Chapter 26

16 4 0
                                    

SUNNY'S POV

Third week na ng school year at maganda naman ang nangyayari. Sana tuloy-tuloy na ito. Marami na akong kakilala sa university at hindi naman pala mahirap pakisamahan ang mga taga dito. Akala ko mamaliitin na nila ako dito eh.

Meron na din akong masasabing college buddies dito. Sila si Bob, Thalia, at Carmina. Para rin silang mga kaibigan ko sa Pinas pero syempre walang makakahigit sa mga kaibigan ko sa Pilipinas. Magkaklase kaming apat sa halos lahat ng subjects pwera lang sa Geography, si Bob at Carmina magkaklse at kami naman ni Carmina. Si Carmina, Asian din sya kaya super close at nagkakaintindihan kaming dalawa. Singaporean sya na may halong Chinese at super bait nya. Masasabi ko na sya ang pinaka close ko sa kanilang tatlo. At mamayang 12 ay magkikita ulit kami dahil it's Monday and I love Mondays. Hahaha.

"Sunny, anong oras ngayon pasok mo?"

"12 pa po Daddy."

"Ah, sige mahahatid pala kita."

"Talaga po? Yehey."

"Hahaha. Nako, ang anak ko para na namang bata."

"Daddy, papakilala ko po kayo sa mga kaibigan ko mamaya ha."

"Okay. Uy, 10:00 na magbihis ka na para sa school."

"Sige po."

Nagbihis nga ako kaagad dahil alam nyo namang excited lagi ako pag pasukan. Tsaka may activity ngayon sa school kaya mas masaya. Binilisan ko na rin ang pagakain ko para maaga kaming makarating sa school para maunahan ko si Carmina na laging una. Hahaha.

Habang nasa kotse...

"Anak, sino yang ka-text mo?"

"Sila Carmina po. Bakit Daddy?"

"Wala lang. Eh si Darwin?" sabi nya na may pang-iinis na ngiti.

"Eh, tulog pa po iyon. 4:00 pa lang po sa Pilipinas."

"Ay, oo nga pala. Pero kumusta na kayo?"

"Okay naman po."

"Kailan mo ba sasagutin si Darwin?"

"Daddy, alam nyo naman pong ine-enjoy pa namin tong relationship namin."

"Di ba mahal mo sya?"

"Opo."

"Eh, bakit mo pinahihirapan pa. Alam mo namang okay na kami sa kanya eh."

"Daddy, darating din po iyan--"

Nang biglang tumogtog sa radyo...

DJ: And our next song is "Steal My Girl"

Habang nag tumutugtog ay hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko yung kanta. Tapos yung lyrics. Parang...parang...

DJ: And that's Steal My Girl by One Direction

WHAT?! Sinasabi na nga ba eh. Yung mga boses na yun. Kaya pala ganito ang feeling ko. Grabe nakakahiya ka Sunny. Di mo kilala ang boses ng 5 husbands mo? At di mo rin alam na may bago silang kanta? Ano ka ba?! Ang carrot mo! Kainis ka.

"Anak, ok ka lang?"

"Ah, eh. Opo."

"Eh, bakit parang ewan ka?"

"Wala po."

"Bakit di ka sumabay dun sa kanta kanina?"

"Iyun nga po. Di ko po alam na may bagong kanat ang 1D."

It wasn't a Fairytale AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon