7 - Back To Those Days (2/5)

282 9 0
                                    

Vince's POV

F L A S H B A C K

A week have passed after we won the game pero hanggan ngayon, hyped na hyped pa rin ang mga schoolmates ko sa pagka-panalo namin. Until now, people are congratulating me and my team. Ang dami ring nagpapa-picture.

"Parang mas dumami fans mo, Kuya, ah. Iba talaga 'pag champion." Veera commented. Sabay kaming naglalakad ngayon sa hallway. Ihahatid ko kasi siya sa classroom nila. Veronica's sick kaya hindi siya nakapasok, ayoko namang mag-isa si Veera.

"Hindi naman." Pagtanggi ko though it's true na mas dumami na ang nakakakilala sa akin. Ngayon na lang ulit kasi nai-balik sa school namin ang championship after 5 years.

And they say that it's because of me since ako ang captain ball for this year. But of course, that's not true. Nag-effort naman ang buong team.

"Siguro overwhelmed lang talaga sila sa pagkapanalo ng school natin." I added.

She was about to say something when a group of girls greeted me. "Hi, Vince!"

"Ah, hey." I greeted back and gave them a smile. I'm not sure if I heard it right but i think someone whispered, 'God! Ang hot!'.

Nailang tuloy ako.

"Pa-picture naman kami, Vince." One of them said. "If it's okay lang naman."

"Uhm. . ." I don't know what to say. Meron din namang nagpapa-picture sa akin dati pero hindi naman ako sanay na ganito karami. But in the end, pumayag naman ako. Who am I to decline, anyway? "Yeah, sure."

They all giggled nang pumayag ako. We started taking pictures habang hinihintay naman ako ni Veera.

"Vince, pwedeng pa-hug?" Nagulat kami when we heard what she said. Natahimik kami pero nang maka-bawi ang friends niya, they all cheered for her.

"Go, Inna!" They cheered. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. I saw kung paano kumunot ang noo ni Veera dahil sa nakikita niya.

"Pagbigyan mo na, Vince. Sobrang crush ka niyan eh."

"Oo nga. Plus, today's her birthday."

"Uhmm. . ." Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. The girl looks like she gathered all her courage to ask me that.

I'm not comfortable to do what she's asking me too but I don't think tama naman na tanggihan ko siya.

"I think you're asking too much from him." We all looked at Veera when we heard her spoke. Naka-poker face siya, a sign that she's annoyed.

Everyone fell silent until someone from the group of girls spoke. "A-Ay, sorry po. Sige, we'll go ahead."

They started walking away from us pero bago pa man sila makaalis, I heard someone say, "Sabi ko sa'yo girlfriend niya 'yon si Veera eh."

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nila. Iba na talaga ang epekto sa akin ni Veera.

I looked at Veera and I saw kung paano siya nagulat. Narinig niya rin yata ang sinabi nila.

I sighed. "Tara, Vee? Hatid na kita."

"N-No. 'Wag na, Kuya. Baka ma-late ka na rin." She said. Nag-simula na siyang mag-lakad pero I held her wrist para pigilan siya.

"Vee, why? What's wrong?" Tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko naman kasi na nagbago ang mood niya.

"Wala, Kuya. Male-late na rin kasi ako. Tsaka baka ma-late ka nga rin. Kita na lang tayo mamaya. Or kahit 'wag na, if you don't have time." Kahit hindi niya sabihin alam kong may mali. But, the hell, hindi ko alam kung ano 'yon.

Vee and Vince (V series #3) (#Wattys2019) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon