate Sunny?” tanong ni Darcy sabay turo sa tv.
“Oo, kainis,” sabi ko naman.
“Bakit naman anak?”tanong ni Mommy.
“Eh di ba po nasa London na si Sunny eh taga doon poi yang limang yan.”
“Eh ano problema dun?”
“Eh, kilala ko po si Sunny na lahat gagawin nya para dyan. Para makita harap harapan, maka-usap at iba pa.”
“Yun lang naman Kuya ha.”
“Darcy, maganda si Sunny at alam mo yun. Paano pag inagaw nila sa akin si Sunny.”
“Oo nga Kuya. Sunduin mo na dun si Ate baka maunahan ka nung One Direction.”
“Hahaha, anak kung kayo talaga para sa isa’t-isa walang makakapigil sa inyo,” payo ni Daddy.
“Pero sure naman akong magiging manugang ko si Sunny eh,” sabi ni Mommy sabay siko sa akin.
“Salamat po.”
Buti na lang at supportive ang pamilya ko at bigla tuloy akong namroblema kay Sunny. Paano nga kung nagkita sila at nagustuhan sya. Nako, sana naman hindi. Sana talaga hindi pumunta yung lima nay un sa Bloomsburry.

BINABASA MO ANG
It wasn't a Fairytale Anymore
FanfictionNaniniwala ka ba sa Fairytale?Sa Wishing stars? Ano ang gagawin mo kung ang lahat ng pinaniniwalaan mo ay nagkatotoo. Lahat ng pangarap mo ay natupad. Gusto mo pa bang magising at matapos ang lahat ng ito? Ngunit katulad din ba ng fairytales ang lov...