29 - Falling For Him

236 9 0
                                    

Veera's POV

Nagising ako when I smelled a manly scent. Ang bango. This is an Irish Spring soap, I'm sure. Yung kulay green. Parang yung gamit ni KD.

Wait, bakit ko siya naaamoy? Dumilat ako and I realized that my head is lying on his chest and that I am inhaling his scent through it.

Tatayo sana ako but I noticed na nakalagay ang kamay niya sa waist ko. Baka magising siya bigla. I chose to stay in that position instead. And not because I want to, okay? Ayoko lang talagang magising siya.

One of my hand is in his chest. Binaba ko 'yun but it seems like a wrong decision dahil napunta naman sa abs niya ang kamay ko. Damang-dama ko ang abs niya sa kamay ko.

Omg, Vee! Ano ba 'tong ginagawa mo?

Gumalaw ako ng dahan-dahan para hindi magising si KD. Nakakahiya 'pag nakita niya ako in this position.

"Vee? Gising ka na?" Nagulat ako when I heard his voice. I looked at him and saw na nakadilat na nga siya.

"Ah, oo, medyo ngayon lang rin." Sagot ko sa kanya. "Uhm, did I wake you up?"

"Nope. I, ah, uhm." Putol-putol na sabi niya. And that's when I noticed na nakapatong nga pala ang kamay ko sa abs niya. I took it back immediately.

"Ay sorry."

He nodded. "Ah, it's okay. Breakfast na tayo?"

And so we had our breakfast. Pagkatapos, we decided to take a shower. Not together, of course. After that, nagkayayaaan na kaming mag-swimming.

Wala akong dalang swim wear kaya yung spaghetti strap top ko na lang at cycling ang isusuot ko.

"KD, ready na ak—" Naputol ang sasabihin ko when I saw KD na naka-bihis na. Or more like, naka-hubad na.

Hindi ito ang first time na nakita ko siyang topless pero ewan ko ba kung bakit ganito pa rin ang reaksyon ko. You can't blame me, though. Kung ganito kagandang abs ba naman ang ihaharap sa'yo eh.

Naka-jersey shorts na lang siya when I got out of the bathroom. Buti naman. Ayoko namang maulit yung nangyari sa hotel. Or ayaw ko ba talaga? Ugh! Ano bang iniisip ko?

"Tara na, Vee?" Yaya niya sa akin. Good thing, hindi niya napansin na nakatingin ako sa katawan niya.

Lumabas na nga kami ng room namin. Medyo tahimik kaming pareho kaya I decided to talk para mawala ang awkwardness namin.

"So, maganda ba yung pools dito?" Tanong ko. I know na ang lame ng naisip kong topic but this is better kesa naman tahimik kami.

Lumingon siya sa akin. "Walang pools dito."

Napatigil ako sa paglalakad. "What?" Gulat na tanong ko. "Paanong wala? Eh I didn't saw any beach nearby?"

Ngumiti lang siya. "You'll see."

Napangiti din ako. I don't know if it's because of excitement or because of his smile.

Habang papalapit kami, naririnig ko na ang ingay ng mga taong nagsu-swimming din.

My jaw dropped nang makita ko ang swimming area. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang place. Gusto kong sabihin na maganda but that would be an understatement.

"Ang ganda dito, KD."

Wala ngang pool. All I can see is a body of water at sa pinakadulo, may maliit na falls. Lalo akong na-excite. Feeling ko mas malapit ako sa nature.

"I know right? Dito kami laging pumupunta noon. Mura na entrance fee, ang ganda pa." Kwento niya sa akin.

Nakatulala pa rin ako when I felt his hand held mine. "Aalalayan kita, Vee, ha? Medyo madulas yung dadaanan kasi may lumot."

Vee and Vince (V series #3) (#Wattys2019) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon