17 - Let's Talk?

242 7 0
                                    

Veera's POV

Friday. Second day na ng pag-i-interview ko. As usual marami pa ring applicants na-ugh, nevermind. Kaya tuwang-tuwa ako when the clock struck at three pm. Break naaa!

Bumaba na ako sa ground floor para pumunta sa El Dominguez. Wala pa rin si Veronica eh kaya kay sasabay ulit ako kay Kuya Vince. Pagkarating ko dun, nagulat ako nang makita ko si Kuya Vince sitting in one of the tables.

"Kuya!" I greeted. "Bakit hindi ka nagta-trabaho? Susumbong kita kay Nanay."

"Ay wow! Excuse me lang, Vee, ah. Break na rin kaya namin!" He countered. "Tsaka inunahan lang kita para hindi ka na manggulo sa kitchen."

We laughed at that.

"So, what did you cooked for me?" I asked eagerly. Matitikman ko na naman kasi ang luto niya.

"Actually, I didn't cooked for us today."

I frowned at that. "Eh anong balak mo? Titigan tayo dito?"

"Grabe ka naman, Vee! Pagod na kaya ako. Kanina pa ako luto nang luto, o!" He said. "Grabe naman 'yung pang-aalila mo sa akin." He added, he even acted like he's hurt.

"Arte mo, Kuya." Natatawang sabi ko sa kanya. "Saan na tayo? I'm starving na rin eh. Nakaka-drain mag-interview."

"Burger King tayo?" Yaya niya.

"Eh Mcdo na lang." Kontra ko.

"Mas masarap nga BK eh. Para tayong kakain ng Kraby Patty." He pushed. With matching encouraging smile pa. Hindi niya ako madadaan sa ganyan niya 'no!

Kahit pa ang gwapo-gwapo niya 'pag ngumingiti siya ng ganon, NO! Mas gusto ko fries ng Mcdo!

Pero wala eh, ang gwapo niya talaga eh.

"Kakain tayo ng Krabby Patty." He said in a sing-song voice habang palabas kami. Hindi ko alam kung paano niya talaga ako napapayag eh. I rolled my eyes.

"Libre mo 'to ah!" Sabi ko ulit sa kanya, still wearing my poker face. Gusto ko talaga ng Mcdo fries eh.

He scoffed. "Sus! Libre ko naman lagi eh. What's new?" He added. Eh ano naman kung libre niya? Siya nagyaya eh. He took my hand and held it while we're walking.

Pasakay na sana kami sa kotse niya when I saw an asshole leaning in his car. Tangina.

Kuya Vince sneered. "What the hell are you doing here, huh? And who told you na pwede ka dito?"

Liam straightened up at naglakad palapit sa amin. Hindi man lang natakot kay Kuya Vince. Let's see kung hanggang saan ang tapang niya 'pag pinatulan talaga siya ng Kuya ko.

"I didn't came here to make a scene. Gusto ko lang makausap si Veera." Liam replied. Nagulat naman ako. I don't think I'm prepared para kausapin siya.

I did not answer. Ni hindi ko siya tiningnan. I just squeezed Kuya Vince's hand.

"Well, she doesn't want to talk to you." Sabi ni Kuya Vince bago niya ako hinila palayo. "Excuse us, we have somewhere else to be. Lumayas ka na rin dito."

It just amazes me how Kuya Vince can voice out the words that are exactly on my mind.

Palayo na sana kami but I felt Liam grabbed my hand. I instantly felt the electricity when he touched me kaya napatingin ako sa kanya.

"Vee, please? I promise that this will be the last time that I'll bother you. Kausapin mo lang ako, please." His voice broke as he said those words.

Something inside me churned. Last time? Akala ko I'm doing a great job sa pagmo-move on but thinking that this will be the last time na makikita ko si Liam? Parang ang sakit pa rin.

Vee and Vince (V series #3) (#Wattys2019) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon