Prologue
Sobrang kaba ang nararamdaman ko magmula ng binitbit ako ng mga hindi ko kilalang tao. Sobrang bilis ng pangyayari parang kanina lang ay naglalakad lang ako sa gilid ng daan tapos biglang ganto? Ngunit kahit mamatay matay na ako sa kaba ay hindi ko ipinakita sakanila ang tunay na nararamdaman ko. Nanatili akong hindi kumikibo at pinapakiramdaman ang nangyayari. Nakablind fold kase ako.
Gabi na nga pinagblind fold pa ako ng mga siraulo.
"Miss. Hindi masamang sumigaw, baka mamaya maihi ka nalang bigla dito.."
"Wag nalang. Sayang lang laway ko. Kahit naman magsigaw sigaw ako dito hindi nyo naman ako papakawalan."
"Sabagay. Matalino ka talaga. Ngunit mas matalino kami kesa sayo. Hahahahha!!!" Aniya. Ngumiwi lang ako dahil nakakabingi at hangin nila. Hindi nalang ako nagsalita. Base sa naririnig ko parang apat silang mga kasama ko. Familiar sakin ang tawa ng isa kaso diko mawari kung sino.
Maya maya ay tumigil ang sinasakyan namin. Bigla akong kinarga kaya napatili ako sa gulat!
"Tol. Dahan dahan lang.. mayayari tayo kay boss." Malamig na sabi sa likod ko.
Bigla akong inupo sa matigas na bagay. Bakal ata na upuan. Walang ano ano ay tinali ang mga kamay at paa ko. Ang higpit ng pagkakatali sakin at wala talaga akong kawala! Tae sila! Kapag talaga nakawala ako dito pagsasampalin ko silang lahat!
Nakarinig ako ng yabag papunta sa direksyon ko. Biglang tumahimik. Tinanggal ang takip sa mata ko kaya kitang kita ko ang lalaking hindi ko pinangarap makita.
"Pakawalan nyo ko!! Utang na loob! Kung may balak man kayo sakin! Wala kayong mapapala!!!" Sigaw ko.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kylie.. nasaan ang syota mo?"
"Anong syota!? Tae ka! Wala ko nun!! Diko na rin alam meaning non! Kaya pwede ba!? Pakawalan nyo na ako!"
"Stop lying, I won't hurt you If you tell me where he is. Sabihin mo lang kung nasaan si mikaelle.. papakawalan kita ngayon mismo."
Natigilan ako. Pangalan nya lang naman pero ang daming nagflasback sa utak ko. Mga panahon okay pa ang lahat..
Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Sobrang tagal kong itinago ang luha kong ito pero dahil lang dito napalabas ng bigla. Hays.. sawang sawa na akong magtago. Sa dami ng taong lumipas.. akala nila matapang ako.
"Diko alam. Pasensya na pero diko kilala sinasabi mo. Sino ba si mikaelle? Diko na kilala yon. Lahat nalang ako tinatanong kung nasaan ang lalaking yon. Malay ko don. Ni hindi nga sinabi sakin kung saan sya pupunta. Bigla bigla nalang nakipaghiwalay. Magpapakita tas aalis din." walang emosyon na sabi ko. Pakiramdam ko nagiisa nalang ulit ako.
May kinuha sya sa gilid ngunit wala na akong pake kung ano man yon. Pinalo nya ito sa semento ng malakas pero nanatili akong walang kibo. Parang nawalan ulit ako ng gana sa buhay..
"Hindi ka ba talaga aamin kung nasaan sya!!? Hindi ako nakikipagbiruan sainyo ha!! Nasaan sya---"
"Bakit mo ako hinahanap?" Sabi ng boses sa likuran ko na nagpatambol ng malakas sa dibdib ko.
■■■
Yay! Excited na ako sa pangalawang yugto ng storyang ito! Wow lalim ah. Maraming salamat sa mga naghintay! Para sainyo ito sa at sa mga walang sawang sumusuporta sakin magupdate! Thank you!!
Sana nagugustuhan nyo to kahit na maraming magbabago sa story. Parang yung book 1 lang naman to hindi mo maintindihan ang genre. Ahihihi. Pero seryoso wala namang basehan dito ang genre dahil ang mahalaga naintindihan mo ang story at yun ang motibo ko.
Pero gaya nga ng sabi ko. Connected parin ang book two sa book one. Sorry sa mga nabitin sa book 1! Sinadya ko yon sorna..
Do not read this story if you didn't finish the book1 yet!! Ito po ang title and link.
BOOK1: I'm Inlove With A Snober Gangster
https://www.wattpad.com/story/127912848?utm_content=story_info&utm_medium=link&utm_source=androidVote and Comments!! Na miss ko kayo!

BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Novela Juvenil(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...