Chapter 14: Parting Time

18 2 0
                                    

Two o clock ang oras ng flight kaya mga twelve ay pumunta na kaming airport. Kasunod namin ang kotse ng pamilya ni Darwin kasama dun sila Shalene at Sandy. Di na nakasama si Aaron dahil may reunion sila. Habang nasa kotse ako ay hindi ko maiwasan ang umiyak at buti na lang ay di ko kasama sa kotse ang mga kaibigan ko kung hindi baka bumaha na dito. Ang bigat sa dibdib na iwan ang lugar kung saan ako lumaki pero kailangan para sa trabaho ni Tatay at para rin sa akin. Isa pa pangarap ko ito matagal na. Inakbayan ako ni Nanay habang umiiyak ako at hindi nagtagal ay tumahan din ako. Matagal-tagal din ang byahe papuntang airport dahil sa traffic. Buti na lang at 1: 50 kami na karating.

“Paano ba yan alis na kami. Ingat kayo ha,”paalam ko sa kanila.

“Mami-miss ka namin,”sabi ni Shalene at Sandy.

“Mami-miss ko rin kayo,”tugon ko naman.

“Ingat ha,”singgit ni Darwin na medyo naiiyak pero pigil nya.

“Kayo rin. Salamat sa lahat ha,”sabi ko sa kanila pero nakatingin ako kay Darwin.

Akala nya siguro hindi ko nabasa yung letter nya.

“Oh sige na. Mauna na kami. Mare una na kami,” paalam ni Nanay sa kanila at kila Tita.

“Ba-bye. Ingat kayo dun,”sabi ng Mommy ni Darwin sabay yakap sa amin.

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Sumulyap muli ako sa kanila at tumakbo para yakapin sila.

“Sige na. Baka maiwan kayo ng eroplano,”sabi ni Shalene na umiiyak din.

“Tawag ka pag nandun na kayo ha,”sabi naman ni Darwin.

May iabot sa akin si Darwin na maliit na box. Ano kaya laman nito?

“Doon mo na buksan pag nandoon ka na,”sabi nya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanila. Naglakad na akong papalayo sa kanila at sumakay na kami sa eroplano. Nandoon ang kaba sa aking dibdib papuntang London. Sana mababait ang tao doon at mga kaklase ko. Sana maging maganda ang pamumuhay naming doon. Sana.

Pinagsuot ako ni Tatay ng earphones para daw di ako mag ka jetlag. Madali kasi akong mahilo dahil alam nyo na sakitin ako. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa ulap. Ngunit nandoon pa rin ang mga alala. Mga alaalang masasaya at mga alalalang malungkot.

Gusto kong magsimula ka ng panibagong buhay yung hindi mo maaalala yung crush mo na sinaktan ka lang.

Biglang sumingit ang mga sinabi sa akin ni Nanay noon. Siguro nga kailangan ko ito para sa bagong buhay. Akala ko noon ay nakalimutan ko na ang sakit pero hindi pa pala. Kung meron lang delete button ang feelings hay nagamit ko na yun ilang beses na.

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon