Veera's POV
Kuya Vince told me to take a vacation, tutal summer naman daw at fresh graduate naman ako so it's okay to take a break first bago ako magtrabaho. My parents and my brothers are still in Pangasinan. Pinapasunod nga nila ako do'n but I chose na mag-bakasyon din muna with the girls.
Sa Puerto Galera kami pumunta so that we can stay na lang sa isang branch ng hotel namin dun para hindi na kami gumastos ng malaki for our vacation.
As usual, we all enjoyed. Though we're all a bit sad too since mas madalang na naming magagawa 'yung ganitong bondings but we promised each other to try our best not to drift apart. And I know that we can do it.
"Vee, break ka muna. It's 3 pm na rin naman. Tsaka naayos naman na natin 'yung files ng mga employees, right?" The HR manager told me.
I'm working as an HR Assistant dito sa The Villamor Hotel. Actually they want someone na may Master's degree sa industrial and organizational psychology but since we own half of the company, natanggap ako.
But of course, magma-master's pa rin ako. Ayoko namang isipin nila na nakapasok lang ako dahil anak ako ng may-ari ng hotel na 'to.
"Yes, Ma'am." I said at tumango. "How about you, Ma'am? Sabay na po kaya tayo?"
"Yeah, susunod na lang ako." She answered.
I nodded again at lumabas na sa HR office. Hay, wala na naman akong kasabay. Veronica's working here, too. Sa accounting department. Kaso naka-leave naman siya kasi nag-bakasayon siya kasama si Kuya Brian at si Vrent.
Naisipan kong pumunta na lang sa El Dominguez sa ground floor. Sasabayan ko na lang si Kuya Vince. Free naman siguro siya.
"Good afternoon po, Ma'am Veera." Bati sa akin ng manager when I entered the resto.
I greeted her back and asked kung nandyan si Kuya Vince.
"Yes, ma'am. Nasa kitchen lang po si Chef Vince."
Pumasok ako sa kitchen at nakita ko naman agad si Kuya Vince. Hindi naman sila masyadong busy. Naghihiwa lang sila ng gulay.
"Hi, Chef Vince!" I greeted him at niyakap ang braso niya. Hindi niya agad ako nakita kasi nakatalikod siya sa akin.
"Vee," Nagulat pa siya. "What are you doing here? Bawal ka dito. Hairnet zone dito, o."
"Ay grabe. Ikaw na nga pinupuntahan dyan, ayaw mo pa." I said and rolled my eyes at him. But of course, I'm just playing around. "Break kasi. Wala naman akong gagawin. Tsaka I don't have another choice naman but to eat here." Natatawang sabi ko.
Bukod sa ito lang ang restaurant dito, our family owns this. Tsaka masarap din talaga ang luto nila dito.
"Sige na, lumabas ka na. I'll take a break na lang din para masabayan kita." Sabi niya habang ginigiya ako palabas. "What do you want to eat, by the way?"
"Ikaw magluluto?" I asked playfully.
He chuckled. "Of course, ikaw kakain eh."
I smiled. "Well, kahit ano. Basta sarapan mo ah."
Lumabas na ako sa kitchen. Umupo ako sa upuan malapit sa may pool. Ang ganda kasi ng slide sa pool namin dito malapit sa kitchen. It's so inviting that it makes me want to swim, too just by looking at it.
After ten minutes, I think, naramdaman ko na umupo si Kuya Vince sa harap ko. Ang gwapo niya sa suot niya 'yung uniform niya na pang-Chef.
Tinanggal niya na rin ang hair net niya kaya mas nakikita ko na rin ang kulot niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Vee and Vince (V series #3) (#Wattys2019) - COMPLETED
ChickLitV Series #3 Veera Marie Tuazon and Keith Vincent Villamor have been best friends since they were young. Fetus friends pa nga daw kasi hindi pa man sila pinapanganak, mag-best friends na rin ang mga magulang nila. Mag-best friends sila. 'Yun ang alam...