Veera's POV
Napabitaw ako ng yakap kay Kuya Vince when my phone suddenly rang. Nagulat kasi kami pareho. I didn't know na sobrang lakas pala ng ring tone ko.
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa counter to see who's calling. Si Veronica pala. She's requesting a video call. Sinagot ko naman 'yun agad.
"Hi, Vee! Oh my God! You won't believe what happened last night!" Salubong niya agad sa akin when I answered the call.
"O, bakit? Gumawa na kayo ng kasunod ni Vrent? And why are you whispering?" Tanong ko sa kanya.
"Tanga, hindi! Wait, I'll go out. Tulog pa ang mag-ama eh." She said saka nga siya lumabas nga ng kwarto.
"Here's Kuya Vince pala." Tinapat ko kay Kuya Vince ang phone ko then they greeted each other.
"Tamang-tama pala." Veronica said. "At least sa inyong dalawa ko unang makukwento."
"So what happened nga?" Tanong ko ulit sa kanya. "But spare the private details ah? I don't want to hear it."
"You don't want to hear it but you're insisting na ginawa namin?" She laughed and rolled her eyes. "Well anyways, ito na. . ."
We waited sa kung anong sasabihin niya.
"Brian proposed to me last night!" She finally said then showed us her engagement ring.
"Woah! Congrats, Veronica! I'm so happy for you." Masayang sabi ni Kuya Vince sa kanya.
Napa-ngiti na lang rin ako. Nakita ko naman na kasi kung gaano kamahal ni Kuya Brian si Veronica at kitang-kita ko rin kung gaano kasaya ang kakambal ko. Kita ko na minahal niya na rin si Kuya Brian.
"Myyy!" I heard a small voice from the other line. Omg that's my nephew! Tinapat ni Veronica ang camera sa kanya and I was surprised nang makita kong nakatayo siya sa tabi ni Veronica.
"Omg, Veronica! Naglalakad na si Vrent?" Gulat na sabi ko with wide eyes.
Narinig kong tumawa si Veronica when she saw my reaction. "Really, Vee? Mas nagulat ka pa na naglalakad na ang pamangkin mo kesa sa proposal ni Brian?"
"Eh bakit ba? Ang cute kaya maglakad ng pamangkin ko."
Matagal ko na rin talagang hinihintay na maglakad si Vrent. Two years old na rin kasi siya pero ngayon lang talaga nakapaglakad. Normal naman daw 'yon since medyo chubby nga si Vrent.
Tinapat ulit ni Veronica ang camera kay Vrent then she instructed him to say hi to us which he immediately did.
"Aww. . . He's so cute." Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin at panggigilan si Kuya Vince. Siya lang ang nandito eh.
"Grabe ang cute talaga ng inaanak ko, Veronica. Miss ko na siya agad." Nakangiting sabi ni Kuya Vince. Nakakatuwa siyang tingnan. Ang saya-saya niya habang nakatingin sa inaanak niya.
Nakipag-kwentuhan pa kami kay Veronica and after a few minutes, nagpaalam na rin siya. Ipagluluto niya pa daw ang fiancé niya.
"Ang cute talaga ni Vrent 'no? Bigla ko tuloy siyang na-miss. Gusto ko siyang kargahin." Kuya Vince said, still wearing that big smile.
"Too bad naglalakad na siya. Mas madalas ka nang hahabol sa kanya." Naka-ngiting sabi ko rin sa kanya. "And I bet your future children will be as cute. Lalo na 'pag namana nila 'yang kulot mong buhok."
"You really love my hair, huh?"
I reached for his hair to touch it. "Oo. Sobra. Ang ganda kasi. Sana ganito rin maging buhok ng mga anak ko 'no?"
BINABASA MO ANG
Vee and Vince (V series #3) (#Wattys2019) - COMPLETED
ChickLitV Series #3 Veera Marie Tuazon and Keith Vincent Villamor have been best friends since they were young. Fetus friends pa nga daw kasi hindi pa man sila pinapanganak, mag-best friends na rin ang mga magulang nila. Mag-best friends sila. 'Yun ang alam...