Kung may mga bagay na kagulat-gulat para sa lahat ng nasa Hamza, iyon ay ang pagbisita ng Fuhrer matapos ang dalawang dekada; ang pagbabalik ng dati nilang ace, ang kauna-unahang Zenith na kinilala mismo ng Citadel, ang persona non grata na si Shadow; at higit sa lahat ay ang Slayer.
Pero sa loob ng silid na iyon, sa interrogation room, kung nagugulat na ang lahat sa labas, mas hindi inaasahan ng mga pumasok sa loob ng IR11 ang naroon ngayon sa Hamza.
"Mephistopheles," pambungad na pambungad ni Xerez pagbukas ng pinto. "Nandito na ang—oh."
Hindi tipikal na nagugulat si Xerez sa mga bagay-bagay sa mundo dahil isa ang emosyon sa kailangan nilang salain. At ilan lang iyon sa mga sandaling kahit gusto niyang itago ang pagkagulat ay hindi niya nagawa. Lalo pa't nakikita ng mga mata niya ang babaeng hindi dapat makita ng Fuhrer sa mga oras na iyon.
"At ano na naman ang kailangan mo sa 'kin, Arkin—oh God."
Kung may isang tao sa mundo na ayaw makita ni Josef sa mga sandaling iyon kasama si Armida Zordick, malamang na iyon ang babaeng nakasama niya kagabi at nakamulatan niya kaninang umaga.
Maliban sa muntik-muntikan na silang mahuli ng asawa niya kasama ang ibang babae, ni hindi na nga rin niya magawang mag-apologize dito dahil sa nangyari. At kung nais man niya itong makausap ulit, hinding-hindi niya pipiliing makausap ito kasama si Armida.
Pare-pareho tuloy silang naiilang nang pumasok sa loob.
Nakayuko lang si Xerez nang ipag-urong ng upuan si Armida nang tuloy-tuloy itong pumasok.
Wala tuloy silang ibang nagawa kundi manahimik at paangatin ang awkward atmosphere sa loob ng maliit na silid na iyon.
Kung may isang bagay na ayaw nang maalala ni Erajin pero panay naman ang ikot niyon sa utak niya, malamang na iyon na ang guwapong lalaking naka-one-night stand niya kagabi. Maliban sa katotohanang unforgettable naman talaga ang itsura nito, lalong nangingibabaw sa kanya ang katotohanang kasal na ito para may mangyari pa sa kanilang dalawa.
Pero sa mga oras na iyon, nakanganga lang si Erajin habang nakatingin sa lalaking kaharap niya sa mesa.
At kung may isang bagay na hindi inaasahan sa araw na iyon si Mephistopheles, malamang na iyon ay ang nakikita niya sa mga sandaling iyon. Kaharap kasi niya ang isang babaeng kamukhang-kamukha nga ni RYJO. O kung tutuusin, ito ang mukha ng RYJO na kilala niya at nilang lahat. Mahaba ang itim na buhok, matalim ang tingin at matapang ang presensya, nakataas ang kilay at hindi rin niya mabasa ang tingin. Nakakrus lang ang mga braso nito habang makataray na nakatingin din sa kanya dahil nakatitig siya rito.
"May sasabihin ka, mister?" masungit pa nitong tanong.
"Mister . . ." mahina niyang pag-ulit sa pagtawag nito sa kanya. Bigla tuloy siyang napangiti at lalong napaakbay kay Erajin sa tabi niya. "Jin, mukhang tama sina Razele," bulong niya sa nakangangang katabi.
At dahil inaabot na sila nang ilang minutong walang imikan, si Mephist na ang nag-initiate ng usapan para masimulan na ang pagpapakilala.
"So, uhm, good afternoon, everyone," panimula ni Mephist. "I'm Mephistopheles from Tango Squad. Level 1: First Echelon Agent provocateur of Assassin's Asylum: Hamza branch." Nakangiti niyang tiningnan ang babaeng kaharap. "Welcome to Hamza . . . Madame Armida Zordick." At inilipat niya ang tingin sa Fuhrer na nakakatitig nang matiim sa babaeng kaharap nito. "Mr. Zach." Sinunod niya ang Guardian na nasa likuran ng dalawa. "Xerez."
Saglit lang na yumukod si Xerez para tumugon."Ang totoo niyan, gusto ko sanang makausap ang Fuhrer tungkol sa kasama ko." Tinapik niya ang likuran ni Erajin. "Nakakasorpresang makita natin ang isa't isa rito. Lalo ka na, Madame Zordick."
![](https://img.wattpad.com/cover/22542395-288-k24452.jpg)
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
ActionWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...